YOU'RE NOT MY TYPE

1.1K 59 8
                                    

FIERY TEMPTATIONS II
•Unspoken Desire•
Written by: Tale Teller

•YOU'RE NOT MY TYPE•

CAYENNE~

Mga treinta minutos na akong naghihintay dito sa lobby ng hotel. Nangangawit na nga ang paa ko eh, paano ba naman five inches ang takon ng suot kong sandalyas. Si Tita Heleina pa ang pumili nito kanina sa mall, basta sa mga ganitong bagay hindi talaga siya kuripot. Pati ang suot kong evening dress ay mahal din ang pagkakabili niya.

Nagmukha tuloy akong mayaman. Hihihi

Bakit ba ang tagal ng lalakeng ‘yun? Mabuti na lang at narito si Jojo. Kapitbahay namin. Sinwerte ang gago at nakapsok dito sa hotel. At least hindi ako magmumukhang poste dito kaya nakipag-usap ako, what I mean is ininterview ko siya.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ni Jojo may isang bulto ng lalake ang dumaan. Nagmamadali itong maglakad papasok, bahagya akong lumingon, at aha! Si JR nga.

“JR!” tawag ko sa kaniya. Kahit masakit ang paa ko sinubukan ko parin ang habulin siya. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Jojo. Hindi bale, kapitbahay ko naman siya.

“Cayenne?” hinarapan niya ako. Hindi man lang ngumingiti. Tsk! Kahit ganun pa man ang gwapo pa rin niya.

“Buti andito ka na!” ang lapad ng ngiti ko. Siyempre, masayang-masaya ako na makita siya. Na ilang tuloy ako kasi titig na titig siya sa akin.

“Yes! Kararating ko lang. What are you doing here?” casual niyang tanong sa akin na hindi parin ngumingiti.

“Waiting for you!” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang excitement na makakasama ko siya ngayong gabi. Ipinulupot ko ang isa kong braso sa isang braso niya. “Tara! Pasok na tayo. Kanina ka pa hinihintay ng nanay mo!”

Hindi nkatakas sa aking paningin ang pag-ikot ng kaniyang mga mata. Halatang disgustado siya na makasama ako, pero sorry lover boy. Wala kang magagawa, I'm your date tonight. Thanks to your mother. She's a goddess!

Proud na proud akong pumasok sa loob na kasama si JR. Gusto kong ipakita sa lahat na ako ang kasama niya, I'm pretty sure, lahat ng mga dalaga dito ay na iinggit sa akin.

“JR!” ang lapad ng ngiti ni Tita Heleina nang salubungin niya kami. “I'm so happy to see you son!” Hinalikan niya ang katabi ko na hindi parin umiimik hanggang ngayon. Pero kahit ganun pa man, mabait na anak parin si JR. Hinalikan niya ang pisngi ng ina at marahang niyakap.

“Sorry I'm late, Mom.” Kibit balikat nitong sabi, “ang da---”

“It's okay son,” hindi siya pinatapos ni Tita Heleina na magsalita, “just enjoy the night.” Anito at mas lumapad pa ang ngiti. “There's the table,” tinuro nito ang mesa sa dulo, “go and enjoy the night. Huwag mong Iwan si Cayenne okay?” ‘yun lang at iniwan na kami ni Tita Heleina.

“Come, let's go,” inakay ako ni JR papunta sa mesa. Although, alam kong isa siyang gentleman, hindi ko parin ang maiwasan ang kiligin. Sa bawat pagdikit ng aming mga balat pakiramdam ko ako ang pinakamaswerteng babae ngayong gabi.Pinaghila niya ako ng upuan at umupo sa tabi kong bangko.

Ay! Mas lalo akong na i-in love.

---

JR~

I can't concentrate on my food, I'm hungry yet I cannot eat like this when someone is staring at me. “Aren't you hungry?” I can't help but ask. Just to brake the annoying and awkward silence between us. I mean, I don't like talking to her, and she's not talking me me either. But the way she looks at me smiling, it just annoys me. “Your barely didn't touch your food, and you keep on staring at me. Don't you know staring at someone who's eating isn't good?”

UNSPOKEN DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon