Ang buhay ay sadyang matalinghaga. Hindi mo alam kung ano ba ang mangyayari sa bawat segundo ng iyong buhay. Hindi mo alam kung kelan ka sasaya sa tuwing may mga problemang tila walang humpay na dumarating na para bang kahit kelan ay hindi ka na magiging maligaya. Maaaring ngayon ay mayroon pang ngiti na nakikita sa iyong mapupulang labing nakakaakit dahil kapiling mo pa ang iyong minamahal. Pero masasabi mo bang ang lalaking minamahal mo ng sobra-sobra ay mananatili at mamahalin ka pa rin bukas o sa mga susunod na mga araw? Paano kung bigla na lang siyang naglaho na parang bula,walang paalam na aalis,walang paalam kung saan pupunta,hindi alam kung babalik pa at higit sa lahat MAY HIHINTAYIN PA BA?
1 year and 7 months…
1 year and 7 months na rin pala simula nung iniwan niya ko. Hindi ko pa rin siya makalimutan. Siya pa rin ang laman ng puso ko. Pangalan pa rin niya ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing ididilat ko ang mga mata ko sa umaga at kapag ako naman ay matutulog na maaalala ko na naman ang mga pinagsamahan namin sa loob ng dalawang buwan. Oo ganon lang kaikli pero ang hirap makalimutan. Ewan ko ba. Mismong sarili ko hindi ko maintindihan. Sinubukan ko magmahal ng bago. Pero wala e,ang dami ko ng nasaktan,ang dami ko ng napaiyak at napaasa ng dahil lang sakanya,ng dahil lang sa gusto ko ng sumaya ulit. Pero hindi lang pala ganon kadali yon. Mahirap burahin sa isipan ang nakaraan. Lalo na kung ito ang isa sa mga pinakamasayang ala-ala sa buong buhay mo.
Ako nga pala si Erieanne Ramirez. Yung iba ang basa Eryan,yung iba naman Eryen pero ang basa talaga diyan ERIN. Si mama kasi eh ang arte,yan pa pinangalan sakin. Mas gusto ko yung simple lang like Mae. 3 letters lang,maikli,simple tsaka madali lang basahin.
Ang tahimik masyado… Hm ano kaya magawa? Uhhhhm paraaaang.. Ayun! Makakaen na lang sa baba.
“Ate kaen tayo.”
“Ano naman gusto mo?”
“Kahit ano.”
“O sige magluluto ako ng carbonara.”
CARBONARA >.< :// Naalala ko na naman siya. Eto kasi yung favorite ni Mark. Nararamdaman kong may luha ng tutulo.
“Oh san ka pupunta,akala ko ba kakaen tayo?”
“Akyat muna ko sa taas ate,magluluto ka pa naman.”
Sabay takbo ko sa kwarto. Ayoko makita ni ate na ganto pa rin ako hanggang ngayon. Hindi kami legal ni Mark sa buong family ko kay ate lang. Mabait kasi siya tsaka lahat ng gusto ko nabibigay niya basta kaya niya ibigay pero hindi naman ako hingi ng hingi sa kanya ng kung anu-ano na para bang bata na walang iniisip.
Kinuha ko yung makapal kong wallet. Makapal siya hindi dahil sa pera kundi dahil sa mga love letter na binibigay sakin ni Mark nuon at mga pictures naming dalawa at mga ilang petals ng rose na inipon ko na binibigay niya sakin nuon sa tuwing naglalambing siya. Nakakamiss. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya hindi nagparamdam. Hindi na nagtext,hindi na tumawag. Lahat yon biglaang nawala. Wala naman kaming naging problema. Naaalala ko pa bago siya mawala binigyan pa niya ko ng red rose na may card na ‘I Love You no matter what’. Hindi ko naman alam na yun na pala ang huli. Huling bigay. Huling rinig ko sa nakakainlove niyang boses,at huli naming pagkikita. NAPAKASAKIT </3 ! Siguro may iba na siya. Siguro hindi na niya ko mahal. Siguro nagsawa na siya sakin… Pero… Pero dalawang buwan pa lang nagiging kami. At sa maikling panahon na yon ramdam na ramdam ko kung gaano niya ko minahal at alam na alam ko rin sa sarili ko na naparamdam ko rin sakanya kung paano ko siya minahal. Sobra-sobra pa nga eh.
Bumaba na ulit ako dahil tinawag na ko ni ate Chelle.
“Wow! Da bes ka talaga magluto ate.”
“Umiyak ka?”