chapter two

7 0 0
                                    

"Sige, anak. I'll be here ng 11:30. Walang labis, walang kulang." Papa assured, looking at me from the driver seat. Di na daw siya lalabas dahil di siya nakabihis. "Ingat ka ah. Malaki ka na."

"Opo, Pa." sagot ko, I waved my hand at him to say goodbye. He nodded at me one last time at sinara niya na ang mga bintana. Nanood ako habang pinaandar niya na ang sasakyan ulit at umikot siya para lumabas sa venue. Humarap na ako sa function room ng Polygon Platinum City, Pasig at sa pagpatak ng ikasampung segundo ay ginusto ko ng umuwi.

Sana sinabi ko na lang din kay Papa na di na ako pupunta. Okaya sumabit na lang ako sa tambutso para nakauwi na lang din ako. Hindi! Kaya mo to, Cassie! Ano ka ba? Ngayon ka pa nahiya ah? Huminga ako nang malalim at nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan. Pinagbuksan ako noong mga bellboy at pumasok na ako.

"Good evening, Ma'am!" bati ng mga bellboy. Oo nga, sana makahanap ako ng good sa evening na to.

Bumalikwas ang mga tingin nila papunta sakin. Hindi ko sila kilala, hindi din nila ako kilala pero tumitingin pa rin yung mga bisita. Ang awkward pa lang pumasok mag-isa, na walang kasama kahit kaibigan lang. Sa mga oras na 'yon wala akong ibang ihiniling kung hindi sana nandoon si Alex na nakaakbay sa balikat ko. Pero ayon, kasabay ng paglunok ko ng laway ko ay linunok ko na din ang hiya ko.

Mabilis kong na-scan yung venue at sa ilalim ng blue chandelier, tabi ng candy table, nakita ko ang mga blockmates ko. I started walking towards them. Naaninag naman nila ako from all the lights at nag-Hi silang lahat. Barkada ko din naman halos buong block eh kaya tropa tropa chill lang kaso 'iyon din ang mahirap, walang quiet moments.

"Girly!! Nandito ka na! Ganda mo te? Kabogera ka!!! Tatalbugan mo pa ba si Marnella? Ikaw mag-eieighteen?" Bati sakin ni Meggy sabay beso. Lumapit na din sakin yung mga classmate ko para maghello. Ayon, pare-pareho lang naman sinasabi. Bighaning-bighani sa hair and make up ganoon. Hay, kung nandito lang si Mama, masayang masaya 'yon sa mga puri nila. Nag pay off din ang mala Artista Salon make up.

"Nako, Cassie dito ka sa harap umupo para magshine yang beauty mo." Pambobola nina Meggy pero I guess they meant it dahil kumuha sila ng extra chair para isiksik ako sa table nila. Nako, mukhang mahaba-haba itong gabi na 'to. Pinakamadaldal sa classroom ang barkada nina Meggy eh.

Kaya ayon umupo na ako kasama nila habang hinihintay namin magstart na yung program. Pagkaupo ko, nakumpirma ko lang na masamang ideya yon. Pagtama palang ng pwet ko sa silya, nakaharap na lahat sa akin.

"Darating ba si Alex, bes?" interesadong tanong ni Meggy. "Magsesave na ba kami ng isa pang upuan sa tabi mo?"

Ayeeeee! Sigaw ng barkada. Ayan na nga ba sinasabi ko. Naku naku, danger zone.

"Ah...hindi raw eh. May inutos sa kanya sa bahay. Importante lang talaga." I replied nonchalantly para hindi na magka-isyu. Uminom ako sa basong tubig na nasa harap ko. Kinakabahan pa rin ako. Nakatingin pa rin silang lahat sakin.

"Grabe, sobrang importante naman ata noon, bes. Halos di kaya kayo mapaghiwalay niyang si Alex lately." Comment ng isa kong blockmate, na sinang-ayunan naman ng madla.

"Kayo ah, pansin ko na yung overwhelming closeness niyo! Pansin na naming lahat kaya sige na, spill mo na." Pagpipilit ni Meggy. "Sige ne, bes!", "Push na yaaaan", "Go Cassie", kantiyaw nilang lahat. Kumukulo na yung dugo ko, low heat na. Pero pinipigilan ko kasi birthday ito ni Marnella. Ayaw kong maging dahilan ng pagka-badtrip ng lahat. Nakangiti pa rin ako pero deep inside, gusto ko ng manakal ng tao.

"Kayo talaga! Hindi niyo naman ako inorient na The Buzz Exclusive pala ang pupuntahan ko at hindi debut! Edi sana nag-review ako ng mga questionzzz" I joked, hoping that they'd take the hint and drop the subject. Sana tumigil na talaga sila kasi nauubos na yung lipstick ko sa kakainom ko ng tubig makaiwas lang.

"Ay nako, friends, tama na. Korek naman si Cassie! Wag naman natin isnabin si Marnella @18!" sabi ni Gela, na bestfriend ni Marnella. Finally! Ngumiti ako sa direksyon niya para mag-thank you. Fortunately, mabilis naman nag-move on ang mga tao at bumalik na sila sa kani-kanilang mga business.

I sighed out of relief. Parang nakipag-boxing ako. Yung nacorner ka ng kalaban tapos suntok na lang siya ng suntok? Tapos hirap na hirap ka ng umiwas. Hirap na hirap kang tumira pabalik? Kung may maisasagot lang ako sa tanong nila, sasagutin ko naman siguro eh. Pero yung tanong nila: Ano ba kayo? Ano sasagot ko doon ngayon? "Ah ano eh...ano kami." Ganoon?

"Ladies and gentlemen! The time has come...." Nagsimula na yung host sa intro spiel niya at humarap na lahat ng audience sa main entrance pero ayun, nakaharap ako sa phone screen ko. Nagtatype. Nagsimula pa lang yung debut parang gusto ko nang matapos...

Hi Alex!  Ito na, start na ng debut ni Marnella! Sana nandito ka, swear. Kinukulit na naman ako ng barkada ni Meggy. Grabe talaga sila. Kung nandito ka lang, di nila gagawin yon. Subukan lang nila, kabahan sila sa'yo hahaha.

Lumingon ako at ayon, naglalakad na si Marnella sa lavender long gown niya. Pumapalakpak na lahat.

Pero seryoso, miss na ata kita. Corny pero kapag nandito ka I never feel out of place?

Naghover ang thumb ko sa send button. Sesend ko na.

"Let's give another hand for our debutante!"

Pero wait...bakit question mark? Tsaka, teka ang baduy naman nito. Tap, tap, tap....taaaaaaaap.

Hi Alex!  Ito na, start na ng debut ni Marnella!

SEND.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No LabelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon