Boy Friend Ko Na Ang Ex-Boy Friend Mo!!!!
-miansaen
Palabas ako ng Computer Lab ng makasalubong ko si Jayson Miranda na papasok naman ng Computer Lab. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya. Pareho kami ng department kaya madalas ko siyang Makita, actually hindi ko nga alam kung pano kami nagging magkakilala basta namalayan ko na lang na nagngingitian kami tuwing magkakasalubong.
“Hi Samantha” bati ni Jayson with matching nagniningning smile pa. J Actually crush ko talaga si Jayson, bukod sa matalino, sportsminded, mabait , gentleman, at higit sa lahat gwapo!!! Isa rin siya sa pinapangarap maging boyfriend ng mga babae dito sa campus…..
“He------….”
Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi hinila na siya ng anaconda niyang Girlfriend, para kasing SAWA kung makapulopot sa braso ni Jayson.
“Anaconda alert!!...” Pabulong na sabi ni trisha, Bestfriend ko. Nasa likod ko pala siya…hahahaha….
“Alam mo girl hindi talaga sila bagay, opposite sila ni Jayson lalo na sa ugali” –Trisha
“hehe…… to naman yaan mo na sila buhay nila yun eh..” tong bestfriend ko affected much.
“Besh sa totoo lang mas bagay kayo ni Jayson eh, madami kayong similarities eh, pareho kayong dean lister at kayo pa ang naglalaban sa pagiging number one dean lister, mabait ka mabait din siya at higit sa lahat maganda ka gwapo siya! Perfect talaga kayo!”
“Lam mo Besh dami mo kalokohan eh no! tigilan mo na kasi pagsinghot ng katol…” sabay tawa ko pero sa totoo lang napaisip ako sa sinasabi niya. What if maging kami nga? Scratch that! Hindi pwede baka kainin ako ni Anaconda este ni Pamela.
“Bakit totoo naman Besh ah! Look oh ikaw kahit walang make-up at hindi mag ayos ay maganda, compare mo sa mala coloring book na muka ni Pamela.”
“Bes hang harsh mo!” sabay pout ko.
“Besh tara na nga may meeting pa tayo! Tsaka wag kang mag pout di bagay sayo! Hahahaha”
Tignan mo tong babaeng to kakasabi niya lang maganda ako tapos lalaitin din agad ako.
Palabas nako ng gate ng maalala kung nagpapaantay pala si trisha sakin kaya nagmadali akong bumalik sa school.
Pagpihit ko pabalik sa loob ng campus nakasalubong ko si Jayson with his anaconda rather his girlfriend pala.
Pagkakita sakin ni Pamela agad tong pumulupot sa braso ni jayson na parang bang sinasabi na akin si Jayson at tinignan ko lang siya na pinaparating na WHO CARES!
Nakita kung ngumiti si Jayson sakin pero napatingin ulit ako kay Pamela, guess what kung anung ginawa niya, she just rolled her eyes. Hindi ko nalang pinansin kasi hindi naman ako mapagpatol sa mga kaartehan niya.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang ako pabalik sa loob.
“sorry…….” Rinig kung bulong ni jayson at ngumuti ako bilang response na ok lang….
Naramdaman kung nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko at tinignan kung sino ang nagtext.
Sms from Besh: Besh wag mo na kung intayin kasi may emergency meeting ang organization. One thing more maaga ka pumasok bukas, tutulong tayo sa pag-aayos ng booth para sa org.
Reply: huh???? Anung booth ???
Besh: besh anu to MG? (Memory Gap) remember valentines bukas at tayo mag preprepare ng booth natin para sa valentines event. Matanda ka na talaga!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/8641221-288-k399403.jpg)