"Yup!" Masayang sabi ko habang bumababa mula sa driver's seat. "Actually, nandito ako sa mall para kitain sila.""Siguraduhin mo na magiingat ka diyan, Kean. I don't want to drive to Manila for the reason that you get into trouble."
Humalakhak ako at napailing dahil sa kakulitan ni mommy na magalala para sa akin.
I'm just in Manila and they're in Baguio. There's no big deal! I'm just five to six hours away from them by car. Kung gusto nila akong puntahan, kailangan lang nilang magsakripisyo ng ilang oras na mangangawit ang mga balakang nila.
"I heard myembro pala sa isang banda si Jet?" Naniniguradong tanong niya.
Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako kita, "Yup! Signed na daw siya sa isang studio."
"I've always been proud of that kid. Napakagaling niyang kumanta!" Excited niyang sabi at narinig ko ang boses ng kapatid ko. "Mom, si ate ho ba 'yan? Pwede pakausap?"
Inilayo ko muna ang aking telepono mula sa tainga dahil kailangang tignan ng guard ang laman ng aking bag. Nang ilapit ko muli ito sa aking tainga ay ang malalim na boses na ng kapatid ko ang sumalubong sa akin.
"Ate..." Aniya sa isang banayad na boses.
"Oh, Brix?"
"Pwede bang kausapin mo 'yong ex mo na mahilig tumambay sa labas ng bahay? Nakakairita na kasi eh. Ang hilig mangharang ng kotse tuwing bubuksan ni manong ang gate." He said in a monotonous tone, the usual Brix Jastiva.
Imbis na mairita nanaman ako sa isinusumbong niya sa akin ay natuwa pa ako dahil talagang iyon ang pinambungad niya imbis na sabihin niyang namimiss niya ako.
"Ah... So ganon? Hindi mo man lang ba ako namiss? What a heartbreak." Sabi ko't humalakhak ng pagkalakaslakas.
Luminga ako at namangha dahil mas naging exclusive ang mga boutique na nadadaanan ko. Hindi kami masyadong nagpupunta dito sa mall na ito tuwing napapa-Manila kami kaya hindi ko nababantayan ang pagunlad ng mall na ito.
Inisip ko ang mga mall sa Baguio at hindi ko napigilang ikumpara ito dito sa mall na kinatatayuan ko ngayon. Baguio malls are undeniably smaller and this mall has more customer friendly facilities than of Baguio's. Nakasanayan ko'ng maglibot sa Session Road pababa ng Tiong San at kung gusto ko ng mas magandang establishment ay sa SM naman ako. It would be hard to adjust to the environment of Manila especially now that I'm alone.
Tumawa siya and I bet he's shaking his head in disbelief, "Ate, take this seriously."
"He's not worth our worries. Saka pabayaan mo na. Magsasawa din iyon in no time." I tried my best sounding so careless pero kung kausap ko siya ng personal ay baka pinaningkitan na niya ako ng mata dahil sa paulitulit kong paglunok.
"He's too persuasive. No wonder he got you."
Umismid ako, "I know."
Namataan ko ang isang signboard na nagtuturo kung saan ang Starbucks kaya lumiko ako at natagpuan kung saan ito.
"So... All I want to ask is a permission to punch him. Kahit isang beses lang. Pangako, walang babayaran na hospital bills sila mommy."
Kumunot ang noo ko at napatawa, "Gawin mo kung ano ang gusto mo! You don't need my permission. Siguraduhin mo lang na malinis ang pangalan ko. Keep me out of your issues."
"You're a part of the issue you're saying."
Inikot ko ang mata ko, "Whatever. Sige na! I'm meeting people."
BINABASA MO ANG
Slipping away
Teen FictionAng pagalis ni Keandra Lyanna Jastiva tungo sa malaking syudad ng Maynila mula sa Baguio ay tinuring niyang "blessing in disguise" dahil inakala niyang matututo siyang maging indepenedent. She arrived in Manila na may usapang makipagkita sa mga kaib...