Chapter Four

11 0 0
                                    

Ezra's POV

Matagal nang nakaalis ang sasakyan ni Jazer  pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Na-star-struck ako sa kanya.

Nakangiti pa ako habang tulala nang may pumitik sa tenga ko.

"Aray naman!" Sigaw ko. Paglingon ko si Tita. "Hehe. Hi Tita."

"Landi-landian ka na naman diyan ah Ezra? Sino ba yung lalaking yun? Mukhang mayaman ah. Kung gagamitin mo lang yang utak mo para makapag-asawa ng mayaman, aba'y mainam. Sa susunod papasukin mo."

Porket may kotse, mayaman na agad? Porket mayaman, boto na agad si Tita? Himala. Basta talaga pera nag-iiba yung timpla niya.

"Magkaibigan lang po kami. Classmate ko po sa school."

"Ah basta pumasok ka na nga. Bibigyan kita ng duplicate para hindi na ako maghihintay sa'yo pag kasama mo yung syota mo. Hoy yung mga tsokolate dapat toblerone ah."

Hindi na niya hinintay yung sagot ko dahil agad na siyang pumasok ng bahay. Napailing na lang ako. Paano  pa kaya kung malaman niyang sila lang naman ang nagmamay-ari ng exclusive school na pinapasukan ko? 

Ilang oras na akong nakahiga, naikot ko na ang buong kama pero hindi pa rin ako makatulog. Naiisip ko kasi si Jazer. Ano ba ito in-love na ba ako sa kanya. Medyo pa lang di pa naman totally. 

***

MORNING.

Di naman ako nakatulog pero maaga pa rin akong bumangon kase makikita ko na naman si Jazer. Yes! Yes! Yes! 

Habang naglalakad ako di ko maiwasan ang magday-dream. Basta may something sa kanya.

Pumasok na ako sa RHU at ako ang unang estudyante. 6:00 am pa lang kase, wala pa yata eh. Umupo na ako sa upuan ko. Hyperactive ang utak ko. Overwrought ang puso ko.

Isa-isa ng nagdadatingan ang mga classmates ko. 40 minutes na akong nakatunganga dito at matiyagang naghihintay.

Pero hanggang sa dumating na yung prof namin, bakante pa rin ang upuan sa tabi ko. Palingon-lingon lang ako sa upuan baka sakaling invisible siya at namamalikmata lang ako. Pero wala eh.

TT_TT

Ang boring lalo ng klase. Disappointed na ako. Kung may phone lang sana ako matetext ko siya. Feeler naman ako na ibibigay niya yung number niya sa akin.

Super-gloomy na ng nararamdaman ko ng may kumalabit sa akin. Ano na nga bang pangalan nitong babaeng ito? Half-Scot ito eh. Bri ... Bre ... Bri ..?

"Huh?" Sabi ko sa kanya.

"Hi. Miss Pangilinan? Ikaw yung lab-partner ko eh dahil pareho tayong P ang surname." Ang ganda naman niya. Ang tangos ng ilong tapos red pa yung buhok katulad dun sa buhok ni Brave, yung marunong pumana haha. Medyo hindi magandang pakinggan yung tagalog niya.

"Ah oo. Ano na nga bang pangalan mo?" Mahina ako sa mga names eh.

"Brenna Perguson." Mukha naman siyang mabait. Matalino din ito sa pagkakaalam ko kasi lagi siyang nakakakuha ng if not highest, second to the highest ganun. Swerte ko di na ako mahihirapan matalino ang partner ko.

Ang project namin ay gagawan namin ng case analysis ang mga herbal plants kung effective nga ba ito. Bakit kailangan pang ganun? Case analysis? Tsk.Tsk.Tsk.

After ng dismissal niyaya ako ni Brenna sa mall para daw mas magkakilala kaming lalo para mawala na ang hiyaan.

Sumakay na kami sa red honda jazz niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Saturday GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon