Chapter 9

35 0 0
                                    

Nilabas ko yung motorbike ko at sinundo si Kassie.Nagmumukhang lalaki na ako ngayon aahhh.Nandito na ako,nakatayo sa bahay nila.I rang the doorbell at nakita ko si Kassie,on her uniform.

"Hi!" Bati ko sakanya."Hello!" She replied."O ano?Ready ka na ba?" Napatingin siya sa likod ko at napa-sweatdrop."Motorbike?"

"Yes,motorbike.Yan ang ginagamit ko papunta sa school.Problem?"

"Takot ako sa mga motorbike eh." Hinigpitan niyang hinawakan ang kanyang school bag.Aish!Takot lang ang peg?

"Kapit ka lang.Makayanan mo lang din 'yan.." Napa-peace sign nalang ako.Ngumiti siya at tumango.Ganyan ang gusto ko ah! :)

Sumakay na kami sa motorbike ko at ang weird ng posisyon namin.Same kasi kami,babae.

~~~~~~~~

"Nandito na tayo." Sabay pat ko sa ulo niya.Graveh,kahit nasa likod ko na siya,yung buhok niya humaharang sa aking paningin.Magic ba 'to?

Bumuba na ako sa motorbike,pati na rin si Kassie.Siya palang yung kaibigan kong HINDI plastic.Dahil sa mga sama-sama namin,naintindihan ko siya at naging maldita na ako konti.Grabe ang mga epekto ni Kassie sakin.

"Alright..." Linagay ko yung helmet ko sa handle ng motorbike ko.Maraming tao ang nagtitinginan samin.Ano?Expectations?Sarap isigaw sa mundo na hindi na kami ni Maxwell.May kasama kasi siyang malandi.Yuck!

"Hey Wendy.Everyday routine mo 'ba to? Daming taong nagtitinginan.." Medyo hindi komportableng sinabi ni Kassie sabay inayos niya yung damit niya.

"Ah yeah." Tiningnan ko yung cellphone ko at 4 minutes kaming early sa flag ceremony.Tamang-tama lang talaga,papunta na kasi kami sa Auditorium sa 5th floor.Kami kasi ang kakanta sa stage ng Lupang Hinirang at School Anthem namin.

Hindi naman ganoon kaganda yung boses ko.Mas maganda yung boses ni Kassie kaysa sa akin.Pero hindi ako jealous,lahat naman tayo may speciality.Diba?

Umakyat na kami sa stage at kinuha ko yung cellphone ko sa aking pockets para malaman ko lang kung anong oras na.2 minutes left para magsimula na yung flag ceremony at hinay-hinay nang napupuno yung Audi.Nakita ko si Maxwell sa likuran ni Ayumi,magkaklase sila,pero sa tingin ko hindi pa nila pinapakalat sa buong campus ang kanilang 'relationship'.Che!Ano ba ang iniisip ko?

"Okay,We will now start the flag ceremony..." Sabi ng isang master teacher.Nagtinginan kami ni Kaye at tumango kami ng sabay-sabay.

~~~~~~~~~

Natapos na yung flag ceremony at bumaba na kami sa stage.May sinasabi pa yung principal na may seminar daw ang mga teacher for...7 DAYS.Malamang!Tatamadin lahat ang mga estudyante dahil diyan.Puro nalang ba kaming walang klase?Hindi naman ito learning ah.Tinuturuan siguro kami sa mga teachers na palagi mang-absent/cutting classes.

Ngumiti si Kassie at inakbayan ako."Salamat!PARTY tayo kasama si Tracy.Magaling yun mag-DOTA.Except lang kina Genelyn at Indie,masyadong study-so-hard si Indie at si Genelyn.Kagaya mo!"

"Bakit hindi ka ba study-so-hard?" Napalingon nalang ako saking mga kaklase."Nagstu-study din naman ako..." May pa-pout pout pa siya.Ayie!Sarap kurutin!!

"Naish!"Tinaas ko ang aking mga kamay,as if na kukulungin na ako ng mga pulis.

"Basta mamaya PARTY tayo ha?Kita nalang tayo mamaya sa canteen." Ngumiti ako at nag-apir kami."Ah yeah bespren!"

~~~~~~~~
Kassie P.O.V

Kalerker!Tagal naman ni Tracy.Sinabihan ko siya kanina na mag-kita kami dito sa canteen.

"I'm so sick at that Tagal naman~~~~" Kanta ni Wendy.Anong kanta 'yang kinakanta niya?Pero halatang-halata na gawa-gawa niya lang iyon.

"Wendy!Kassie!" May isang babaeng sumigaw at nakita namin si Tracy tumatakbo papunta samin.Mabuti nga,kasi kapag hindi siya nagpakita,after 7 days at makita ko siya.Alam mo na kung ano ang gagawin ko.*note the sarcasm*

I'm In Love With A DOTA 2 Player Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon