My New Beginning

34 0 0
                                    

Hello kamusta? Sana maenjoy niyong basahin itong kwento ko. Kwento ito ng buhay ko, kung paano ako bumagsak at bumangon. Sa intro pa lang boring na ano? Haha, pero di ko mapigilang hindi ikwento ito eh. May halo itong kaunting love story at drama. Pero inspirasyon din ito sa mga taong nabigo at nasaktan kkagaya ko. Mapababae man o mapalalaki makakarelate kayo. Oh siya, mahaba na itong intro ko, sisimulan ko na ang aking kwento.

Pre-elementary pa lang ako, natuto na kong mamuhay ng simple at hirap sa buhay. May papa ako na may magandang trabaho. Sa isang bangko, CI siya at kung tutuusin hindi naman mababa ang sahod niya. Tinitiis niya kaming dalawa niyang anak na lalaki at ni minsan ay hindi namin naramdaman ang pagiging tatay niya. Ang mama ko naman kahit hirap na kami sa buhay ay pinipilit kaming buhayin.

Naalala ko noon, madalas akong mabully ng isang teacher nung kinder 1 at 2 ako. Tama ang narinig ninyo, isang teacher ang minamaliit ako. Dahil siguro dun kaya nawalan ako ng self confidence at nagpatuloy iyon hanggang sa naging elementary ako. Hindi ko alam kung bakit, pero lagi akong dinadown ng teacher na iyon. Sa totoo lang pagnaaalala ko iyon nalulungkot ako. Wala naman akong ginagawanng hindi maganda.

Ng mag elementary ako, naging mahiyain ako tahimik at walang kaibigan. May isa akong kaklase na sinamantala iyon. Kinaibigan niya ako pero ginawa akong punching bag. Hindi naman ako nasasaktan sa ginagawa niya pero napapahiya ako sa mga schoolmates ko. Pero grade 3 pa lang kami ng magtransfer siya ng school, at unti-unting nagbago ang buhay ko. Ako naman ang naging bully, pero hindi ko ineexpect na dahil doon makikilala ko ang bestfriend ko na si Lucky, isang Indian. Madalas ko siyang ibully noon pero natigil kasi nalaman ko na pati sa bahay binubugbog siya ng mama niya.

Pinanganak noon ang bunso kong kapatid, na noong una ay ayaw tanggapin ng papa ko dahil sa hirap ng buhay. Babae siya at naawa ako dahil pati ang pangalawa kong kapatid ay galit sa kanya. Pero di nagtagal, nalaman namin na matalino pala siya at dahil doon ay unti-unti siyang natanggap at minahal ng papa namin. Dito na din nagsimulang magbago ang buhay namin.

Hindi namin inakalang magkakaroon kami ng sariling bahay. Matagal na palang nagbabayad si papa ng lote para sa amin. At isang araw ay nagulat na lang kami na ipapagawa na pala ni papa ang dream house naming pamilya. Pero bago guminhawa ng tuluyan ang buhay namin, marami pa ring pagkakataon ang nagtiis kami. Mas mahirap pala ang magkaroon ng sariling bahay. Tubig at kuryente. Dahil sa laki ng bahay ay lumaki din ang gastusin. Nag highschool na din ako noon.

Sa pagiging highschool ko nalaman na kailangang maging matatag at malakas. First year highschool ako noon ng malaman ko na mayroong pa ring bully pati sa highschool. Napakahirap, dahil mas strikto ang mga teacher sa highschool. Na kahit pinagtanggol mo lang ang sarili mo, mapapagalitan ka pa rin. Tahimik lang ako at walang kibo sa mga kalokohan ng mga kaklase ko. Nagpakabait at nagpakatino ako, pero hindi talaga maiiwasang mapagtripan ka. Pero hindi ako pumayag na maging talunan, napaaway ako isang beses at nadisgrasya. Muntik pang mabulag ang kaliwa kong mata pero ang mas masakit na malamang walang pag aalala sakin ag papa ko. Doon din nagsimulang mabuo ang galit at tampo ko kay papa hanggang sa ngayon.

College na ko ng inakala kko na magiging maayos na at tahimik ang buhay ko, ang akala ko noon ay aral lang ang college. Pero hindi pala, natuto akong uminom ng alak. Naging wild ang buhay ko sa labas ng school at dun ko nakilala ang mga babaeng di ko sinasadyang paglaruan. Si Ella, ang 1st girlfriend ko at si Kat ang second. Hindi naman sila nasaktan dahil simula pa lang ay alam ko ng naglalaro lang kami. Pero isang pagkakataon sa buhay ko na makilala ko siya, Si Camille Isip. Ang babaeng una kong minahal. Lahat binigay at ginawa ko sa kanya. Madami kaming napagdaanan at pinagsamahan. Masaya kong kasama siya at siya lang ang unang babaeng dinala ko sa bahay namin.

Nakilala ko siya sa isang kaibigan, nagtext kami at niligawan ko siya. Mabait siya, masipag, at mapagmahal sa magulang. Sa mga unang buwan ay pinakita niya ang mga ugali ng mabuting girlfriend. Pero habang tumatagal ay bumibigat ang mga kamay niya. Sabunot, sampal at suntok. Pero wala sa akin yun dahil alam kong lambing lang niya yon. Binibigay ko lahat ng kailangan niya. Pamasahe sa pag aapply ng trabaho, cellphone at load para lang hindi mawala ang contact namin. Pero di nagtagal, pati pamilya niya umabuso na maski panggastos sa ulam ay ako pa. Pero hindi ko inintindi iyon ngunit nagulat ako na isang beses na wala akong maibigay ay nagalit ang mama niya. Doon nagsimula ang kalbaryo ko kasama siya pero tiniis ko yon dahil mahal ko siya. Pero nung anniversary namin ay nagbago na siya, laging mainitin ang ulo at hindi na malambing. 13th monthsary namin noon, nakapunta ko kahit masama ang pakiramdam ko. Sa harap niya dumugo ang ilong ko pero hindi ko nakita ang pagiging concern niya. Ilang araw pa ay nagulat ako na  nakikipaghiwalay na siya. Tinanong ko kung bakit at sinagot niya na mayroonn na daw siyang ibang mahal. Masakit pero pinilit kong ayusin ang lahat, pero pati magulang niya nagalit sa akin. Dahil doon ay patago na lang kaming nagkikita hanggang sa tumagal ay nawala na. Isang araw ayy nakita ko sila ng bago niyang boyfriend, nasaktan ako ng sobra at nilabas ko lahat ng sama ng loob ko nung birthday ko. Bakit niya ako sinaktan, minahal ko siya ng sobra. Pero nalaman ko ang sagot.

Sinira ko ang buhay ko, nasa beerhouse ako gabi-gabi. Clan, iba't ibang babae kada linggo. Dalawang girlfriend ang pinagsasabay ko pero iniiwan ko din pagkatapos ng isang linggo. Pero di pa din ako masaya.

Hanggang sa isang araw, may babaeng dumating sa buhay ko, nagsimula na akong magbago, nagtrabaho na ako. Masaya ako sa panibagong buhay ko ngayon, maraming trabaho ang naghihintay sakin isang buwan lang muna akong magpapahinga at papasok na ako sa trabaho. At si Laila ang babaeng nagbago ng buhay ko, nagmamahal ng totoo sa akin. Ang bagong simula sa aking buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon