EPISODE 13

21 2 0
                                    

Jill's Pov

Aish.. Anggulo talaga nang lalaking yun.. Minsan babait. Tapos mamaya maya magsusungit.. Yung totoo?! Ano ba talagang problema nya?

Asar naman kasi eh.

Sa lahat nang pwede kong mahalin bakit sya pa?! Bukod sa pagiging bipolar nito. Hindi ko pa naman sya lubos na kilala ah

Kaya bakit sakanya ako nagkagusto?? Hay baliw na ata ako >.<*

Kagaya ngayon. Hindi nanaman sya pumasok.. Pero heto ako. Umaasang baka late lang..

Wala pa naman kaming teacher eh

Pero shit lang talaga eh

"Huy.. Baka mabalian ka ng buto sa leeg" nang aasar na suway ni kristine

Letse talaga tong babaeng to eh

Sinimangutan ko siya.. Pero tinawanan lang nya ako

Actually natatawa ako sa paraan ng pagtawa nya.. Silent kasi ito.. Tapos sumasabay pa yung kamay at paa nya na parang nagdridribble hahahaha XD

"Anong nakakatawa?" tanong nya saakin

Tapos na pala sya haha

"Ikaw" natatawang sagot ko

Sya naman ang sumimangot saakin.. At ako naman ang tumawa sakanya

"Psst si michael oh" bulong nito saakin.. Kaya agad akong napatayong lumingon at tinignan ang pintuan

Tsaka ko narinig na humagalpak ng tawa si kristine..

Niloko nya ako -_-

Umupo nalang ulit ako ng nakabusangot

"Hahaha epic yang reaction mo" tawa nito

"Heh! Manahimik kang tigre ka" simangot ko sakanya

Nakakaasar.. Kitang nababaliw na yung tao eh

"Hehe uyy sorry na.. Teka jill.. Si mike oh" turo nya sa pintuan

Hindi ko na sya pinansin

"Seryoso na jill.. Pumasok talaga si benjamin" pilit nito

Bahala sya sa buhay nya.. Hindi na ako maniniwala

Dumukdok nalang ako sa lamesahan ko

"Lyndon!! Psst.. Palapitin mo nga yang katabi mo dito" narinig ko pang utos ni kristine kila lyndon

May mga narinig naman akong lumapit.. Nasa likod ko ito

"Bakit?" nagtatakang tanong nung lumapit

Parang pamilyar yung boses nya. Pero hindi ko pa rin sila nilingon

"Bat ka late?" striktang tanong ni kristine

Tss.. Siguradong pinagtritripan nya na ang kausap nya.. Kawawa naman

"Nalate akong nagising eh" parang nahihiyang sagot nito

Hula ko nagkakamot na yan sa batok

"Ahh ok.. Nga pala pwede kausapin mo muna to.. Bibili lang ako ng boypren-- I mean ballpen" utos at biro ni kristine

Hindi ata bumenta joke nya.. Wala akong narinig na tawa eh

"Ahh sure.." Payag lang nung kausap nya

Naramdaman kong umalis na si kristine at umupo naman sa upuan nya yung kausap nito kanina

"Ang galing mong matulog ah" sabi nung kausap ni kristine kanina

The story of our life (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon