SWEETHEART #1 - LOVERBOY
Enjoy Reading!
✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
*Beep*
Nagising ako sa tunog ng phone ko. Sino ba'to? Ang aga-agang manira ng tulog. Kinuha ko agad ang phone ko na kanina pa tunog ng tunog at sinilip.
6 messages received
Binuksan ko agad ang message para malaman kung sino ang walang hiya sumira sa beauty rest ko.
Briaaaaan ❤️ (+639*********)
Good morning babe! (8:30 am)
Babe tulog ka pa? Gising na. May date tayo ngayon. (8:42 am)
Naliligo ka na ba? Nag-bibihis na ako. Excited na ako babe hahaha (9:11 am)
Papunta na ako. See you later :* (9:35 am)
Dito na ako sa favorite spot natin. (10:02 am)
Babe san ka na? :( (10:48 am)
Agad akong napabalikwas sa kama dahil sa mga texts ni Brian. Chineck ko agad ang oras at nakitang 10:55 am na. Holy Sh--! Bakit 'di tumunog yung alarm!? Nagtipa agad ako ng message.
OTW na ako babe :D
Sinaksak ko sa charger ang phone ko at agad bumangon para maligo. 10 minutes lang ang itinagal ko sa banyo at agad nagbihis. Kumuha ako ng isang sleeveless top at flannel shirt at ipinares sa ripped jeans. Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang kabilang pinto.
"Ate bakit hindi mo ako ginising!?" Naiiritang sigaw ko sa kapatid ko at padabog na binuksan ang pinto niya. Tumambad sakin ang kwarto niyang maayos na maayos. Dumirecho ako sa kusina at tinignan ang pinto ng ref na may pink na sticky note.
** Aya may emergency sa clinic. Maaga akong umalis. Nakapagluto na ako ng breakfast. Ingat :) **
Agad akong napabuntong hininga at binuksan ang ref para kunin ang ginawa kong cheesecake kagabi at inilagay sa isang lunchbox. Kumain na rin ako ng almusal ng madalian. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang phone ko at naglagay ng pulbo at lipbalm. Tinignan ko ang oras at nakitang 11:30 am na. Dali-dali na akong lumabas sa unit namin at sumakay sa elevator. Chineck ko ang phone ko at may nakitang message ulit galing kay Bry.
Ingat babe. Nami-miss na kita (11:27 am)
Paglabas ng building ay pumara agad ako ng taxi at pina-derecho sa QC Circle. Bago ako pumunta sa usual spot namin ay bumili muna ako ng lunch namin sa pinakamalapit na fast food na nakita ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa pwesto namin at nakita si Brian na tingin ng tingin sa phone niya. Hindi muna ako lumapit sa kanya. Binunot ko ang phone ko at kinuhanan siya ng picture. Maya maya ay nag-iba siya ng pwesto sa bench. Bigla siyang humiga sabay tingin ulit sa phone. Agad siyang umupo ulit ng ayos nang may dumaan na matanda at tinignan siya. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya at tinakpan ang mata niya.
"Aya" malambing na sabi niya sa pangalan ko. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa mata niya at binigyan siya ng kiss sa cheeks niya.
"Hi babe! Sorry na-late ako." Nagpa-pacute kong sabi sabay upo sa tabi niya.
"Sanay na ako babe. Alam ko namang nung tinext mong otw ka na, on the water talaga yon." natatawa niyang sabi sabay akbay sakin.
"Sorry na. Di kasi tumunog yung alarm ko tapos si ate nasa clinic, may emergency daw kaya hindi niya ako nagising." Paliwanag ko sa kanya. Lagi na lang kasing late ako kapag may date kami.
"Apology Accepted!" nakangiting sabi niya sakin sabay kiss sa tungki ng ilong ko.
"For sure hindi ka pa nagla-lunch, kaya bumili ako ng pagkain natin." sabi ko sabay isa-isang nilabas ang pinamili kong pagkain. Nilabas ko din yung oreo cheesecake na dinala ko. Gustong-gusto niya kasi yung gawa kong cheesecake at eto ang request niyang flavor ngayong araw.
Pagkatapos naming kumain ay lumipat kami sa kabilang side kung saan ay may mga benches na pwedeng tambayan. Pagkaupo ko ay agad siyang humiga sa lap ko at binunot ang phone niya. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Maya-maya ay bigla niyang binasa ang nasa phone niya.
"Relationship Goals. I hope me and my boyfriend can do all this things. I love you B." natatawa siya habang binabasa niya yon
Nagulat ako sa binasa niya dahil isa iyon sa mga post ko sa blog ko. Sa gulat ko ay naitulak ko siya kaya nalaglag siya sa upuan. Buti na lang at damo ang nabagsakan niya.
"Brian ano ba! San mo yan nakuha?" naiirita kong tanong sa kanya sabay takip ng mukha.
"Hala babe. Sorry." nagpapa-awa niyang sabi sakin sabay yakap.
"Pano mo nalaman yang account ko? Ano ba yan, kainis ka!" naiirita ko pa ring sabi sa kanya. Sa blog ko kasi na 'yon, pino-post yung mga pictures namin tuwing may date kami or basta random lang na kasama ko siya. Nakakatuwa kasi at pinagmamalaki ko siya sa lahat kaya lang nakita niya. Aish.
"Nakita ko kasi sa phone mo isang beses. Edi tinignan ko kung anong meron don. Ang sweet mo naman babe." nanunuksong sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko
"Heh! Tigilan mo ako. 'Di tayo bati." sabi ko sabay hampas sa kamay niya.
"Ang cute cute talaga ng babe ko. I love you Aya." sabi niya sabay yakap ulit sakin. Di ko siya inimik o nilingon man lang sa hiya ko. Mukha yata akong obsessed sa kanya dahil dun sa blog. Bigla siyang humiwalay sakin. Hindi pa rin ako gumagalaw. Naramdaman kong tumayo siya at umalis sa tabi ko.
After 5 minutes, di pa rin siya bumabalik. Inangat ko yung ulo ko at hinanap siya sa paligid, pero ni anino niya ay hindi ko makita. Iniwan na niya yata ako. Yumuko ako para itago ang naluluha kong mata at hinayang matakpan ng buhok ko ang mukha ko. Biglang may paa na pumwesto sa tapat ng paa ko. Inangat ko ang mukha para tignan kung sino kahit na alam kong sapatos yon ni Brian. Tuluyan nang bumuhos yung pinipigilan kong luha kanina nang nakita ko ang mukha niya na nakangiti sa harap ko habang ang kamay niya ay nasa likod niya. Biglang nawala ang ngiti niya ng makita ang mukha kong umiiyak.
"Bakit? Anong nangyari? Saglit lang akong umalis, sinong may gawa niyan?" Natataranta niyang tanong habang pinupunasan ng thumb niya yung luha ko sa pisngi ko.
"Eh ikaw naman kasi eh. Bigla kang umalis. Akala ko iniwan mo na ako." sabi ko habang mahina siyang hinahampas."Ay ganun ba? Sorry babe. Naalala ko kasi na may nadaanan ako kanina na manong na nagbebenta nito." sabi niya sabay pakita ng kamay niya na nasa likod niya mula ng dumating siya. Hawak-hawak niya ang isang balot ng cotton candy.
"Aanhin mo naman yan?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang pinupunasan yung kaonting luha ko na tumutulo pa.
"Gagawin natin yung isa sa goals na gusto mong mangyari." Nakangiti niyang sabi habang binubuksan yung balot nung cotton candy. Agad siyang umupo sa tabi ko at hinawakan niya sa kanang kamay niya yung cotton candy tapos yung kaliwang kamay naman niya ay binunot yung phone niya sa bulsa at binuksan ang camera.
Tinapat niya sa bibig ko yung cotton candy habang kagat naman yung kabilang side. Naalala ko yung sa isang picture kaya naman kumagat na lang rin ako. Hindi ko mapigilang kiligin dahil ginawa niya to para sakin. Kinuhanan niya naman ng picture at agad kong hinila yung kagat kong cotton candy habang natatawa. Kinurot ko yung magka-bilang pisngi niya.
"Salamat. Salamat kasi kaya mo laging sakyan yung kabaliwan ko. Sorry rin kung ang iyakin ko at paiba-iba yung trip ko. I love you Brian Hernaez." Sincere kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mata niya sabay kiss sa cheeks niya.
"Salamat din babe. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi mahal mo ako at ikaw ang girlfriend ko. I love you more Alyana Imperial." sabi niya sabay subo sakin ng cotton candy pa.
✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N: I know ang lame ng ending hahaha. Eto yung kinaya ng aking utak sa ngayon mula sa almost 1 year na hindi pagsusulat hihihi. Kapag tinuloy ko pa feeling ko hindi happy ending magagawa ko lmao. Anyways, this is one-seventh of the sweethearts. Sana nagustuhan niyo. Vote? Comment?
BINABASA MO ANG
The Sweethearts
Teen FictionThe Sweethearts. Different types of Boyfriend. Inspired by iKON's WYD :D