Dear Summer Love,

24 1 1
                                    

Mata. Ang mga mata raw ang nagsisilbing bintana patungo sa ating mga kaluluwa. Totoo nga kaya? Kase A, yun ang dahilan kung bakit kita nagustuhan.

Love at first sight? Oo, literal na love at first sight. Kase sa pamamagitan ng isang simpleng sulyap mo, sa pamamagitan ng panandaliang pagtatagpo ng ating mga mata, itinanggi ko man nung una, pero oo, oo minahal na agad kita.

Alam mo ba A? Nakakatawang isipin na magmula ng araw na yun, hindi ka na talaga naalis sa isip ko. Sinabi ko pa nga sa bestfriend ko na may nakita akong kamukha ng crush niya dun sa lugar na pinagkitaan ko sayo eh. At ikaw yun. Oo, nakakatawa talaga kase ikaw nga yun.

Pinilit kitang tanggalin sa isip ko ng araw na yun. Pilit kong inalis sa isip ko na may crush na agad ako simula pa lang ng araw ng trabaho. Di ko kase maamin sa sarili ko na first day pa lang, tag-landi na agad ako. Haha!

Oo, aaminin ko na sa halos lahat talaga ng lugar, may nagugustuhan ako. Pero pagkaalis ko ng lugar na yun, kasabay nun ang pagiwan ng paghanga ko sa taong yun. Pero alam mo, ibang klase ka. Kase ikaw lang yung nagustuhan ko na nagtagal hanggang sa pag-uwi ko.

Pilit kong itinatanggi sa sarili ko na di kita gusto kasi di naman ako naniniwala sa love at first at sight. Kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong isipin na di kita nagugustuhan pero ang puso ko? Sus, ayon, napakapasaway. Pero kaya nga inilagay ang utak sa mas mataas na posisyon kaysa puso kase siya dapat ang superior diba? Kaya binalewala ko na lang ang sinasabi ng puso ko.

Kinabukasan, sinusubukan yata talaga ako ng tadhana. Kase pagdating ko sa trabaho, ikaw agad ang nandoon.

Maaga pa pagtingin ko sa orasan ko kaya nagulat ako ng makitang nandun ka na din. Ang aga mo rin pala kung pumasok no? Pinasadahan lang kita ng tingin at naupo malapit sa pwesto mo. Sobrang kabado ako ng mga oras na yun dahil hindi ko alam kung kakausapin ba kita o ano. Nahihiya kasi talaga ako sayo. There's really something about you that makes me extremely intimidated. Kaya ayun, lumipas ang oras, nagsidatingan na rin ang mga co-scholars natin pero wala ni isa sa atin ang nagsalita.

Lumipas ang mga araw at same thing happens. Papasok ako ng maaga, andun ka na din sa lugar na naitalaga para magtrabaho tayong mga scholars. Hmm, kailan kaya kita mauunahan?

Isang araw, pinapili tayo ng President natin kung sino daw ang magvovolunteer para tumulong sa paggawa ng puppets para sa Day Care Center ng Brgy. natin.

At dahil ako itong si tamad maglakad dahil ang hindi daw magvovolunteer, maglilinis ng streets ng barangay. At dahil din apat lang daw ang kailangan, inaya ko na agad ang kaibigan ko magvolunteer sa paggawa. Pero sa kasamaang palad, inaya ka rin ng kaibigan mong babae na magvolunteer.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano hindi magiging uncomfortable nun eh kasi sa mismong tapat ko pa ikaw umupo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nun. Kung posible nga lang na marinig physically ang tibok ng puso ng tao, malamang nabingi ka na ng mga oras na yun.

Ang mas lalo pang nagpakabog ng puso ko nun ay nung inaya ng kasama mo ang kaibigan ko na kumuha ng materials sa loob ng Day Care Center. Meaning, tayong dalawa na lang nun. Di ako makakilos ng maayos sa totoo lang dahil sa simpleng dahilan na ikaw, si Mr. A, ang nasa harapan ko. At nacoconscious akong gumawa ng kahit konting pagkakamali sa harap mo.

Makalipas ang ilang araw ay madalas ka na ring naitutukso sa kapwa nating scholar nun. Lahat pinapares ka sa kanya. Akalain mo yun? Sa lahat ba naman ng maipapares sayo, yung kaisa-isa ko pang kaibigan na lagi kong kasama? Hays. Masakit, oo. Kase sa iba pinapares ang lalaking nagugustuhan ko.

Nakikita ko namang mukhang kinikilig ka pa eh, kaya para sayo, naging masaya na lang din ako. Wala rin namang alam ang kaibigan ko sa nararamdaman ko kase maski ako, naguguluhan. Nasasaktan ako pero di naman kita mahal. Kainis no? Napakagulo ng utak at puso. Di na nagkasundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon