Prologue

60 2 1
                                    

"Hindi ko kaya Geoff, w-wala, wala akong maintindihan." Tinalikuran ni Cass si Geoff habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.  

"Cass, please believe me... kahit ngayon lang, kailangan mong magtiwala sa akin" pilit na hinarap Geoff si Cass sa kanya. May karapatan man siyang malaman ang lahat, pero ayaw niya itong masaktan. Humarap siya nito 

"paano ako magtitiwala Geoff, kung hindi ko alam ang lahat, please sabihin mo." 

"Gusto ko mang sabihin sayo Cass, pero hindi pa ito ang tamang panahon... ayaw kitang masaktan" 

"Pero Geoff, nasasaktan na ako" Biglang may namataan si Geoff mula sa likod ni Cass. Si Krista, ang babaeng obsessed sa kanya, ang puno't dulo ng lahat ng kanilang pinagdadaanan. May dala tong baril at nakatututok kay Cass. 

"CASS!!!" naging maagap si Geoff at naitulak niya si Cas upang maprotektahan ito, subalit sa kanya tumama ang baril. 

"Geoff, NOOOOO!!!!----" at biglang dumilim ang paligid.  

"WAAAAHHH!!! Kainis... Ba't mo pinatay yung T.V... Kita mong nanunood yung tao" 

Kainis kasi eh, ayun na eh, malapit na sana... mapapatili na sana ako eh, kung di ba naman patayin ng hinayupak na to yung T.V.... 

Alam niyo yung feeling, yung sobrang natatae na kayo tapos ke-haba-haba ng pila papuntang c.r, yung talagang sasabog na. At nung turn mo na, nakakainis lang, utot lang pala. Diba nakakainis? Kasi yun ang nararamdaman ko. BITIN!! T__T 

pasintabi po sa kumakain, adik yung author, PAGTATAE pa talaga ang ginawang synonym sa nararamdaman ko. ABNORMAL!! XD 

"WAAAAHHH!!! Ba't nabaril si Geoff, huhuhu" tiningnan ko ng masama ang lalaking dahilan ng pagpapaka-hysterical ko dito "HOY, LALAKING may menopause, bakit mo pinatay yung T.V?? Kita mo ngang nanunood yung tao... ARRGGHH " 

Pero yung response niya? Tinaasan lang ako ng Kilay!!! Taray.. 

"Bakit tao ka ba?" at talagang sumasagot pa.... nanlait pa.. 

"Ibalik mo bilis!!!" pilit kong inagaw sa kanya yung remote control. Pero dahil sa matangkad siya at si Ako ay hamak na pandak lamang.... Di keri ng height ko teh... 

"Ibalik mo sabi!!" 

"Hoy, hoy, hoy babae, kung makautos ka kala mo ikaw yung amo... remind ko lang sayo hah at nang mahiya naman yang balat mo, ako yung amo dito at ikaw, CONDOKEEPER ka lang. Hiyang-hiya naman ako sayo noh. " 

Ay oo nga noh... hehehehehe..... 

Pero kahit na.... paano na si Geoff T__T, Hindi makatarungan to. 

"eh bakit mo kasi pinatay, gusto mo ikaw yung patayin ko?" 

"Gusto mong mawalan ng trabaho? Maglinis ka na nga" 

"Etoh naman di na mabiro, oo na maglilinis na." Tumalikod na siya papuntang kwarto niya. Habang nakatalikod siya, nagform yung hands ko na parang may kutsilyo kamay ko at parang sinasaksak siya habang nakatalikod.

"ang sarap mong saksakin.." pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka Miss Shane?"

"ah.. eh.. wala sir Migs!!" and i give my sweetest fake smile.."sabi ko sir matulog na po kayo.." itinulak ko siya papuntang roon nya.

"Good night sir!!!!" then pumasok na siya sa room niya. "bangungutin ka sana..." bulong ko.

Arrrghhh, kung di lang kita amo, naku!!!! 

I really hate you MARK MIGUEL ALVAREZ.!!!!!!!!!!!

My Quirky ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon