11:11

310 38 15
                                    

"45, 46, 47, 48, 49... Ugh!" Zon counted as I watched him doing push-ups.

"50!!! Finished!!!" he exclaimed as he stood up.

"Sigh!" napahalumbaba na lang ako sa kakapanood sa kanya.

"Grabe Tiff, ang gwapo niya talaga ano?" si ni Gione, yung praning kong best firend.

Nasa gym kasi kami ngayon. Katatapos lang ng klase namin.

"Oo nga Gee. Sigh! Kailan ko kaya siya magiging ka-close?" I replied.

"Lapitan mo na kasi!" pangungulit ni Gione sa kin.

"Eeee... nakakahiya noh! Baka naman kasi sabihin niya napaka-socialite ko naman masyado." depensa ko.

"Grabe ka naman. Baka naman hindi..." she replied.

"Uy! Dali! Tingin sa libro! Baka pag hinalaan tayo dito!" I quickly uttered sabay baling ang tingin sa textbook na hawak-hawak ko.

Nagdala kami pareho ni Gione ng textbook para naman may palusot kami kung sakaling tanungin kami kung bakit kami dito natambay. And we would answer like this: Nag-rereview. Mas peaceful kasi dito e.

O diba?! Lusot! Pero ang totoo, lagi kaming nandito kasi lagi dito nagpapa-practice yung team ni Zon, our ultimate crush ni Gione pero ni isa samin di siya ka-close.

Kasali kasi si Zon sa basketball team ng aming school and itong gym na to ang nagsisilbing practice grounds nila. That's why nandito kami para pagmasdan siya. Ang gwapo gwapo niya kasi! As in gwapo to the highest nth level!!!

Ang gaga ko naman. Kung anu-ano na ang pinagsasasabi ko dito pero di ko man lang pala na-introduce ang sarili ko. Eeeee... ang gwapo kasi ni Zon e! He's my distraction!

Okay... *ehem*

My name is Tiffany Apple Gomez. 4th Year High School. 16 years old at maraming crush pero ni isa sa mga yun e di ko malapit-lapitan, eslecially Zon.

"Okay, team. Next week na ang finals natin kaya maghanda na kayo para sa game na yon." si ng kanilang coach na si Coach Miggs. Ewan ko nga kung bakit siya pa ang ginawang coach ng basketball team namin, e mas magaling pa si Zon sa kanila noh!

And then nag-hand in sila pareho pareho o kung ano man ang tawag dun. Ang hirap kasi mag-isip kapag pinapanood mo si crush.

"GOOOOO... BUCHAMAN CAVALIERS!!!" sabay-sabay nilang sigawan and they are off to another practice.

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

Nasa bahay na ako ngayon. Checking my Facebook status as always. Wala naman kaming assignments or quizzes kaya okay lang na mag-internet ako buong maghapon.

Ka-chat ko ngayon si Gione.

➡Me
"Grabe talaga! Ang gwapo talaga ni Zon ano?!"

➡Gee
"Hahahaha. Tiff, you've said that earlier already."

➡Me
"I did?"

➡Gee
"Yah. Mga... pang-labing-walong beses na yata. 😂😂😂"

➡Me
"Ay, grabe ka naman sakin Gee."

➡Gee
"E totoo naman e..."

➡Me
"Eeeeeee... di ko kasi maalis yung gwapo niyang mukha sa ulo ko e. Para bang lagi siyang nagpo-pop-out ng paulit-ulit!"

11:11 [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon