Ganun Talaga

41 0 0
                                    

"Ganun Talaga"

*SA ISANG CAFÉ

"Hay, ano be nemen te. Nakakabuwiset naman tong laptop na to! Lagi nalang lowbat! Ugh! Langya!" Sabi ng isang babae sa kanyang sarili habang kinakamot nito ang kanyang ulo.

"Uy okay lang! Sa next ko nalang hiramin yang laptop mo. Phone ko nalang gamitin ko." Sabi naman ng kasama niya.

"Ang ingay naman nitong mga babaeng to. Psh." Bulong ko sa sarili ko.

Ang buong akala ko ay di niya ito maririnig kasi ang mesa nito ay nasa kabilang banda ng café ngunit mali ang aking inakala. Bigla niya sinarado ang kanyang laptop, tumayo, at nagsimulang maglakad. Laking gulat ko nung bigla akong nilapitan nito.

"Um, excuse me..." Sabi niya.

"Yes?" Sagot ko.

"Pasensya talaga kung masyado akong maingay... Nakakainis lang kasi talaga ang laptop ko." Ulat niya at biglang yumuko.

"Pasensya na po talaga." Inulit niya habang nararamdaman ko ang titig sa'min ng kanyang kasama na para bang siya rin ay nagulat.

"Ah... Eh.. Okay lang.." Sabi ko habang pinapatayo siya.

"Talaga? Ah sige, thank you!" Sagot niya nang nakangiti at bumalik sa kanyang kasama.

"Ang weird naman ng babaeng yun." Sabi ng babaeng nakaupo sa tabi ko. Carmel ang pangalan nito, siguro.

"Yun na nga eh. Did you see her face? Like, ew! Buti naman at nahiya siya sa pagyawyaw niya. *blah blah blah." sabi naman ng isa pang babae na nasa kanan ko. sa tingin ko eh, Mars ang pangalan nito.

Aba, malay ko ba sa mga pangalan nito. Sa dinami-dami ko kasing babae eh, nakakalimutan ko na ang mga pangalan nito. Pero tama naman ang sinabi nitong dalawang to, ang weird nga ng babaeng yun. Sobrang nakakaiba ang ginawa nitong pagyuko at paghingi ng paumanhin. Ang itsura niya rin..... Nakakaiba.

Pinagmamasdan ko lang ang babaeng humingi sakin ng tawad habang nagtatawanan naman ang dalawang babaeng nasa tabi ko. Masyadong nakakaiba ang itsura nitong babaeng to ah... Naka-jacket siya na sobrang laki, naka-shorts na parang pambahay lamang. Ang buhok niya naman ay naka-sideways braid. Nakasalamin ito at mukhang nerd siya sa dating niyang yun. Di naman siya maganda pero bakit parang di ko yata maalis-alis ang titig ko sakanya?

Ang kasama niya naman ay panay parin ang pagtitig sa'kin. Nakasuot ito ng pink floral top, leggings, vans, at naka-lugay lamang ang buhok nito. Ang katawan niya naman at para bang pwede na pang model, at ganun rin ang kutis niya, gayunpaman, nandoon parin sa isa ang atensyon ko.

*Ping! *Ping!

Biglang naalis ang titig ko sa babaeng yun nang tumunog ang cellphone ko. "ONE NEW MESSAGE: Online Chick"

"Sino ba yan? Parang lagi ka nalang ata may kausap sa text ah." Ulat ni Mars.

"It's none of your business." Malamig kong sagot.

Wala nang naisagot si Mars kaya natahimik nalang ito.

"Uh, oh sige sige. Una nalang siguro kami. Halika na, Mars! Let's go na. We're late na for our spa session." Ulat ni Carmel habang tumatayo.

"Eh.. Ah, oo pala!" Naa-alinlangang sagot ni Mars.

"Seeya Chris! Call us when you get bored again! Wag kang tumawag ng ibang girls ah, kame lang. Ahihihi." Sabi ni Carmel habang hinalikan ako sa pisngi, sinunod naman ito ni Mars.

"Bye, Chris!" Sigaw ng dalawa habang paalis ng café.

"Hay, di ko na yun sila tatawagin ulit. Nakakabuwiset. Puros tsismis ang bukambibig. Psh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ganun TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon