Chapter 1- The Beggining

18 1 0
                                    

Alyanna's Point of view

"Yanz!!!! Ambagal nanaman ng wifi, huwag mo pagsabay- sabayin 'yang tabs mo!" sigaw sa'kin ni Ate Anikka sa pinto ng kwarto. Nag-aadik nanaman ako, sa paggagadgets. Nauso na kasi 'yung mga Roleplayer na Accounts, gumawa ako kaya naadik, gumawa ako ng marami.

"Ate, nagdodownload ako and please lower your voice huh?" sabi ko, pagkabukas ng pinto.

"Yanz, Don't me, alam ko naman naglalaro ka nanaman ng feelings" sabi niya sabay irap, tumawa nalang ako kasi alam kong tama naman siya. She knows me well, pero nagdodownload talaga ako, kasabay ng paglalaro ng feelings haha. "oh see. tawa-tawa ka d'yan" puna pa niya.

"Oo na ate. Halika na nga dito sa kwarto, marinig ka pa ni mama." sabi ko, sabay tulak sa kanya papasok ng kwarto.

"Alam mo? tigil-tigilan mo na 'yang paglalaro mo at uso na ang karma." sabi ni ate, sabay tawa.

"Ate, 'di ako natatakot pipigilan ko ang karma kapag nainlove na ako ng totoo" sagot ko, sabay kindat.

"Bahala ka." sabi ni ate.

"Anak? Kain na!" katok ni mama sa pinto.

"Opo! susunod na!" sabay naming sagot ni ate.

"baba na tayo, tigilan mo na 'yang kakafb mo." pigil ni ate. Sinunod ko nalang at shinut down na ang dalawang laptop ko.

Bumaba na kami at nakitang nakahain na ang mga pagkain.

"Asaan nanaman si papa?" tanong ko na naiinis, si papa kasi 'di siya lagi umuuwi. Masyadong workaholic. "Oo nga mama, Linggo ngayon." dagdag ni ate.

"'di daw makakauwi, may client sa Davao eh, masyadong malayo at kagabi lang tumawag." sagot ni mama.

"Lagi naman eh" bulong ni ate, na narinig ko.

"Mama, sana naman, Sunday ngayon oh, dapat sabay-sabay magsimba." i said with frustration.

"Hayaan niyo na, nagbabawi kasi eh." Laging palusot na 'yan mama.

May negosyo kasi kami, pagawaan ng electronics. Kaya, kailangan tutukan ni papa at kailangan na lagi siyang wala dito sa bahay. Wala na nga siyang time sa amin eh

Uminom na ko, pagkatapos kumain at dineretso ang pinggan sa lababo.

"Ma, akyat na po ako." paalam ko kay mama. Tumango nalang si mama at umakyat na ako.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, binuksan ko na ang Tablet at nagbukas ng isang roleplay account. Andaming messages na iloveyou, tss. 'Di nga nila kilala kung sino talaga ako, tas magi-iloveyou na? -_-
Binuksan ko nalang ang real account ko, hay buhay, andami namang messages na hi miss ganda, nakakainis. But, someone caught my attention, ang cool ng dp niya. Logo ng exoshidae tapos cover photo niya si Shiniçhi at Ran. (Exoshidae- exo at snsd) (shinichi at ran- couple sa detective conan.)
His name is Cloud Rein Chiong.

Cloud: Hi, thanks for accept.

Ako: Hello, welcome. :-))

'Di siya nagreply pabalik, so i decided na hayaan nalang.

Ini-stalk ko pa siya at nakita ang mga pictures niya. Kpopper din siya at Otaku. Parehas din kami ng taste sa music. Favorite niya din 'yung mga kanta ni Ed Sheeran at kanta ng silent sanctuary.

I like him, kahit 'di pa kami nagkikita at nagkakausap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at, first chat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon