Nagmamadali ako ngayon. Malalate na kasi ako sa klase namin, may reporting pa naman kami.
Pumara agad ako ng jeep. Nagulat ako at isang lalaki na nakahoodie lang ang nakasakay dito.
Hindi ko makita ang mukha niya. Kasi nakayuko siya at natatakpan ito ng buhok niya.
Hindi ko na lang siya pinansin. Ang inaalala ko ang pagkalate ko.
Napalingon ako sa kanya. Nakita kong may pumatak na luha galing sa kanya. Umiiyak siya?
(Author: Ay hindi. Haha joke!!)
Naawa naman ako at kinalkal ko ang bag ko at kinuha ang chocolate at dali dali kong inabot ang chocolate sa kanya dahil bababa na ako. Nasa plastic pa siya. Ibibigay ko dapat kay James yun. Crush ko :') Nagulat siya at biglang tumango. Nakashades siya kaya di ko masyado mamukhaan.
"Eto oh, kainin mo. Sabi nila, pampagaan daw yan ng loob. Wag ka ng umiyak. :)"
Kinuha niya iyon at bumaba na ako.
Sino kaya yun?
Nasa school na ko. Tumatakbo ako ngayon. Waaah shet sana makaabot pa ko!!!! >.<
Nakita kong may nagkukumpulan sa harap ng room namin. Nakipagsiksikan ako. At nagulat ako kung sino ang pinagkakaguluhan nila.....
YUNG CRUSH KO.
OMYGAD. SHET!!!! BA'T SIYA ANJAN? OMG!!!!! HINIHINTAY NIYA BA KO?! ANG HAGGARD KO NGAYON :3 Okay feeler haha!!
"Nasan po si Jennica Diaz?" -Siya
WTF?! TINGINAN SILA LAHAT SAKIN. OMYGALLY. AT NAPATINGIN SIYA SAKIN.
"B-bakit? A-anong p-problema?" -Ako
Nararamdaman kong umiinit na ang pisngi ko. Teka lang, naapakan na ang buhok ko. Haba ng hair ko~ Chos!! ^o^
"Ako yung binigyan mo ng chocolate kanina. At nakita kong may nakalagay na letter dun. At nakalagay na
GUSTO KITA JAMES."
AY SHET! HINDI KO NAMALAYAN NA ANDUN PA YUNG LETTER. SHEMAY. AT WAIT
SIYA YUN?! O_O
"AYIEEEEEE~!"
"Alam mo Jennica, gusto din kita. Matagal na. Hehe..."
Lumuhod siya at sabay sabing
"Will you be my girlfriend?"
At syempre, ano pa bang isasagot ko? Syempre OO!
"Yes!"
Bigla niya kong yinakap sa tuwa..
Nakakatuwang isipin na dahil sa CHOCOLATE ay naging kami.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Hello po. Thankyou sa mga nagbasa. XD Gawa gawa ko lang. Ang panget >_< Wala akong maisip eh. Follow and vote ;)