Million Words

5 0 0
                                    



One-Shot Story :D

Plagiarism is a crime.

***

[ Third Person's POV ]

Nakatayo si Zac sa malayo habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang babae. Gustung-gusto niya ng lumapit at yakapin ang babae pero hindi niya magawa dahil alam niyang wala na siyang karapatan pa.

Okay na sana ang pag-eemote niya kaya lang may biglang nambatok ng pagkalakas-lakas sa kaniya na naging dahilan ng pagkagulat niya, "Huy! Anong tinutunganga mo nanaman dyan? Mukha ka ng stalker na tanga." Sigaw sa kaniya ni Aaron.

"Aray naman!" Sigaw pabalik sa kaniya ni Zac, "Masakit ah!"

Tumawa naman si Aaron habang nakahawak pa sa tiyan niya, "But wait, seriously dude? You look like retarded dog." Natatawang pang sambit nito.

Pinanliitan na lamang ng mata ni Zac ang kaniyang bestfriend at tinignan muli si Sophie.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong ni Aaron at tiningnan din ang tinitingnan ng kaniyang bestfriend, "Ah! Si Sophie ba yun?"

Siniko naman siya ni Zac, "Ano ka ba! Wag ka ngang maingay. Shh." Naiiritang sambit nito.

"Bakit naman? Anong meron?"

"Basta! Wag kang maingay. Tsk."

From the looks of it, alam na agad ni Aaron ang problema ng kaniyang bestfriend.

Tumawa lang si Aaron at inakbayan ang kaniyang kaibigan, "Alam mo bes, wag ka ngang tanga." He blurted out.

Sinapak naman siya ni Zac, "Bwisit ka! Anong tanga? Ikaw nga ang tanga dyan e."

"Let's face it, isang buwan na kayong wala. wag kang tanga. Madaming babae dyan."

"E kasi.. bro, mahal ko pa e. Anong magagawa ko?"

"Hay. Kung bakit ba naman hinayaan mong makipagbreak sayo yang si Sophie." Iling sa sagot sa kaniya ni Aaron.

"Kasi bro, yun ang hiningi niya. Nung una, mag-cool off muna. Bakit daw? Kasi busy. Hindi na daw kami nagkakaron ng time sa isa't-isa. And her father talked to me. He told me to stay away from her daughter because she's getting married and they love each other. Hindi ako pumayag. Lumaban pa rin ako. Pero kasi ang sakit na si Sophie mismo, sumuko. And It hurts for me to know that plus the fact the i've seen her with that jerk." Naguguluhang sagot ni Zac.

"Pero ang totoo, pinagkasundo lang sila ng mga magulang niya at magulang nung lalaki. Because of their business. At kahit ayaw ni Sophie, wala siyang magawa. Tama ba?" Dugtong naman ni Aaron sa sinasabi ni Zac.

Bumuntong hininga at tumango naman si Zac.

"Pero dapak. Nasa 21st century na tayo tapos may mga arranged marriage pa? Like, seriously? Sino nagpauso nun?" Inis pa na dagdag ni Aaron,

"Pero ayaw niya kasing masaktan ka, Zac, kaya siguro pinalabas niya na may iba na. Pero what kind of reason is that? That's not enough. Alam mo, parehas kayong may mali e."

Nagtatakang tiningnan naman ni Zac ang kaniyang kaibigan.

"Kasi, parehas kayong hindi lumaban. Bumitaw kayo. Parehas kayo. Kasi, parehas kayong tanga." Seryosong saad ni Aaron.

Nanlumo naman si Zac sa sinabi ng kaniyang kaibigan, "If I could only turn back the time, but I can't. Too late."

Inakbayan naman ni Aaron ang kaniyang kaibigan at ngumiti ng pagkalaki-laki, "It's not too late yet. You want to win her back?"

Million Words Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon