IMAS2

80 6 3
                                    

Dedicated to chechelllzzx . Ate chelle thankyou sa pagreact sa story. Lablab😘

----------------------------------------------
Birthday Gift

Ayesha's POV

"Happy Birthday Ayesha! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Ayesha!" Kinakanta nila yan habang hawak ni tito ang cake ko.

Parang ang saya saya nila ah? Hindi na ba nila ako papalayasin? Kapag sinuswerte ka nga naman oh.

Nagwish muna ako na sana wag muna ako paalisin nila tito dito sa bahay saka ko hinipan ang kandila..

"Ayesha! 18 years old ka na, alam mo na." ngumisi pa si tito.

Kala ko pa naman hindi na ako papaalisin dito. Siguro ako na yung nag 18 na malungkot.

"Ah.. Eh.. Opo.. Alam na alam ko na po tito. Sa katunayan nga po hindi ko na po makakain yang cake dahil aalis na po ako hehe. Mamimiss ko po kayo, salamat po sa lahat."

"Sige Ayesha, magiingat ka ha? Babush." Aniya.

Okay? Okay. Hindi tinupad ni birthday candle ang wish ko. At heto ako ngayon nakangiti  habang papalabas ng pinto. Sige Ayesha, i fake smile mo pa, sige. Hindi ko man lang natikman yung cake, black forest pa naman yun.

Saan na ako pupunta neto? Makakakuha kaya ako ng trabaho? Eh highschool lang naman ang natapos ko. Saan na ako matutulog neto mamayang gabi?

Kanina pa ako naglalakad pero wala akong makitang kailangan nila ng trabahador. Wala pa rin akong kain. Lord, tulungan niyo naman po ako..

Hanggang sa makakita ako ng cafe shop na kailangan nila ng waitress! Nagningning ang mga mata ko. Para akong nakakita ng rainbow sa gabi. Waaaa! THANK YOU LORD.

Nagtanong agad ako sa manager ng shop at tinanong tanong niya ako, Qualified naman ako kahit highschool graduate lang. Bukas pwede na rin akong magsimula. THANK YOU TALAGA LORD.

Napansin naman nung manager na ang haggard ko na at dala ko pa mga gamit ko.

"Naglayas ka ba ija?" Tanong niya.

"Hindi po, pinalayas po ako. Wala pa nga rin po akong kain tsaka hindi ko po alam kung saan po ako matutulog."

Sige magpaawa ka ayesha. Mukang mayaman naman, kaya yan ng powers mo!

"Sige. Dun ka muna magstay sa dating tinitirahan kong apartment. Dito ka na din muna kumain."

SWERTENG SWERTE KO TALAGA MGA CHONG. Thank you Lord talaga!

"Salamat po. Maraming salamat." Okay. Gusto ko sumuka ng party poppers. Yung katawan ko gustong magparty! 

Kumain na ako tapos sinamahan ako ng manager sa apartment niya, may mga tao din dito sabi niya mga worker din dun sa coffee shop. Buti naman may makakasama ako.

Inayos ko na ang gamit ko sa kwarto ko at paramakatulog na ako.

*Higa*

*pray*

*pikit mata*

*10 minutes*

Di ako makatulog! Ano ba. Hindi pwede to! Baka bangag ako bukas.. Tinignan ko ang orasan 2:00 AM lang naman pala.

2 AM?! Di pa rin ako makatulog. 6 ang trabaho ko bukas! Huhu.

Pinilit kong matulog at alisin sa utak ko ang mga iniisip ko. Bakit ganun? Buong araw ay pagod na pagod ako pero yung katawan ko parang natulog lang magdamag? Lord yung totoo po? May powers po ba kayong binigay sakin?

I Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon