Natasha's POV
"Gumising kana Natasha, baka malate ka pa sa unang araw mo sa college!" Sabi ng nanay ko habang nasa kama pa ako na nakapikit at antok na atok.
"Mamaya na nay! Ang aga-age pa eh. 3 more minutes please!" Sabi ko. Sino ba naman ang hindi aantukin? Eh ang aga aga pa. 3:33 pa nga ng umaga.
"Mahal ang bayad sa tuition mo kaya wag kang tamad! bumangon kana dyan at maligo! first day mo pa lang ng college!" Sabi sakin ng napakaingay kong nanay.
First day of college... *sigh*
Hays. Unang pasukan sa college. Kinakabahan ako na may halong excitement. Sabi nga daw nila, napakaganda pag naging dalaga kana. Mas lalaki daw yung circle of friends mo at mas madami kang makikita at makikilalang mga gwapong boys!
"Sige na nay, maliligo na po ako." Pumunta agad ako sa cr at naligo. Sa sobrang bilis ko parang wisik wisik nalang ang ginawa ko. Nagbihis na rin ako sabay kuha sa bag at pumunta sa dining room.
"Oh, Tapos kana pala. Halika na at kumain ng makaalis kana anak." Sabi niya sa akin.
Sarap ng ulam. Kuha agad ako ng manok sabay subo ng kanin. Ang sarap talaga magluto ng inay ko kaya mahal na mahal ko to eh. Mag paturo kaya ako? Wag na, baka masunog ko pa itong bahay namin.
"Nay, aalis na po ako"
"Teka lang, nak"
"Ano po iyon nay?"
"Kiss mo muna ako"
"Nay naman eh! Hindi na ako bata, dalaga na po ako!" Sabi ko sakanya. Umalis na agad ako baka ma late pa ako. Napakakulit pa naman ni nanay.
Papunta na ako sa paaralan namin. Syempre sakay muna ng kotse. Oo, may sarili akong kotse. Yayamanin eh. Nang makarating na ako, bumili muna ako ng Ice cream sa labas. Malayo layo pa naman pala ang oras.
Vanila flavor.. hmm..
Papunta na ako sa classroom ko ng biglang...
Shit.
Nahulog yung ice cream ko!
I'm not gonna forgive anyone who messes up with me and with my Ice cream. Tsk.
Lumingon ako sa likuran ako at parang pamilyar sakin yung mukha niya.
Wait...
"Is that you Liam!?" Sabi ko sakanya na pasigaw. Sobrang gulat ko ng makita ko siya dito.