#TLP2

13 1 4
                                    


[CAROLINE]

Halos dalawag araw na ang nakalipas simula nang maganap ang 'surprise activity' na yan. Halos laman ng balita ay ang nawawalang prinsipe, nakakainis lang.

Sabado ngayon kaya wala kaming klase. Tinutulungan ko si Inay gumawa ng impanada, may order daw siya ngayon eh.

"Anak, samahan mo ako sa bahay nina Ma'am Faye, ihahatid natin ang ipanada." wika ni Inay habang nilalagay ang mga impanada sa lalagyan.

"Dito na lang po ako sa bahay." sabihin na nating tinatamad akong lumakad.Mukhang kaya naman ni Inay yung dala niya.

"Oh sige. Maglinis ka na lang dito." Tumango lang ako. Umalis na siya at ako naman ay nagsimulang maglinis na ng buong bahay. Hindi naman Malaki ang bahay namin kaya keribels lang.

Pagkatapos kong maglinis ng buong bahay, humiga ako sa upuan namin sa sala.

Pinikit ko ang aking mga mata. Kung may T.V lang sana edi hindi boring.

-

"Hahahahahahahha."

"Oo, Tama! Tulog mantika nga!"

"Hahahahahahhaha."

Nagising na lang ako dahil sa ingay. Baliw yata si Inay nagsasaitang mag-isa. Minulat ko ang aking mga mata. May nakita akong anghel. Nasa langit na ba ako?

Masyadong gwapo ang anghel na maghahatid saakin sa kalangitan. Nagulat naman ako noong pinitik niya ang aking noo.

"Ay Anghel!" bigla kong sabi akala ko mamatay na ako. Bumangon naman ako pero hindi ko inaalis ang mga paningin ko sakanya.

"Sino siya?" Tanong ko kay inay na katabi lang niya

"Ah siya si... Sino ka nga ba?" Pft. Dinala niya dito sa bahay tapos hindi niya alam kung sino to?

"I'm... Ugh... I'm Euan! Yes I'm Euan. and you are?" Euan? Mukhang sosyal ng pangalan. Tinignan ko siya sa ulo hanggang paa. Akalain mong simpleng shorts na pambahay at t-shirt na medyo luma na ang kanyang suot pero bakit ang H-O-T parin?

"Hey, stop starring."

"Nay, bisita pa natin to?" Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Inay.

"Hindi. Napulot ko yan sa tindahan palakad lakad lang siya. Kaya inuwi ko na dito." Nakaka insecure naman pulubi siya pero mukhang hindi ako hindi naman ako pulubi pero mukhang pulubi. Tapos nag-eenglish pa. Pulubi ka nga ba?

Sigh

"Pulubi ka nga ba?" tanong ko

"Nope. I'm just lost. I'm actually going to a hotel but Nanay Karen insist na dito na daw muna ako." Nakatulala lang ako sa kanya.

"K." yun lang nasabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko. Este wala pala kaming second floor.

Nagbasa na lang ako ng notes ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Euan, hindi na siya kumatok kurtina lang naman ang pintuan ng kwarto ko.

"Nanay Karen told me that I'm going to sleep here." HA!?

"NAAAAAAAAAAAAY!" sigaw ko. Nakita ko naman siyang tinakpan ang tenga niya.

"Oh bakit?" hinihingal pa si Inay

"Bakit dito siya matutulog?" Tanong ko.

"Ha? Anong dito? Euan sa kabilang kwarto ka matutulog."

"Huh? Sabi niyo po sa right side?" tanong naman ni Euan. May accent pa ang tagalog niya.

"Teka, nasaan ba ang right at left?" Nag aaction pa si Inay sa kamay niya kung saan ang right o left. Hay nako.

"It seems na sa left side ako matutulog instead sa right side." sabi naman ni Euan at umalis.

"Nay, spell NAKAKAHIYA?" halos patawa kong sabi "I-K-A-W." tumawa na lang ako. Sa pagkakatanda ko hindi pa naman ulyanin si Inay.

"Dito muna ako matutulog habang nandito pa si Euan ha?" tanong saakin ni Inay. Tumango lang ako at lumabas na siya. Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng mga notes ko. Malay niyo may surprise quiz kami sa Monday mahilig pa naman ng surprise yung school namin. Si Euan kaya nag aaral rin?

-

"Carol, lumabas kana diyan. Maghahapunan na tayo." Ito nanaman ang aking alarm clock. Nakatulog pala ako?

Lumabas ako at dumerecho na sa hapag namin.

"Tawagin mo na sa Euan." utos ni Inay. At bigla kong naalala na may adopted na pala kami.

Pinuntahan ko na si Euan sa kwarto ni Inay. Nakita ko siyang nakaupo sa kama parang ang lalim ng iniisip.

"Kakain na daw. Labas kana." walang gana kong sabi. Kaya lumabas na ako.

Nararamdaman kong sumunod naman siya.

"Kain na tayo." sabi ni Inay nag sign of the cross kami bago kumain.

"What's that?" tanong ni Euan sabay turo sa ulam naming tortang talong.

"It's eggplant. Hindi kaba nakakatikin niyan?" Inay. Alien ba si Euan? Talong lang hindi pa nakakatikim.

"Nope. Pero titikman ko po siya. Sabi kasi ni Butler-- este ng Da-- este ng mga magulang ko kung anong nakahanda sa mes--" Hindi na natuloy ang sasabihin niya kasi nagsalita ako.

"BUTLER!? may butler ka?... ay sorry *peace sign*" Napatayo kasi ako.

"W-wala. Let's eat." at kumain na siya. Halata naming gutom siya o nasarapan lang siya sa talong? Kahit mabilis siyang kumain bakit ang class tignan?

"Euan, tell us about yourself. Bakit ka napadpad sa Maynila?"tanong ni inay habang umiinon ng tubig niya. Mukhang patapos na siyang kumain.

"Ugh. Kasi p--"

*Riiinnnggg*

"Excuse me lang po." tumayo si Euan at lumabas.

"Nay, may cellphone siya? Diba sabi mo palaboy-laboy siya kanina sa kalsada?" Tumango naman si Inay sa aking tanong.

"Baka naligaw lang siya."

"Siguro."

Naputol ang paguusapan namin ni Inay kasi bumalik na si Euan.

"May cellphone ka pala. Bakit hindi mo eh text yung mga magulang mo?" tanong ko.

"Wala na akong magulang." Simpleng sagot niya.

"Mauna na akong matulog sa inyong dalawa. Maaga pa tayo bukas. Magsisimba tayo." Tumango lang ako. Tumayo na si Inay at pumunta sa kanyang kwarto.

"Nasaan na pala ang mga magulang mo?" tanong ko ulit kay Euan.

"I'll explain everything but not now. Baka hindi ka maniwala." Tumayo na siya at iniwan akong mag-isa sa hapag. Magsasalita pa sana ako kaso pumasok na siya sa kwarto.

Napaka mysterious naman ni Euan. Tsk.


* * * * *

A/N:

Kahit hindi po umabot ng 3 votes ang last chapter nag-update pa rin po ako :) Ang bait ko talaga. Hahahahah.

Vote.

Comment. :)))

The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon