Masarap ang Sopas

124 3 0
                                    

                Hindi ko alam kung gaano katagal…

                Hindi ko alam kung kailan ba talaga nagsimula…

                Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan…

                Basta ang alam ko gusto ko siya…

                1st term na naman ng aking ikalawang taon sa kolehiyo. Kay bilis ng panahon, parang kahapon lang eh grade 1 ako ngayon 2nd year college na. Anyways,  ako nga pala c Aira De Vera, 18 years old isang simpleng dalaga. Bata pa lang ay malabo na ang aking paningin kaya mula elementary, ako ay nakasalamin. Madaming nagsasabi na mukha daw akong nerd, kasi nga nakasalamin ako plus libro ang lagging hawak ko. Di naman sa pagyayabang ay may mga manliligaw din ako yun nga lang bago pa lang sila manligaw ay pinipigilan ko na, yung tipong nag paparamdam na pa sweet sweet kunyari siyempre babae ako kaya alam ko kung nagpaparamdam na sa akin ung mga boys at saka meron na din kasi akong lalaking gusto. Gusto nyo bang malaman kung sino? Don’t worry malalaman din ninyo.

                Lunes na simula na ng 1st term. As usual gising ng maaga, kain, ligo, bihis taz pahatid kay kuya (si kuya manog driver). Si kuya yung family driver namin, sabi niya nga sa akin habang nasa kotse kami buti na lang daw at pasukan na kasi di daw siya sanay ng walang hinahatid sundo araw-araw. At ayun habang nag da drive siya papuntang school kuwento ng kuwento ako naman si ngiti lang (di kasi ako mahilig makipagkuwentuhan). Hanggang sa di ko na napansin nasa harapan na kami ng school. Bumaba na ako sabay sabi ng “Thank you” kay kuya. Pumasok na ako ng gate at nandoon yung mga guard na nag che check ng mga bag. Chineck ang bag ko them naupo muna ako sa bench kasi 7:30 AM pa lang at 8:00 AM pa naman ang klase ko. Actually hindi yun ang tunay na dahilan, kaya naupo muna ako kasi hinihintay ko siyang dumaan. Noong enrollment kasi nakita ko na 8:00 AM din ang klase niya pag Monday, 8:30 AM pag Tuesday, pag Wednesday wala siyang pasok, 7: 30 Am pag Thursday at 8: 00 AM din pag Friday. Hoy, kung iniisip ninyo na stalker ako, HINDI NO!!!!! ahm, coincidence lang yun, hindi ko sinasadyang makita, nasulyapan ko lang. Anyways, balik tayo sa kwento. Ayun 7:40 AM na hinihintay ko pa din siya dumaan. Iniisip ko nga na baka kanina pa siya dumating eh, nauna pa sa akin. Pero hindi naman siguro kasi madalas late siya nadating nung 2nd sem at 1st sem noong 1st year college pa kami. Hmmmm, baka iniisip ninyo bakit alam ko yun? Puwes sasabihin ko sa inyo na hindi ako STALKER!!! Excuse me… Pagtingin ko sa relo 5 minutes before 8 na. Medyo hindi pa rin siya nadaan. Sinabi ko sa aking sarili na “5 minutes pa, maya maya lang dadaan na yun”. Talagang malakas ang aking pananalig hanggang sa pagsulyap ko sa aking phone eh 8:15 AM na pala. Ayun 15 minutes late ako sa aking 1st subject at epic fail ang paghihintay ko na pagdaan niya. Habang ako ay naglalakad papunta sa aking first subject nakita ko siya sa hallway habang kumakain ng V-Cut (isang uri ng junk food) at nasabi ko sa sarili ko na “kanina pa pala siya dumating, nauna pa sakin sabay bukas ng pinto para sa room ng aking 1st subject. Buti na lang wala pa ang prof. namin kaya hindi recorded na late ako. Just like the old times andoon pa rin ang mga classmate ko at meron din naming bagong mukha. Wala ng bakanteng upuan maliban sa nireserve na upuan ni Hannah at Rica (take note napapagitnaan nila yung rineserve nilang upuan!). Ayun no choice sa gitna na nila ako umupo. Sila yung laging sumasama sa akin kasi nga lagi lang akong magisa at mas gusto ko yung ganun hanggang sa isang araw nagulat na lang ako lagi na nila akong sinasamahan. Titiisin ko na naman ang kaingayan nila sa buong sem na ito.

Hannah: Uyyyy!!!! Kamusya bakasyon mu Ai? (Ai ang tawag nila sakin)

Aira: Ayun ok naman, masaya kasi di ko naririnig yung ingay ninyo.

Rica: Hahaha…kahit kelan talaga Ai, joker ka eh noh? Pero alam ko namiss mo din yung ingay namin no? aminin…

Aira: Oo, namiss ko kaya nga boses niyo, yung boses nyo nga ang alarm tone ko tuwing umaga eh at isang ring pa lang ng alarm nagigising na ako sabay hampas sa phone ko.

Rica: Awwww…medyo hard yun ah.

Hannah: Haha kaw talaga Ai. Maiba tayo, ang gwapo nung isang bago nating classmate no? Lance ata yung name nya.

Rica: Ay! Oo nga kanina ko pa nga siyang tinitignan eh.. HIhihi.

Aita: Ah ayos yan pag pantasyahan nyo yung bakla.

Hannah at Rica: HAAAAA?!!!!

Aira: Di niyo ba napansin? Kanina pa siya nakatingin kay Ben? Tapos pagdaan ko kanina nakita ko yung sinusulat nya nakalagay “Dear Cutie” palagay ko diary niya yung sinusulatan niya kasi may date ngayon na nakasulat plus may lalaki bang tatawaging “Cutie” ang diary niya at magsusulat ng “enebe” at “kilig much” sa diary niya? Tapos yung bag niya may keychain na ang nkalagay picture ni Daniel Padilla?

Hannah: ANOOOOOO?!!!!! Napansin mo kaagad yun Ai?

Hannah: Basta ako for sure lalaki siya.

Aira: Ah ok.

Rica: TOHMOH!!

Minsan naiisip ko tama ba na naging kaibigan ko ang dalawang to pero wala na akong magagawa andiyan na yan eh. Kilala ko tong dalwang to pag meron silang nagustuhan gagawa at gagawa yan ng paraan para malapitan. Hinihintay ko na nga lang na gumalaw yung dalawa.

Mabilis lumipas ang oras at nagulat ako na alas nuebe na. Wala pa din an gaming prof kaya napagpasiyahan ko na lumabas muna kesa marinig tung daldalan nila. Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas at at ng pipihitin ko na ang door knob ay biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako at hindi alam ang gagawin. Natulala lang ako ng Makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto.

                                                                                                                                                          つづく

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masarap ang SopasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon