My one and only You

193 2 0
                                    

PROLOGUE

“Bakit ka ba umiiyak? Anong problema?”                            

Napatigil ako sa pagsinghot nung magsalita ang katabi ko.. Pag lingon ko nakita ko siya.. Nanatili akong walang imik at nakatitig lang din sa kanya..

Biglang nag-iba yung ekspresyon niya.. Parang nag-aalala..

“Uy, ano na? May masakit ba?” Tanong uli niya..

“Wag mo na nga akong pansinin, alis ka na. Iwan mo ko dito..” Pangtataboy ko..

“Paano naman kita hindi papansinin eh umiiyak ka diyan.. Parang kang nabagsakan ng malaking bato..”

“Pakealam mo ba? Umalis ka na nga.. Problema ko to..”

“Sabihin mo na kasi sakin yung problemang yan baka naman makatulong ako.”

Nagsimula na naman akong umiyak dahil sa sinabi niya.. Tulong? Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan ng lahat ng to..

“Problema?  Ang problema ko, ikaw!. Kasi nasasaktan na ako.. Kasi nagseselos ako tuwing may kasama kang iba.. Kasi namimiss kita kapag wala ka sa paningin ko.. Kasi sobrang bait mo, sweet mo, grabe ka kung mag-alaga at parati mo akong pinapatawa.. Kasi sa bawat oras na wala akong ginagawa ikaw yung pumapasok sa isipan ko.. Kasi pinipilit kitang kalimutan pero sa tuwing dumarating ka hindi ko magawa.. Pinipilit ko naman talagang limutin ka eh pero hindi ka mawala dito at dito..” Tinuro ko yung dibdib at ang ulo ko..

“Kasi mahal kita..”

Nabigla ata siya sa mga sinabi ko.. Hindi siya nagsasalita at nanatiling nakatitig lang sa akin.. Hindi ko naman makaya yung katahimikan kaya tumalikod ako at tatakbo na sana palayo pero hinawakan niya yung kamay ko..

“Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo..” Sabi niya habang nakatingin sa malayo.. Humarap ako sa kanya at marahas na binawi yung kamay ko..

“Alam mo kung bakit? Dahil manhid ka.. Wala ka kang ibang nakikita kundi yung babaeng yun.. Kasi kahit araw-araw na taong magkasama siya parin ang ini-isip mo.. Hindi mo man lang naisip na andito ako sa tabi mo..” Mahinahon kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot kaagad.. Nakatingin pa rin siya sa malayo.. Paglipas ng ilang segundo.

“Oo nga, tama ka..”

Sabi ni Author: Ayan! Na post ko narin sawakas! Ang tagal nang naka stock yan sa folder ko eh. Hehehe. Well, sana po nagustuhan niyo. (^_^) Pengeng maraming votes, comments and suggestions. :D Yan lang muna. Suportahan niyo po ang story ko. (•_•)

My one and only YouWhere stories live. Discover now