Chapter 2

5 0 0
                                    


"Babe saan kana?" tanong sa akin ni Khrisann. Si Khrisann ang naging bago kong friend after ni Angel. Hindi narin nagparamdam si Angel sa akin months after kong umalis sa Cagayan De Oro two years ago. Palagi ko siyang chinachat tinitext para kamustahin , lagi nalang seen at hindi nagrereply. Ang huli ay ni-block niya ako sa facebook. Masakit para sa akin na ganon ang nangyari sa friendship namin. Kaso wala na akong magagawa, parang pinutol niya nadin ang ugnayan namin simula nang ni-block niya ako.

Nakilala ko si Khrisann sa school. At first, I really don't like her because she's always cursing like kahit magsalita nalang nang appreciation may "tangina" pang kasama. Like "Tangina ang ganda talaga ni Julia Bareto", mga ganun. Pero noong nagtagal na. Ganun lang talaga siya. Naging mas komportable ako sa kanya. Classmate ko siya sa tatlong subject last year kaya kami naging close.

"Dito na ako sa McBee babe kinakabahan na ako. Sana matanggap ako." Sagot ko naman sa kanya. Mag-a-apply ako bilang isang service crew sa McBee isang fastfood chain na balita ko free yung meal. Yun kase ang habol ko aside sa sahod at tumatanggap sila nang part timer. Mahirap lang kami sa Cagayan De Oro. Mas lalo kaming naghirap noong lumipat kami dito sa Cavite. Walang trabaho ang stepfather ko. Wala din trabaho ang Mama ko. Ang tanging pinagkukuhanan lang namin ng pera ay yung pinaparentahan naming bahay sa CDO. Lumipat kami dito sa Cavite sa takot na mabawasan na naman ng member sa family. Yung pinsan ko kasing si Kuya Tonton naging adik kaya pinatay sila nang kapwa adik lang din. May narinig kasi kaming death threat na kami da isusunod sa takot nadin siguro na magsasalita kami kung sino ang pumatay sa pinsan ko. Kaya mas pinili naming mamuhay sa ganto, kahit naghihirap atleast kompleto parin kami.

"Alam kong kaya mo yan babe! Fighting! Makakatipid ka narin jan kasi libre nadin pagkain mo, di mo na kailangan bawasan pa ang bigas sa bahay niyo." Sabi sa akin si Khrisann alam kong pabiro lang yung sinabi niya pero totoo iyon. Palagi kong sinasabi na ayokong bawasan ang bigas sa bahay kasi mauubusan na naman kami ng bigas. Nakita ko yung manager na mag iinterview sa amin kaya nagbabye na ako kay Khrisann.

Laking ngiti ko nang lumabas sa McBee dahil natanggap ako sa work. Ang kelangan ko nalang ay magpasa ng requirements. Sinabi ko nalang din kay Khrisann na tanggap na ako kaya sobrang saya niya.

"Nak kumusta final interview? Tanggap ba?" tanong ni Mama habang nakaupo sa sahig naka indian sit sa living room. Gutom na gutom na ako.

"Oo ma , may pangbayad nadin ako ng tuition sa wakas." Sabay kiss sa pisngi ni mama.

"Wow Congrats Nak, alam kong kaya mo yan. Nga pala may paksiw na isda jan sa kawali. Kumain kana Nak alam kong gutom kana." Alok ni mama.

"Sige ma busog pa naman ako ma, pinakain kami ng manager pagkatapos mag interview." Alam kong kulang pa yung pagkain nila mama kaya hindi ko na babawasan pa.

"Ah. Ganun ba nak? Mabuti naman at kung ganun." Sabi ni mama pero halata sa kanyang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Oo ma, sayang nga ee hindi pwedeng i take out yung kinain namin kanina. Papakain ko sana kay Samantha, siguradong matutuwa yun. Sige ma, kwarto ako. Bukas nadin kase pasahan ng project namin sa school. Tatapusin ko pa." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama at dumeretso na ako sa kwarto.

Inayos ko ang mga requirements para sa bago kong trabaho. Ipapasa ko nadin to bukas kase bukas nadin ang deadline nito.

"Asan na yun?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ang hard copy ng TIN number ko. Hindi kase pwede kung walang validation ng BIR yung ipapasa ko. Mga isang oras siguro ng kakahanap ko hindi ko mahanap kaya napagdesisyunan kong bukas nalang ako pupunta ng BIR para kumuha ulit ng TIN number kasabay sa pagpasa ng requirements.

Protected HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon