Chapter 1

16 0 0
                                    


"Nak pakitingnan yung listahan kung kumpleto na yung nasa bag ko." Sabi ni Mama habang inaayos din yung mga gamit ng mga kapatid ko. Chinicheck ko na din yung maleta niya at kompleto na naman na yung nakalagay dun.

"Opo Ma kompleto na po." Sabi ko naman at binitbit na yung maleta sa labas ng bahay para masakay na sa tricycle ni Manong Donny. Aalis kase sila Mama, di na sila ditto titira sa Cagayan De Oro , ang alam kong pag lilipatan naming ay sa Cavite. Hindi ko alam kung saan sa Cavite.

"Nak , alagaan mo ang sarili mo ha? Bilisan mo yung pag aayos ng papeles mo para makahabol kana din sa amin sa Cavite." Bilin ni mama , habang niyayakap ako.

"Opo ma , bibilisan ko po. Promise. Ingat po kayo doon mama ha?" Bilin ko naman. Kay mama.

"At ikaw Samantha, wag matigas ulo okay? Sumunod sa inuutos ni Mama, isang buwan nalang at hahabol na ako sa inyo dun. Pag may nabalitaan ako, lagot ka sa akin" sabi ko sa kapatid kong four years old na akala mo talagang maiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Opo ate." Sagot naman ni Samantha sa akin.

Kiniss ko si Samantha at si Mama bago sila sumakay sa tricycle papuntang Pier.

Mamimiss ko ang kakulitan ni Samantha at sermon ni Mama ng isang buwan.

Nagstay muna ako sa bahay naming at nag impake narin. Ngayon din ang lipat ko sa boarding house na rerentahan ko pansamantala bago sumunod kela mama.

Habang nag-eempake, tinawagan ako ni Angel.

"Audrey, may sinend ako sayo sa e-mail mo , assignment ko pakipasa nalang kay Sir Remi bukas. Hindi kase ako papasok may date kami Llargy." Sabi niya.

"Sige titingnan ko later. Nag-eempake nadin kase ako para sa lilipatan kong boaring house." Sabi ko naman sa kanya.

"Tuloy na ba talaga paglipat mo ng Cavite drey?" tanong niya na parang nag-aalala.

"Oo gel , kaylangan din , tsaka paparentahan na naming yung bahay naming dito kaya lilipat ako."

"Sige drey , kita naman tayo bukas para pag-usapan yan."

"Sige bye."

"Bye thanks !"

"Welcome!"

Si Angel na bestfriend ko since nag start akong mag college, classmate ko din sya sa lahat na subject. Naging irregular student kase ako simula nung bumagsak ako sa math.

Si Llargy Sonyer naman ay Ex-boyfriend ko na boyfriend na ngayon ni Angel. Mahirap paniwalaan basta ang alam ko , naging sila after naming mag hiwalay ni Llargy. Cool naman kami ni Angel dun. Hindi naman naging problema sa amin ang nangyari. Kaso masakit parin kasi kahit sabihin kong tanggap ko na. Mahal ko parin siya at kahit may mga nanliligaw man sa akin ngayon di ko parin kayang buksan ang puso ko para sa iba, kasi si Llargy parin yung mahal ko.

Nang natapos ko na ang pag-iimpake ako ng gamit. Lumabas na ko. Laking gulat ko na nakita ko si Llargy sa labas ng bahay naming nakaabang.

"Drey." Mahinang tawag niya pero lumakas talaga ang kabog ng dibdib ko. Ano ba pakay niya bakit siya nandito?

"Ano ginagawa mo dito?" medjo pagalit kong salubong sa kanya, I might sound bitter pero yun talaga lumabas sa bibig ko. Siguro dahil nadin sa gulat.

"Drey usap tayo." At hinila ang kamay ko papunta sa loob ng bahay naming.

"Ano ba, may mga kapit bahay. Tsaka hindi kita pinapapasok sa bahay namin." Padiin kong bulong sa kanya. Pero parang wala siyang naririnig sa mga sinabi ko at dere deretso lang ang pagpasok niya. Naging komportable na ang pagpasok niya sa bahay. Sa dalawang taon naming magboyfriend dati, palagi sya dito at nilalaro ang kapatid ko. Parang sya pa nga yung nagging kapatid ni Samantha kase palagi siyang hinahanap. Kaya mahirap din siya kalimutan sa dahilan na pati pamilya ko napalapit na sa kanya.

Protected HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon