LSLY 2

24 1 2
                                    

Angel's POV

2:00 na ng umaga gising parin ako hanggang ngayon kasi iniisip ko parin kung paano ako makikipagclose kay clark pero okay lang kasi wala naman pasok bukas dahil sabado pero ito nga hayyy iniisip ko kung kanino ako magpapatulong

Kay mama nalang kaya? Tutal kaclose naman ni mama yung mama ni clark

Ayyyyy hindiii,hindi pwede

Aakalain niya nanaman na may gusto ako dun hayyy kanino naman kaya??

Eh kung magfeeling close kaya ako tas gamitin ko si jenny baka kasi akalain niya na gusto ko siya

Tama,tutal alam niya naman na may gusto si jenny sakanya

Kaso nga lang baka tulog na yun eh

Angel mababasa niya naman yun eh

Aish sige na nga

"Hello clark"

Pagkatype ko niyan agad kong nilogout yung account ko kinakabahan kasi ako eh ewan ko ba kung bakit

Hayyy makatulog na nga lang ___________________

"MARIA ANGEL BERNARDO !!MAGTATANGHALI NA TULOG KA PARIN NAKOOOOO NAGPUYAT KA NANAMAN NOH?!" hayy nakoo panira talga ng tulog si mama

Mukhang umalis na si mama kasi narinig kong nagsara yung pin----

"AHHHHHHH!!!" Pano ba naman hinila nila yung paa ko

"Ano ayaw mo pa ah HAHAHA" sabi ni kuya

"oo na gigising na ang aga aga pa eh"

"Anong maaga eh magoone na" sabi ni mama

"Oo na eto na baba na"

Pagkatapos ko maghilamos at kung ano ano pa ay bumaba na ako

"Angg---"

"Subukan mo jose"sabi ko kay kuya

Ang pangalan nya kasi Joseph Angelo eh pag inaasar niya akong angge,jose naman yung pangganti ko sakanya

"Ang aga aga tsaka nasa harap kayo ng kainan magaaway pa kayo nakooo"sabi ni mama

At nagkatinginan kami ni kuya at tumawa kami kasi ginagaya niya si mama

"At bakit kayo tumatawa wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah"

Kasi ilang beses na namin narinig yung linyang yun kay mama at kabisado na namin yung linyang yun hahaha

"Wala naman po hahaha"

"O sya kumain na tayo at aalis tayo ng 3:00 ha?"

"Ma san tayo punta?" Tanong naman ni kuya

"Magtatapon tayo ng basura siguro ano.kasi kakasabi ko lang kagabi na pupunta tayong mall at may kailangan tayong bilin "sabi ni mama HAHAHA

"Okeh"sabi naman ni kuya hahaha

Kung tatanungin niyo kung nasan father dear ko nasa L.A Cali sya and dun siya nagwowork

Loving someone like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon