Sinayang na Pag-ibig! :'(

24 0 1
                                    

Isang araw, pag gising ni Alexandra sa higaan nagulat sya dahil nakahanda na ang kainan nila ni Joseph sa hapag kainan, maraming lobo doon dahil birthday ni Alexandra, niyakap ni Alexandra si Joseph. "Salamat Joseph, napakasaya ko ngayon, I love you!" wika ni Alexandra, "I love you too Alexandra!" tugon naman ni Joseph. Nagsaya sila nung araw ng Pebrero 12, 2006, nagkwentuhan, nagtawanan at naghalakhakan.

Makalipas ang 2 taon.

Pebrero 15, 2008

"Birthday na bukas ni Alexandra, kelangan ko kumayod para may handa ako sa birthday nya!" wika ni Joseph sa kanyang isipan, naging mahirap sila ng 1 taon, si Joseph ay nag tatrabaho sa isang Construction Site, "Joseph, mag ka cash advance ka ulit?" wika ng kanyang amo, "Oho Sir! Kaarawan po kase bukas ni Alexandra, kelangan ko po syang pasalubungan at bigyan ng handa" tugon ni Joseph, "O sya sige! Heto oh! (inabot ang 3 libo) Hayan. Sa susunod na buwan na ang sahuran mo ha" sabi ng kanyang amo, "Oho Sir! Maraming salamat ho!" galak na sinabe ni Joseph.

*Pauwe*

Bumili si Joseph ng Spaggetti at Pancit, bumili rin sya ng 2 lobo at cake.

*Pag karating sa Bahay

"Hon, nandito na ako!" wika ni Joseph, hindi umiimik si Alexandra at busy sa kakatext.

(hinalikan ni Joseph si Alexandra sa pisngi ngunit tumayo si Alexandra at pumunta sa kwarto nya)  

*Kinabukasan (kaarawan ni Alexandra)*

(bumaba si Alexandra ng nakabihis, Nag aayos si Joseph ng pagkain)

"Hon! Happy Birthday!" sabi ni Joseph sabay yakap kay Alexandra, "Teka! Hon, aalis kaba? :(" wika ni Joseph. "Oo Joseph! May aasikasuhin ako! Sige na! Babye!" sabi ni Alexandra, umalis si Alexandra ng parang wala lang syang nakita.

Sa Text ni Alexandra:

Henry: Alex, punta ka dito sa haus ngayon ha! may surprise ako sayo!

Alexandra: Henry! Ofcourse! Don't worry Im on my way na.

Henry: we'll sige! i'll wait for you darling, iloveyou.

Alexandra: Iloveyoutoo Sweet Heart!

Pagdating ni Alexandra sa bahay nila Henry ay nag saya silang dalawa, kumain, nagharutan at naglambingan.

"Uuwi na ako Henry, Salamat sa Handa at Thanks sa Efforts! Don't worry makikipaghiwalay na ako kay Joseph! Okay?" sabi ni Alexandra, "O Sige! :) I'll wait for you Darling!" tugon ni Henry.

*Pag uwi sa bahay*

Nakita ni Alexandra si Joseph sa lamesa at hawak nya ang picture nilang dalawa.

"Joseph..." ginising ni Alexandra si Joseph, bumangon si Joseph at niyakap nya si Alexandra.

"Alexandra, salamat sa lahat lahat... Salamat sa pag-mamahal mo, salamat sa oras na binigay mo, alam ko kung saan ka pumunta, doon sa bahay nila Henry... Oo.. Na wrong send sya at natext nya sa aken ang dapat na itetext nya sayo." sabi ni Joseph, "Teka! baket ganyan ka magsalita...?" tugon ni Alexandra, Hindi na nagsalita si Joseph at bumagsak sa sahig sa sobrang taas ng lagnat, tumawag si Alexandra ng ambulansya, "Joseph! Lumaban ka! Pangako! hindi ko na uulitin yun! Promise! Ikaw lang! Lumaban ka Joseph, lumaban ka..! hagulgol ni Alexandra sa harap ni Joseph, habang nasa ambulansya nag aagaw buhay si Joseph, "We'll this is not an ordinary fever, meron syang Cancer sa lalamunan" sabi ng Doctor, "Doc, mabubuhay po sya diba, diba po?" pag-iyak ni Alexandra, "We don't know Iha..", tugon ng Doctor.

*Pag dating sa Ospital*

Umuungol na si Joseph dahil nahihirapan na sya sa paghinga, pag dating sa Emergency Room, sinalpakan agad si Joseph ng Dextros at inelectric shocker, makalipas ng 30 minutos, sa wakas, ligtas si Joseph. Pag pasok ni Alexandra sa Kwarto ni Joseph, umiiyak sya at naghingi ng tawad kay Joseph. "Joseph! Patawarin mo ako! Patawad! :'(" pag iyak ni Alexandra sabay luhod sa harap ng higaan, Ngumiti si Joseph at hinawakan ang kamay ni Alexandra, "Hon, pinapatawad na kita.. :)" tugon ni Joseph, niyakap ni Joseph si Alexandra, "Bumalik ka sa bahay at kunin mo yung Papel sa Lamesa na naka ipit sa pinggan. "O Sige!" wika ni Alexandra, "Iloveyou Hon" sabi ni Joseph, "Iloveyoutoo Joseph" sabi ni Alexandra, at bumalik sya sa bahay upang kunin ang Papel.

*Pag dating sa bahay*

Nakaipit doon sa Platito ang litrato ni Joseph at ni Alexandra, may nakatupi na papel sa plato, kinuha ito ni Alexandra at binasa....

"Dear Alexandra,

Naalala mo ba yung mga kwentuhan natin noon? Napakasaya diba, lalo na pag magkasama tayo palagi, nag lilibrihan, naglolokohan at naghaharutan, Sana napasaya kita kahit 2 years lang and sana maging mas masaya ka pag wala na ako. Alexandra, napakasarap marininig ng Iloveyou mo saaken kanina, pakiramdam ko natapos ko na ang misyon ko sa mundong ito, Hon, wag kanang bumalik sa Ospital at masasaktan ka lang pag nakita mo akong nakataklob sa kumot at nasa kabaong...

Hindi na ni Alexandra tinuloy ang binabasa nya at pinaharurot nya ang taxi sa Ospital pag balik nya doon sa Ospital nakataklob na ng kumot si Joseph hindi na sya humihinga..

.....Paalam Alexandra, Paalam! Paalam! Paalam.. At mahal na mahal kita..

Iyong iyo hanggang sa wakas,

Joseph.."

Hindi na nakatiis si Alexandra, niyakap nya si Joseph at tumabi sa higaan ni Joseph at dun nya sinabe na..

"MAHAL NA MAHAL KITA..."

The End...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinayang na Pag-ibig! :'(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon