Caitlin Carver as Narliel Menchavez
Chapter 11- The Burning
Paupy's POV
2nd week of May, 12 days na simula nung nagbreak sila Babe at Jameson.
12 days? Parang yung dare namin sa kanya, 12 days lang den.
Sana katulad dati, 12 days lang nainlove na si Babe, sana ngayon 12 days lang nakamove on na sya.
Pero hindi eh, after freaking 12 days hindi pa ren kami umuuwi.
Kinausap ko na lang yung mommy nya na sinasamahan lang ako ni Babe.
Ngayong araw luluwas si Narliel, so syempre sa Monteverde Airlines sya bababa.
At kanina ko pa pinipilit na sumama si Babe.
"You've inside this freaking condo for like 12 days! Give it a break!" Sigaw ko sa kanya. Nasa loob sya ng kwarto ko eh, kinulong sarili nya.
Masama na ito, hindi ko na naa-unleash ang hyperness ko.
Tatanda na ako ng maaga.
"NO! JUST FCKING GO IF YOU WANT! DON'T BRING ME THERE!" Bumalik na sya in an instant sa 'I don't give a damn to other people' at sa ugali nyang 'I don't answer to anyone'.
Bumalik na sya sa walang pake na tao na kahit sarili nya, pinapabayaan na nya.
For almost 2 weeks, puro sya beer, yes beer, lupet no? Hindi na sya kumakain masyado, puro sya liquor.
Ako yung nahihirapan kase ayoko nang ganto. Ayoko ng ganto sya.
Ako kase yung nasasaktan.
"Babe, please, napapagod na ako. Parangawa mo na sumama ka na kase." Maiiyak na ako, parehas kase kami ni Babe na ayaw ng rejection eh.
Lumabas sya sa kwarto, nagindian sit sya sa tabi ko.
"Then leave me alone then, kung pagod ka na saken, wala akong pake. You can leave me, door's open. Rerentahan ko na lang 'tong condo mo." Sabi nya.
Eto yung ayaw ko eh, yung ugali nyang, "I'm superior and you are not."
"Tngin* napapagod na ako oo, pero hindi kita iiwan sa ere okay? Ngayon kung gusto mong magstay dito, sumunod ka saken! Kase alam mo namang nahawa ako kay Narliel na may pagkagag*, kapag napikon ako pupunta ako sa tatay mo para sya mismo pumunta dito para kuhanin ka. Ngayon, sasama ka o hindi?" Sabi ko.
Nabigla ata sya.
***
Monteverde Airlines
Kasama ko si babe, malapit na yung private plane nina Narliel. Yes, private plane, bongga no?
Nakaupo si babe nakatulala lang sya, sinundan ko ng tingin yung tinitignan nya.
Isang magbogfriend na nagyayakapan, aalis yata yung boyfriend nya.
"Ganyan dapat kami nung isang araw, kung hindi lang sya nangloko." Sabi nya at yumuko. Hinigpitan nya yung hawak nyang cartolina.
Sabi kase ni Narliel, dapat daw may hawak kaming bonggang sign na nakalagay yung pangalan nya.
"I'm getting help." Sabi ko sa kanya at ngumiti, yumuko lang sya.
BINABASA MO ANG
Operation: Heart Retrieving
Teen Fiction*****Contract of Agreement***** Broken hearted? Seeking for attention? Gusto mo ba ng TLC as in Tender Loving Care? O baka naman, bored ka lang at gusto mo ng panlibangan? Well then, let's go to the place where broken hearts go! Rules of regulations...