Gyera sa Zamboanga City ang aking Hometown (TRUE STORY)

191 2 2
                                    

Nagsimula ang gyera sa aming syudad noong ika-9 ng Setyembre 2013. Marami ang nagtataka kung papano nakapasok ang mga MNLF gayon lahat ng entrance and exit points ay “binabantayan” daw ng mga awtoridad. Paano sila nakapag-hostage ng 200 katao kung nasa iisang barangay lamang sila. Bakit isinantabi nila ang banta ni Chairman Misuari ng MNLF na sasakupin nila ang gaming siyudad. Ilang araw na paghihirap and dinanas ng mga tao dito lalo na ang mga evacuees na wala nang matirahan dahil sa sunud-sunod na pagsunog sa brgy. Sta. Catalina, Sta Barbara at Rio Hondo. Ano ba ang ginagawa ng ating National Government? Bakit lahat ng kanilang opensiba ay walang alam ang aming alkalde mayor.  Bakit ganun an gating Presidente, kapag ang Luzon nasalanta ng  bagyo, awtomatikong nagdedeklara agad ng “State of Calamity” samantalang sa aming syudad ay hindi man lang ito idineklara para magamit ang “Calamity Fund” ng aming syudad. Hindi man lahat ay nakaranas ng matinding bakbakan o malayo man ang ibang tao sa critical area pero para narin kaming hinostage dahil nagmistulang Ghost Town ang aming syudad. Ilang mga sibilyan na ba ang natatamaan ng mga ligaw na bala dahil sa Air Strike? Sino ba   talaga ang nagsusunog sa mga muslim area ng Zamboanga City? Imposibleng mga MNLF ang gagawa niyan sapagkat yun ang kanilang shelter tapos ang binibintang ng ating Pamahalaan ay ang mga MNLF ang nagsusunog. Mag-isipisip din po sana ang National Government. Karamihan ng mga Taga-Zamboanga City ay alam ang katotohanan. Hindi din po totoo ang sinasabi ni Mar Roxas na malayo sa aming syudad ang Rio Hondo dahil 300 to 400 meters away lang ito sa City Hall. Hindi lahat ng nasa balita ay totoo. Nasaan na ang mga pera na nagdonate para sa mga evacuees? Naibulsa niyo na ba? Ginawa niyo lang playground ang aming syudad at pinerahan. Mr. Mar Roxas, ibalik niyo po sa pamamahala at ang City Hall sa Mayor namin dahil mas may karapatan siya kesa sayo. Hindi po kami tanga at wag niyo pong hintayin na kami mismo magpapakarebelde para lang masindak kayo. Bumalik na kayo sa Luzon dahil sobra, sobra na ang pasakit ang ibinigay niyo sa amin. Maraming sibilyan, mga authority fighters ang nagbuwis buhay lalo na sa mga fresh graduate na mga military o army ang maaga namaalam dahil sa kapalpakan niyo. Galit na galit po kami mga Taga-Zamboanga dahil sa ginawa ninyo. Hindi pa ba sapat na inubos niyo at halos abo na lang ang naiwan sa mga nasunugan. Saan sila uuwi pagkatapos ng krisis na ito? Wala na silang bahay at mga gamit dahil sa inyo. Ibinulsa niyo na nga ang mga donations na binigay dito sa amin lalo na ang US nagdonate sila ng 22M para sa mga evacuees para kahit papano may tent at may mahihigaan sila tapos sasabihin niyo nagkautang pa an gaming syudad sa inyo ng 7M? Para ano? Para ibulsa ninyo ulit dahil bistado na kayo. Dahil pumalpak ang mga plano niyo? Akala ko “Crisis is Over”? Diba yun ang sinabi  ni P-Noy pero bakit may bakbakan parin? At dahil wala na kayo maisusunog sa Sta. Catalina at Sta. Barbara kaya naman sa Talon-Talon naman kayo nagsusunog. Ano ito lokohan? Tapos ano ang susunod? Tumigil na po kayo dahil sobra na ang ginagawa ninyo. Kung talagang “Crisis is Over” dapat wala nang putukan at sunog, akala ko ba wala na ang mga MNLF? Eh sino po ang kalaban ng mga military at sino po ang nagsusunog kung wala na ang mga MNLF. Iniisa-isa niyo ho ba ang aming syudad? Malaking pwerwisyo nap o kasi ito. Kung tutuusin kung hindi ka lang umepal Mr. Roxas hindi sana lalala ng ganito. Kaso puro kayo epal at ang gusto niyo lang pahabain ang show. Oh diba? Magaling na director si Mr. Roxas. Best Actor si PNP Malayo at ang producer walang iba kundi si President Aquino. Kung may balak ka pong tumakbo this Presidential Election Mr. Roxas we assure you na talo ka po dito. Wala kang kwenta. Halata naman na ayaw mo sa mga Muslim. Tsk.. Tsk… Tsk.. Ayos, ayos din at isip-isip din pag may time dahil HINDI PO TANGA ANG MGA TAGA ZAMBOANGA CITY!!!!

 (May video link po sa gilid para mapakinggan niyo po ang kanta at makita po ang beautiful sites ntg aming syudad lalong-lalo na ang City Hall at Fort Pilar Shrine kung saan katabi lang nito ang Riop Hondo)

Zamboanga Hermosa 

Zamboanga Hermosa, preciosa perlita

Orgullo de Mindanao

Tus bellas dalagas son las que hermosean

Tu deliciosa ciudad

Flores y amores que adornan tu jardin

Eres la imagen del bello eden;

Zamboanga hermosa, preciosa perlita

Orgullo de Mindanao

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Voice out ko lang kung ano ang nararamdaman ng mga kapwa kong Zamboangueńos dahil sobra nap o ang ginagawa nila. Halos sila na ang kumikilos. Wala nang ginawa ang aming Mayor at wala din siyang alam sa mga kilos ni Mar Roxas. Para saan pa at naging Mayor naming siya kung wala siyang say sa mga pinaggagawa ni Mar Roxas. Hindi po lahat ng nasa balita ay totoo lalo na yung pagsusunog po..

Gyera sa Zamboanga City ang aking Hometown (TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon