Siguro, isa sa mga pinakamahirap na pag subok sa pag ibig ay yung di mo alam kung sinusubukan ka ba nya kung hanggang saan mo pa ba kaya o kung pinaparamdam ba nya na kailangan mo na bumitaw..
Mahirap isipin kung paano o saang parte ba ng relasyon nyo ikaw nagkamali para iparamdam ng taong mahal mo ang mga ganyangu pakiramdam sayo.
Alam ko, masakit. Pakiramdam mo taken for granted yung feelings mo para sa kanya.
Pero kailan ka nga ba dapat bumitaw? Nasasaktan ka, nahihirapan ka, umiiyak ka, ikaw nag hahabol, ikaw nag bababa ng pride lagi at higit sa lahat, pakiramdam mo ikaw lang ang nag mamahal. And yet ayaw mo pa rin sya i-let go?
Bakit, ano ba inaantay mo? Ano ba ikinakatakot mo?
Hanggang kailan mo kayng tiisin na ganyan ka lagi? Hanggang kailan mo kayang madurog ang puso mo?
Minsan, mahalin mo naman sarili mo. Alam mo, hindi naman tungkol sa pagiging makasarili ang mahalin ang sarili e. Minsan, kailangan mong i-let go ang mga bagay/tao na hindi nakakapansin ng worth mo.
Kung gaano ka katapang ipaglaban ang relasyon nyo sa kabila ng mga masasakit na dinanas mo, maging matapang ka din na bitawan ang mga bagay na nakakasakit sayo.
Kasi bandang huli, may ibang tao namang makakapansin ng halaga mo at hinding hindi sasayangin ang pag mamahal mo.