Hi Bes! Happy Fiesta, Happy Bacoor Day. Alam mo ba kung gaano kahirap ang hindi ka batiin sa araw ng birthday mo? Nagiisip ako ng “lakas maka-jowa” na surprise sayo e. Habang nagfefacebook ako, dami ka ng post. Yung para bang nasa tabi lang kita tapos kinakalabit ako at titingin naman ako sayo. Kitang kita ko ang mukha mong nagmamakaawa na para bang nagsasabing “bes, bes.. batiin mo na ako please?”.
Pero hindi ko ininda ang nararamdaman ko. Dun ko naisip ang “lakas maka-jowa” kong surprise sayo. Hindi naman siya masyadong bongga, pero wag ka na choosy please. Alam kong di ka mahilig sa bulaklak, at mas gugustuhin mo na lang na sana pagkain na lang binigay ko sayo. Pero again, wag ka na choosy. Gusto kitang bigyan ng bulaklak. Di kita nililigawan excuse me. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko muher. Wala lang gusto lang kita bigyan ng bulaklak.
Kaya ganito ichura nito kasi obvious naman na mahilig ka sa wattpad. Sana magustuhan mo to. Kahit ganito ichura nito, pinaghirapan ko yan (iprintscreen). Totoo talagang nakapost to, tignan mo na lang sa profile ko sa wattpad.
Soooo... wala na akong maisip isulat. Dahil lahat ng pangyayari sa buhay ko e nakwento ko na sayo. Ultimong na-late ako sa first subject ko, sinasabi ko sayo. Magpakabait ka lagi ha. At lakasan mo na boses mo. Hindi mga students ang magaadjust para sayo mahiya ka naman. Request mo kay Lord na bawasan niya bunganga ko tapos ibigay sayo yung kalahati, Makikinig ka lagi kay Mommy at Daddy, lalo na kay ate Ruth.
Sige ka, di ka ililibre nun. (damay niya na rin kamo ako sa libre)
A/N: Shoutout kay Ate Ruth, Hi ate ruth! (ehem ehem, libre naman, ehem) Thank you in advance.
Tapos, wag mo na masyadong damdamin ang mga bagay bagay. Hindi lahat kasalanan mo ha. Minsan, kasalanan din ng iba, ayaw lang nila aminin. Always remember that I love you so much. Para ka na rin naming kapatid ni ate ruth (ampon ka talaga e tanggapin mo na, kami talaga magkapatid). Pag may problema ka, sabihin mo sa akin. Kain tayo sa unli rice. Okay?
I pray that God will give you strength and wisdom to make good decisions in the coming year. Keep you free from illness and sadness, for you are a truly good person who deserves happiness and success in all aspects of life.
I love you!
-Lea Michelle Miranda