" Ano Nadine? Sasama ka na ba? Sumama ka na kasi. Gusto pang pinipilit e. " sabi ni Grace... na may halong nakakalokong tingin. Pero ako lang naman ang nakahalata dahil alam nyang may gusto ako kay Nathan..
Okay Nadine. Huwag kang magpahalata sa iba.
Sasama ba ko o hindi?
Para silang naghihintay ng magandang balita na may dadating na artista sa school namin. O kaya nama'y announcement ng teacher namin na wala kaming quiz o exam.
" S-sige na nga. " sabi ko. Magpapabebe pa ba ko? Kasama ko yung taong crush ko e. Sino bang hindi hihindi. Hahaha
May mga bagay talagang hindi natin maiwasan lalo na at yung taong gusto natin ang nagsabi. Si Nathan kasi ay kabilang sa circle of friends ko. It's just that hindi kami yung tipong close sa isa't isa. Naiilang rin kasi ako minsan pag kausap siya. Syempre sino ba naman ang hindi maiilang sa isang hearthrob slash school next door [meron bang ganun? Basta yung ganon. Hahaha] ng school namin. Mamaya bigla nalang akong masabunot ng mga admirers nito kaya iwas gulo po tayo hahahaha.
*ARCADE*
Habang nasa arcade kami, may kumulbit sakin na bata.
" Hi Ateng Maganda! " sabi sakin nung cute na batang lalaki. Hays. Hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata. XD
" Oh! Hello. :) Ang cute mo naman. Anong pangalan mo? "
" Andrew po. For you ate :) pinabibigay po ng kuya ko *smile* " sabi nya. Sabay takbo.
" U-uy bata! Sandali lang! " habol ko sa bata pero bigla syang nawala nung pagkalabas ko ng arcade.
Tiningnan ko ang hawak kong mcfloat. Sino ba nagbigay nito? what a mystery.
May sticky note pa sa gilid.
" Gusto kita, alam mo ba? "
Ha?
Ano daw?
Baka ako ay tinitrip lang ng mga kakase ko dito hahaha. Yun nalang inisip ko. malakas trip nila e. May pagkakataon kasing nangyari na rin ang ganto. Bumili naman sila ng flower. Isang pirasong red rose pero peke. Hindi lang mahahalata na peke sa unang tingin unless hipuin o amuyin yung mismong flower. Paasa Prank ba ganun. Tapos kumausap ng bata. Pinabibigay nila sa hindi namin kilalang tao. Babae. Tapos sabi sa bata sabihin daw ay may nagpapabigay secret admirer nya. Nung pagkabigay nung flower sa biktima, at pagkaalis nung bata na sinuhulan ng mga kaklase ko ng isang balot ng marshmallows, kinilig si ate. At ito namang mga kaklase ko. Hagalpak ng tawa. Akala kasi talaga ni ate totoo yung flower at may nagpabigay talaga. Pero may nilagay kasi yung mga kaklase ko doon na papel na nagsasabing " You were pranked. Have good day " hahaha. Kaya biglang inis nung babae. Hahaha
Siguro naman walang lason o something to. kaya tinikaman ko muna. Nung pagkatikim ko. At safe naman ininom ko na. Nakakapagod kaya. Uhaw na rin naman ako e. xD
Bumalik na ulit ako sa loob ng arcade at hinanap ang mga kaklase ko. Pero unfortunately wala sila don. Saan na ba pumunta yun mga yun? Naglalaro pa sila nung iniwan ko e.
Lumingon ako sa paligid ko at lumabas na ng arcade. Pero no signs of them. Lagot yun skin mga yun. Pati sila pinagtitripan ako. Sila rin soguro ang may pakana nung mcfloat. Hays naman!
Uminom muna ulit ako at tinanggal ang sticky note sa gilid ng iniinuman ko.
Pagtingin ko ulit sa sticky note, may napansin ako sa likod. May nakasulat pa pala.
" Pwede ba akong manligaw? "
To be honest, naweweirduhan na ko dito ha. napakalaking question mark to sakin.
Sino ba kasi yung batang sgbigay sakin nito? Tsaka bat may mga paandar na ganto? Pero sa ngayon ayoko na muna isipin. Dahil hahanapin ko muna mga kaklase ko dahil gusto ko ng umuwi. Baka di ko mapanood ang inaabangan kong The Walking Dead episode sa Fox Channel. Lol
Tinapon ko na ang inumin ko dahil yelo nalang ang laman. at itinago ang sticky note sa bag ko. Magsisimula na kong maghanap nang....
" Huy Nads! " tawag sakin ni Grace.
" Oh hahanapin ko sana kayo. San ba kayo nanggaling? "
" Ah e kasi umihi ako. Nagpasama lang ako kina Jean. " sabi nya naman.
" Asan sina Nathan? " sabi ni Jean.
" Di ko alam. Hindi ko rin sila makita nung hinahanap ko kayong lahat e. "
" Ang akala ko uuwi na kayo. Sabi kasi nina Ian sasabay na raw sa'yo umuwi si Nathan. " sabi naman ni Aly
" Ha? E hindi naman parehas ng daan ang uuwian namin nun e. "
" Guys! Nanjan na pala kayo. " sabi ni Ian.
" Oh Ian! Kala namin umuwi na sina Nathan at ito. " turo sakin ni Jean.
" Oo nga. Sabi ni Nathan e. Sasabay daw sya kay Nadine. Bigla rin nawala e. Nakita nyo ba? Hinahanap ko rin e. "
pagkatapos ni Ian na sabihin yun biglang sulpot ni Nathan.
" Guys! Sorry may pinuntahan lang ako. Pasensya ma kung hindi ako nakapagpaalam. "
" Ahhhhh. Okay. " sabay-sabay nilang sabi.
" Uhm, uuwi na ko guys. Baka magdilim na e. Uuna na ko ha. Babye sa inyo. " sabi ko naman.
" Ha? E ang aga pa Nads. mamaya maya na. "
" Di pwede Aly. Magsi-six na e. Haha. Next time nalang ulit. Alam mo naman diba? May curfew ako. "
" Ay osge. Tara na rin umuwi. "
" Good idea. Haha. Come on na. " sabi naman ni Ian.