Somebody's POV:
"Nagawa ko na ang pinagagawa mo, Mahal na reyna."
"Mabuti. Maganda nang sang ayon ang lahat sa plano."
"Anong susunod na hakbang, mahal na reyna?"
........
Selina's POV:
"WAAAAAAAAAAHHHHH"
Pagpasok ko sa kwarto ko, Ang gulo. Ang gulo gulo ng mga gamit ko! Parang dinaaanan ng bagyo! Anong nangyari dito????
"Selina? Anong nangyari?!"
"Ma! Anong nangyari sa kwarto ko? Bat ang gulo gulo?"
"Hindi ko alam. Tingnan mo ang mga gamit mo, Baka may nawala"
Agad kong niligpit ang mga gamit ko sa kwarto , Mabuti naman at walang nawala.
"Wala naman po ma."
"Sige. Papaakyatin ko nalang si Manang para linisin ang kwarto mo."
"Sige po."
Lumabas na si mama, Pumasok na ko sa CR .
Habang naliligo, may narinig akong bumukas ng pinto sa kwarto..
"Manang? Ikaw ba yan?"
......
"Manang????"
Bat walang sumasagot? Hayy! Si Manang talaga -.- Nakapasak na naman siguro ang earphone nya!
Pinatay ko na ang shower, Hala, Nakalimutan ko kumuha ng twalya!
"Manang! Paabot naman ng twalya oh!"Maya-maya lang may nag-abot na sakin ng twalya..
Teka?! Bat parang ang haba naman ng kuko ni manang? Kulay pula pa ang cutics..
Saktong paglabas ko sa CR nang biglang pumasok si manang...
"Oh manang? Salamat sa pag-abot ng twalya ha."
"Kakaakyat ko lang silen."
"Ha? Eh inabot mo pa nga po yung twalya ko eh. Ang haba pa ng kuko mo manang ah! Kulay pula pa! Hahaha."
Napatingin sakin si manang..
"Pinagsasabi mong bata ka?!"
Pinakita nya yung kuko nya..
H-hindi mahaba ang kuko nya! Wala ding cutics na nakalagay!
"M-ma-manang naman eh!"
"kaka akyat ko nga iha. "
Eh sino yung pumasok sa kwarto ko?! Si-sino yung nag abot sakin ng twalya?! Kinilabutan ako bigla sa malamig na hangin na dumampi sa mga balikat ko...
--
Marc's POV
Pagbaba ko palang sa eroplano, Damang dama ko na ang hangin ng pilipinas! POLLUTED PADIN! Hahaha. Namiss ko tong pilipinas.
3 years din ako sa America. Hays. Namimiss ko na ang mga tropa ko.
Sumakay na ko sa taxi paglabas ko ng airport..
Habang nasa byahe, andami kong nakikitang mga bagong tayo na gusali.. Mga malls na dati eh wala pa.
Mga 2hrs na byahe, Nakarating din kami sa bahay namin..
Pagpasok ko palang sa bahay , sinalubong na ko ng lil'sister ko.
"Kuyaaaaaaa! Namiss kita!"
Sabay takbo sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"HAHAHA. Imissyou baboy ^^"
"Hay nakoooo kuyaaa naman eeeee! "
"Hahaha. Joke lang baby sis. Namiss ka ni kuya :) "
"May chocolate ako kuya?"
"Oo naman ! Ikaw paa!"
"Hhaha. Iloveyou kuya! Namiss talaga kita :)"
Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Namiss ko tong kama ko. :D Ganung ayos padin simula ng umalis ako..
Kinuha ko ang picture frame nasa study table ko.. Nandun ang picture namin ng babaeng pinakamamahal ko...
"Magkikita nadin tayo ngayon :) Namiss kita prinsesa ko."
---
Selina's POV
Nandito ako ngayon sa mall, nainip ako bigla kaya naisipan kong mag shopping..
Pumasok ako sa isang botique.. Nagtitingin-tingin ako ng mga damit ng mapatingin ako sa babaeng nasa may shoes section....
K-kamukhang- kamukha sya! Nilapitan ko sya ngunit tumakbo sya palabas.
"Missss!"
Hinabol ko sya hanggang sa labas ng mall.
Sumakay agad sya ng taxi at hindi ko na naabutan..
SINO SYA? SINO ANG BABAENG YUN?
--Irish POV
Dialing..... Bes'Selina..
"Hello bes!"
"Hello din . Bakit bes?"
"Umuwi na si kuya bes!'"
"OMG! Seriously?!"
"Oo bes! "
"Pupunta ako dyan!"
*toot toot*
Hinintay ko na dumating si Selina! For sure, namiss nya ng sobra si Kuya Marc! Magkakababata kasi kaming apat. Yes, May isa pa----
"BESSSSSSSS!!"
Sigaw ni Selina pagpasok nya sa bahay! Juskoo. Ingay talaga ng babaeng to!
"Bes!"
Nagbeso-beso kami.
"Where's your kuya?"
"Sa kwarto nya."
Agad namang umakyat sa kwarto si Selina. At pumasok ng walang katok katok..
--Selina's POV
Pumasok ako sa kwarto ni Kuya Marc..
"KUYAAAAAAAAA!"
Agad ko syang sinugod sa kama nya kung saan sya nakahiga..
"My gad Selina! Ginulat mo ko!"
"Hahahaha. Imissyou kuya"
"Sows. -.-"
"Hahaha. Pengeng choklet?"
"Sure."
Namiss ko talaga to si kuya :)
*phone ringgsss*
"Kuya, may tumatawag sayo."
Kinuha nya ang cellphone nya at natigilan ng mabasa ang caller...
--
A/N:
Ngayon lang nag update. Maiksi pa -.- Sorry po! Sabaw na sabaw yung utak ko ngayon. HAHAHAHA :D
BINABASA MO ANG
The Girl Behind The Mask (Love Vs. Dark Secret)
Mystery / ThrillerA cheerful girl that has a secret. AN EVIL ONE. Her secret was revealed on her 18TH BLOODY BIRTHDAY.