Prologue

3 1 0
                                    

Nazumi POV

"Hay! gabi na pala, hindi ko man lang na malayan yong oras." Nag-inat-inat ako ng katawan dahil 2 hours na rin pala kong nakaupo.

"Ma'am pauwi na po ba kayo?" Tanong ni manong guard habang nakadungaw iti sa bintana.

"Ah opo manong di ko po kasi na malayan yong oras gabi na pala."

"Sige po Ma'am antayin ko na lang po kayong lumabas bago ko isarado yong gate."

"Sige po manong, aayosin ko lang po tong mga gamit ko." Pagkaalis nong guard ay nagsimula na kong magligpit ng mga gamit at mag ayos ng sarili after 15 minutes ay lumabas na ko ng classroom, isinarado ito at ini-lock. Palabas na ko ng gate ng makita ko si manong guard na naghihintay na sa labas.

"Maraming salamat sa paghihintay manong, pasensya na po kayo kong medyo natagalan." Hingi paumahin ko sa guard.

"Okay lang po yon Ma'am trabaho ko po to kaya wag po kayong mag-alala." Nakangiting sabi sakin ng gwardya. "Pano po Ma'am mauna na po ako  sa inyo baka po hinihintay na ko ng mag ina ko sa bahay mag-ingat na lang po kayo sa pag-uwi.

"Maraming salamat po ulit, ingat din po kayo." Matapos magpaalam ni manong guard ay sumakay na ito sa dalang bisikleta at saka umalis naiwan naman akong nakatayo sa labas ng paaralan kaya minabuti kong maupo muna sa waiting shade dahil napagod ako sa buong araw na katatayo, hinubad ko yong sandals ko at hinilot-hilot ang mga paa ko mayamaya may nakita akong taxi napaparating dali-dali kong isinuot yong sandals ko at agad na tumayo malapit sa kalye. Pinara ko yong taxi na dumaan eh ang kaso sa halip na huminto ito ay nilagpasan lang ako at ang sabi nga nila pagsinuswerti ka nga naman ano! imbes na makasakay ka nadumihan kapa. "Nakakainis ka kasi lumbak ka, pahamak lagi.

"Naku ang hirap pa naman maglaba ng uniform." Sabay pagpag ko sa uniform na natalsikan ng mga putik mamaya bigla na lang may nag abot ng panyo sakin kinuha ko yon na din man lang tiningnan yong nagbigay. "Salamat ah." Sabi ko sabay punas sa uniform kong madumi ng wala akong narinig na sagot ay  tiningnan ko yong taong nagbigay ng panyo at nakita kong naglalakad na ito palayo nakita ko syang pumara ng taxi.

"Teka yong bracelet nya." Sabay hawak ko ng bracelet nasuot ko, hahabolin ko pa sana sya kaso nakasakay na. "Teka sya ba yo?"

Haha bitin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Destiny PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon