Chapter 5

35 5 3
                                    

Confrontations

"Camp Half-Blood."

From my view, I can see two demigods entering. They walked right into the camp. I can also see other demigods strolling, and pegasi flying around.

To feed my curiosity, I approached the arch. I am really near it. When I saw what's inside, I couldn't and didn't move an inch. I am wondering if I can make it through, because based on what I read, only a half-blood can pass, one with Olympian blood.

I sighed. Worth a try.

I ran into the arch.

♡~♡~♡

It's the day of the camping! 5:00 a.m. pa lang pero nakahanda na ako. I already texted Mikael at papunta na raw siya dito.

Dala ang bag ko, bumaba ako ng hagdan nang walang ingay.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.

"I'm here." Text ni Mikael.

Lumabas ako ng bahay at may nakita agad akong taxi at sigurado akong nasa loob si Mikael. Lumabas ako sa gate at inilagay ko ang bag ko sa likod ng taxi. Pagpasok ko sa loob, sinigawan agad ako ni Mikael.

"Sab! I miss you!" Niyakap niya agad ako.

"I miss you too, Mikael!"

"Grabe. Ang laki ng pinagbago ng bahay niyo diba?"

"Oo nga. Nagulat ako nang nakita ko."

"Teka, bakit pala hindi kayo bati nila Tita?"

"Homeschool."

"Ikaw?"

"Alangan namang si Daddy diba? Pero oo. Okay lang sana kaso nagdesisyon sila nang hindi ako tinanong. Sinabihan lang nila ako nang tinanong ko sila kung ano ang gagawin ni Katania sa amin. Sinabi nila na siya ang new teacher ko."

"Katania? Teacher?"

"Yep. Guess her age?"

Nagkibit-balikat siya.

"Same as ours."

"Huh? Paano?"

"Ewan."

"Moving on...." sabi niya at nagpose siya na parang nag-iisip.

"Marami kang ikukwento! Start mo na dali!" Sabi niya.

"Okay. Where do I start?"

"Why did you cut all your connections last year?"

"Because-"

"Ma'am andito na po tayo," sabi ng taxi driver.

"Kunin ko muna ang bag ko," sabi ko sabay labas ng taxi. Magpapaliwanag na sana ako, eh kaso nagsalita si Manong. Siguro hindi pa ito ang tamang oras.

"Welcome sa bahay namin! Wala naman masyadong nagbago except sa paint colors at pool," sabi ni Mikael.

"May pool na pala kayo."

"Oo. Tagal mo kasing nawala."

"Yeah. Guess so."

Naputol ang pag-uusap namin nang may marinig kaming busina ng sasakyan.

♡~♡~♡

Currently, andito kami ngayon sa sasakyan ni Natan. Kanina, noong una nila akong nakita, nagulat sila at agad akong nilundagan. Nahiga pa nga kaming lahat sa sahig kasi makayakap sila sa akin parang wala nang bukas.

Sa ngayon, tulog pa ang iba sa kanila. Alam kong curious na sila sa kung ano ba talaga ang nangyari pero sadyang gusto nila na ako mismo ang magsasabi at hindi nila tinanong. Dahil hindi pa ako nagsimulang mag-open up, natulog nalang sila at tanging ako at si Natan nalang ang gising.

"How's your life so far?" bigla niyang tanong sa akin.

"Okay lang naman," plain kong sagot. Nararamdaman ko na ang awkward atmosphere.

"Alam mo, noong pinutol mo ang connections mo sa amin, sobrang nadisappoint kami. Yung feeling na close tayo sa isa't isa tapos bigla ka nalang mawawala na parang bula? Sometimes, I wonder if you ever thought of us. Sa sobrang pag-alala namin sayo, may sumagi sa isip ko. Did you ever think of us while you were away?"

"Of course I did. I never stopped thinking about all of you."

"Then why cut your connections?"

"Because someone ordered me to."

"Who?"

"He who must not be mentioned. I will explain everything later."

"Okay. I also have something to tell you."

♡~♡~♡

Dumating na kami sa Woodbridge Valley. Dito kami magc-camping. I don't know pero feeling ko ay may nakatitig sa amin. It's as if may nakasunod sa amin na nilalang na hindi man lang namin alam.

Baka paranoid lang ata ako.

Noong nagsimula na kaming mag-campfire, una, light pa lang ang mga tanong namin sa isa't isa kagaya ng kung naging top student ba kami o ang mga circle of friends namin.

Habang lumalalim ang gabi, nagsimula nang lumalim ang mga tanong hanggang sa panahong tinanong nila ako.

"Sabrina. Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Natan.

"Oo nga. Kating-kati na ako na malaman ang totoo." dugtong ni Mika.

I sighed. Eto na. Wala nang atrasan to. May karapatan naman sila na malaman ang totoo.

"Kasi sinabihan ako ng tito ko na putulin lahat ng koneksyon ko."

"Si Tito? Bakit?" tanong ni Mika.

"Kasi kailangan ko raw magtrabaho. For several years, tinrato niya akong parang alipin. Sinasabihan niya akong 'Sabrina, hugasan mo 'to', 'Bumili ka ng ganito'. Ganoon lang naman yun noong una. Hanggang umabot sa punto na inutusan niya akong bumili ng pinagbabawal na alak. Ayon yung panahon na inutusan niya rin akong putulin ko ang koneksyon ko sa inyo kasi distraction raw iyon. Tinganggihan ko siyempre, but he blackmailed me. Sabi niya siya raw ang nagpapaaral sa akin at tumutustos sa mga pangangailangan ko kaya sundin ko raw dapat ang mga utos niya or else papalayasin niya ako. Napilitan akong sumunod dahil wala naman akong kilalang iba sa bansang iyon. Ang pinakamalala sa lahat ay ang pinagtrabaho niya ako. Huminto siya sa pagtatrabaho at ako na lamang ang hinihingan niya ng pera. Ang perang iyon na pinaghihirapan ko, ginagastos niya lamang sa alak, sigarilyo, at sugal." Paliwanag ko sa kanila.

Walang may umimik sa kanila. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkukuwento.

"Nagpatuloy iyon hanggang sa huling araw ko doon. Pero, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang kinakabahan siya kapag nakikita niya akong gumagamit ng gadget. Weird nga eh. Oo, wala na ang mga accounts ko sa social media pero active pa rin naman ako kahit paano sa mga nangyayari. Isang araw, ewan ko lang pero parang narinig ko siyang may kausap. Nag-aaway yata sila. Aalis na sana ako noong narinig ko ang katagang 'aberrant'. Sabi nila anytime raw baka makita na siya, kung sino man yung tinutukoy nila kaya kailangan daw nilang protektahan iyon."

"Ano naman ang problema mo roon?" tanong ni Natan. Nakikinig pa rin

"Kasi noong isang araw, narinig ko rin si Daddy na may kausap. Pinag-uusapan nila ako at baka raw mapahamak ako at may kailangan akong malaman. Parang ganun."

Hindi muli sila umimik pero nagkatinginan sila. Sa tingin nila, kinabahan ako.

"Sabrina. May kailangan kang malaman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Discovered AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon