Chapter 1

31 3 0
                                        

Jenny's POV

Justine's calling...

And for the ninth time, I pressed reject. Kailan ba mapapagod kakatawag 'to. Manhid ba talaga siya? Hindi ba talaga niya nakikita na iniiwasan ko siya? Mga problema nga naman ng mga boys, kung kailan ini-ignore 'tsaka naman magpapapansin.

Phone beeps..

-
✉ Justine
Marga, sagotin mo naman mga tawag ko. Bakit di mo sinabi sakin? Alam ko na lahat, sinabi na sakin ni Janna. Nasa may park ako sa subdivision niyo. Di ako aalis kapag 'di ka pupunta dito.
-

After I've read his message, dali-dali akong nagbihis.

Baliw ba siya? Umuulan kaya ngayon. Nakoo! Kung di ko lang talaga siya mahal, hahayaan ko siyang matuyoan ng damit do'n.

---

"Girl! May laro sina Justine ngayun! Nood tayo!" sabay hatak ni Janna sakin papuntang gym.

"Ano ba Janna, di mo ba ako tatanungin kung gusto ko manood? Kung di lang talaga kita bestfriend sinapak na kita."

"Bakit pa ako magpapa alam, alam ko din namang gusto mo manood. Crush mo kaya si Just-" bago pa nya makompleto sasabihin niya, tinakpan ko na bibig niya.

"Janna! Tumahimik ka nga! Bunganga mo, baka may makarinig na varsity." sabay hatak pa upo sa kanya sa bleachers at tinanggal ko na kamay ko sa bunganga niya.

"Ano naman kung may makarinig? Edi okay na, di mo na kaylangang mag confess."

"Wala akong balak ipaalam sa kanya yun! 'Tsaka may girlfriend na siya."

"Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya. Okay lang yan sis, walang forever. Maghihiwalay din yan."

"Hi Janna! I'm Martin, yung kasabay mo sa pila sa canteen, remember? Can I ask your number? Kung pwede lang." ani ni Martin daw, nangangamoy playboy.

"Uy Martin, oo sige. Varsity ka din pala? By the way, this is Jenny, bestfriend ko." nakipag shake hands naman ako habang nagtitipa ng number si Janna sa phone ni Martin.

"Jenny, ang ganda mo." sabay halik sa likod na kamay ko.

"Martin! Tama na yang landi, magsisimula na tayo!" agad naman akong bumitaw no'ng narinig ko ang boses nya.

"Ano ba Justine, panira ka naman eh!" sigaw pabalik ni Martin. Binalik naman ni Janna ang phone niya. "Ah girls, maiwan ko na muna kayo ah? Maiinit na naman ang ulo ni Captain, hiwalay na kasi sila ng girlfriend niya. Janna, I'll text you later. Bye!" sabay takbo uli sa court.

"Tadhana nga naman! Sis, this is it! Wala ng hahadlang. Ano na?" irit ni Janna.

"Kahit na hiwalay na sila, wala parin akong balak. Hindi nga ako pinapansin niyan."

"Tiwala lang, mapapansin ka din no'n. Ayan! Nagsisimula na ang laro. Go Martin!" sigaw ni Janna.

Nanood na lang din ako at sinasabayan si Janna sa pag che-cheer. No'ng malapit na matapos ang game, lamang ang kabilang team ng 2 points. Hawak ni Justine ang bola nung nag last minute na, no'ng i sho-shoot na niya ang bola, hindi ko na mapigilang sumigaw.

"Go Justine! I love you! Kaya mo yan!" at huli na nang ma realise ko na napakalakas na sigaw ko. Napatingin naman sakin si Justine pagkatapos ishoot ang bola.

Oh my ghad! Ang gaga mo Jenny! Sabi ko sa sarili ko sabay hatak kay Janna palabas sa gym.

"Ahhhh girl! Ito na ang simula ng love life mo! Oh ghaaad!" tili ni Janna while niyuyugyug ako sa labas ng gym.

"Ano ba! Nakakahiya, tumahimik ka nga. Tinitingnan na tayo ng mga tao." saway ko sa kanya.

"Janna! Jenny! Wait up." sabi ng tumatakbong si Martin. Napansin kong may nakasunod sa kanyang likod.

Oh good God! Nandito siya!

Hahatakin ko na sana uli si Janna pero huli na, nasa harap na namin sila.

"Uy Martin, Congrats! Ang galing niyo." puri ni Janna.

"Hahaha thank you. Ang gagaling niyo kasi mag cheer kaya nanalo kami. By the way, Captain, sina Janna Chrizia at Jenny Margaret nga pala." pakilala ni Martin. Tumango naman si Justine samin at tumingin ng diritso sakin.

Oh lupa! Kainin mo na ako! Ngayon din!

"Hi Justine, ang galing mo kanina ah!" ani Janna.

"Hello, thank you!" sabi niya ng hindi pinuputol ang tingin sa akin.

Siniko naman ako ni Janna para magsalita ako.

"Uhm... Congrats Martin ang galing mo kanina!" sabi ko at tumingin muli kay Martin.

"Bakit si Martin lang? Naglaro din naman ako ah? Wala ba akong Congrats?" at tumingin ako muli kay Justine no'ng nagsalita siya.

"A-ah.. Uhm.. Co-congrats din Ju-justine."

Oh sht! Nanginginig ang boses ko!

"Thank you Marga! Ang cute mo!" sabay pinch sa right cheek ko.

Oh lupa! Lamunin mo na ako, ngayon din!

Shocks! Ang hahaba ng lashes niya, his thick brows, his pointed nose, his silver earrings in his right ear, and his perfect jaw. Wala bang kamalian ang mukha niya? He's so close to perfection!

"Ehem.. Ah Captain, alis na tayo. Nilalanggam na ako dito eh." nakangiting asong sabi ni Martin na nagpabalik saking senses.

"Ah oo, sige. Laters baby." sabay halik sa right cheek ko at tumango sa nakatulalang si Janna bago umalis.

"Err.. Janna, Let's go? Hinihintay na ako ng sundo ko."sabay kaway sa harap ng mukha niya.


"Yieeehhh! Laters baby daw. Diba yun yung famous line ni Christian Grey? Uyyy!" sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ano ba, tara na nga!" kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang ngiti ko at hinatak ko na si Janna sa parking lot.

"Bye Jennybells! Laters baby!" sabay beso sakin at pumunta na sa loob ng sasakyan nila.

Ilang minuto pa akong nakatulalang nakatayo sa labas ng kotse namin, siguro kung di lang ako tinawag ng driver namin di pa ako makakabalik sa katinuan ko.

---

Phone beeps..

-
✉ Unknown Number
Hi Marga! Thank you nga pala sa pag cheer kanina, ang galing mo kaya nashoot yung bola.
©Justine
-

Oh shocks! Is this real?

-
✉ Jenny
Justine? Pa'no mo nalaman ang number ko? Anyways, welcome. Although I just accidentally voice it out, and I'm sorry for what I've said.
-

-
✉ Justine
Nanghingi ako kay Janna. Ano kaba, it's okay. I don't mind. Sige na matulog kana. Sleep tight baby! See you when I see you.
-

Anong sleep tight? Sa tingin niya makakatulog talaga ako ng mahimbing matapos ang ginawa niya sakin?

Ilang minuto parin akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko matapos basahin ng paulit ulit ang convo namin. And slowly I fell asleep.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Merong TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon