Chapter 4 V. 2

8 0 0
                                    

In between
**

ZOE

Puti at Sky Blue. Hindi ako pamilyar sa kwartong to. Sinubukan kong maupo pero bumagsak lang ako ulit dahil nakabenda ang braso ko. I groaned when I remembered what happened. That bitch.

"Oh, gising ka na pala. Tulungan na kita diyan nang makakain na tayo." Isang lalaking itim na itim ang buhok at bagsak ang nasa harap ko ngayon. Ang tangos ng ilong niya at bumabagay sakanya ang singkit niyang mata. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang dimples sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Ang Gwapo.

"A-ah. Sige. Salamat nga pala sa pagligtas." Nginitian niya lang ako. Sabay na kaming kumain matapos niya akong alalayan. Bakit kaya hindi ko siya nakikita?

"Ah. I'm Spade. Buti nakita kita. Baka nainfect pa ang sugat mo kung hindi kita naligtas." Nakakagutom talaga. Kaya tumango tango na lang ako.

"I'm Zoe. Anong section ka?"

"B. Katabi lang ng klase niyo. Kaya mo bang maglakad? Kung nanghihina ka, dito ka na lang matulog. Dun ako sa kabilang kwarto." Then he smiled. Umiling ako.

"Baka hinahanap na ako ng kapatid ko."

"Ah! Si Caiden ba? Nasabihan ko na siya. Galing siya dito kanina pero may gagawin pa daw na assignments."

Oo nga! May assignments pa kami. Siya na bahala dun. Mwahahaha. Inayos ko na ang pinagkainan ko at inalalayan niya pa rin ako kahit na nakakalakad na ako. Very gentleman ah.

"I owe you one. Thank you." I smiled at him which I oftenly do. He smiled back at teka, nahulog ata panty ko. Ichecheck ko lang ha.

"Magpahinga ka na. Good night, Zoe." And he smiled again. Agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang unan. Binaon ko ang mukha ko at nagtitili. Daaamnnnn!

Kinaumagahan, nagmukha akong zombie sapagkat hindi ako nakatulog. Ano ba. Eh sa magdamag kong hinanap yung panty ko e. Charing! Buti na lang may extra uniform dito na pag mamay-ari naman ng kapatid niyang kakagraduate lang last year. Sabay na kaming pumasok at pinaguusapan kami. I used my death glare and that made their mouths shut up. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng classroom namin.

"Oh paano? Let's eat lunch together okay?" I nodded while smiling.

"Sige. Pasok ka na nga." Umiling iling naman siya habang nakapout. Ang cute niya. Damn.

"Ikaw muna. I have to make sure you are okay noh." Nagtalo pa kami ng ilang beses hanggang sa nanalo siya at pinasok niya na ang classroom namin habang hawak hawak kamay ko.

"Oh. Ayan na. Nandito na ako. Pasok ka na. Mamaya na lang ha?" Then I smiled. Nakipag bro fist naman siya kay Azi at Caid. Wow. Close agad sila. Nang makaalis na siya ay bumalik na ako sa cold aura ko.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" Then I rolled my eyes. Nandito na rin ang bruhildang si Beryl.

"KYAAAAH!!! OMG!! WHAT WAS THAT HA?!" Tili ni Tori habang hampas ng hampas sa balikat ko. I just shrugged my shoulder at pinatigil siya sa paghampas. Pinipigilan kong ngumiti kaya nilapit ni Caid braso niya at kinagat ko yun. Tamang lakas lang.

"W-why did she bite you?" Takang tanong naman ni Hailey.

"Nangangagat siya ng maiingay." Then he smirked. Kilalang kilala talaga ako ng kambal ko kaya mahal na mahal ko yan kahit di halata. Alam niyang nais ko lang magpakita ng coldness kapag nasa harap ng iba pwera sakanila ni Azi.

"Pero bes, kyaaah!" Napangiwi ako sa sakit. Nahampas ni Tori yung sugat na natamo ko sa away namin ni Beryl kahapon.

I bit my lips and yumuko na lang. "Uyy kinikilig oh! Hiya ka pa. Ahihihi. Kinikilig ako sainyo bes!!" At hinampas niya ulit braso ko. Ang sakit, taena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ardour AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon