Kath's POV
8 na ng magising ako. Agad akong dumiretso sa Cr para maligo. Pagkatapos ko ay nagsuot lamang ako ng simpleng damit dahil pupunta pa naman ako sa Grocery.
Pagbaba ko ay naabutan ko na may bisita si Ylona. Mga kaklase niya siguro." Aalis ka rin Ate? "
" uh. Yes. Si Kuya Diego ba? "
" sabi nina Manang madaling araw pa daw sinundo dito ng Van. "
Tumango na lang ako. Pumunta muna ako sa Kwarto nina Mommy.
Knock knock 2x
" Come in.. "
Dahan-dahan akong pumasok at naabutan ko na nagaayos si Daddy habang si Mommy naman ay busy paglalagay ng make-up.
" Mom, Dad. I just wanna ask your permission. "
" Kasama ka sa outing? "
Nanlaki naman ang mata ko.
" Bakit hindi ka pa sumabay sa kanila kanina? "
" uhm. I didn't notice my alarm Dad. "
Pagsisinungaling ko. Pero mukha namang nakumbinsi.
" okay then, Magiingat ka. "
" Thank you Mom. Dad. "
Humalik ako sa pisngi nilang dalawa bago bumaba at tuluyang sumakay sa kotse ko.
..
Mabilis naman akong nakarating sa Mall dahil hindi naman ganun katraffic. Pagdating ay naghanap agad ako ng maganda parking at dumiretso sa Grocery. Namili ako ng snacks at iba pang favorite nila. Pagkatapos na pagkatapos ay nagbayad na ako para maaga akong makarating doon.
After 1 and a half hours ng pagdridrive ay nakarating na ako sa Rest House ng Barkada sa Batangas. Papasok pa lamang ang Kotse mo ay nakuha mo ang atensyon nila kaya namuo sakin ang kaba.
" Kaya ko to. "
Itinigil ko ang makina ng kotse ko. At huminga muna ng malalim bago ko napagdesisyunan na bumaba. Napuno ng pagtataka ang mukha nila.
" Bakit ka nandito?! "
Nalungkot naman ako sa salubong sakin ni Kiray. Agad akong napaatras at medyo nakaramdam ng hiya at nagbabadya ang pagtulo ng aking luha.
" Kirs.. "
Pag-alo ni Arisse sa kanya. Sasagot pa sana si Kiray pero inunahan na siya ni Julia.
" Stop. Ako ang nag-ulit kay Kath ng Outing na ito.. She's very sorry sa nagawa niya.. Nagusap na kami.. Hindi ba kayo masaya na buo ang Barkada? Matagal rin natin itong hinintay. "
Pagkukumbinsi sa kanila ni Julia. Yumuko ang ilan sa kanila.
" hindi mo sinabi sa akin Kath na pupunta ka pala.. "
Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko ng kausapin ako ni Kuya Diego.
" Kuya... "
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
" O bakit ka umiiyak? Umayos ka nga... Pangit mo pag umiiyak. "
Kulang na lang ay humagulgol ako. Lumapit ako kay Kuya at nagaalangan man ay niyakap ko siya.
" Shh. Tahan na.. "
" I'm so sorry Kuya... Sorry... "
Hinimas naman ni Kuya ang likod ko.
" okay na? Okay. Matagal na kitang napatawad. Naghihintay lang ako ng tyempo para magkausap ulit tayo. "
Ngumiti ako kay Kuya pero patuloy pa rin ang pagiyak. Dahan dahan akong humarap sa Barkada.
" Alam kong nagkamali ako, hindi ko naman kayo masisisi kung hindi niyo ako mapapatawad ngayon, pero sana dumating ang panahon na yun... "
Nahihirapan na akong magsalita pero nagpatuloy ako.
" mauuna na ako sa inyo. Pasensya na kung nabulabog ko pa kayo. "
Ttalikod na sana ako pero may yumakap sakin. Nang mapagtanto ko kung sino ay mas lalo akong naging emosyonal.
" A... "
" shh stop K.. Okay na.. "
Sumunod naman sina Kiray, Yen, Miles at Julia.
" I'm so sorry kanina Kath huh? Nadala lang ako pero namiss ka namin.. "
Tumango ako kay Kiray at niyakap ko siya.
" Sorry talaga Guys.. "
Nagyakapan kami at medyo nabawasan na ang bigat sa loob ko.
Lumapit rin sakin sina Kuya Diego, Marco, Patrick at Ej. Kinurot nila ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko.
" Tahan na.. "
Ngumiti naman ako sa kanila kaya nag-group hug kami.
" uhh. Si Dj? "
Pag-iiba ni Yen.
" Andito Lang kanino yun ah. "
" baka nasa Cr lang. Tara na sa loob at magluluto na ako. "
Sabi naman ni Julia.
" Ahh hindi na kailangan. Marami akong pinamili at may dala rin akong lunch. "
Tumakbo ako sa kotse at pinakita sa kanila. Natuwa naman sila kaya Tinulungan akong magayos.