Number Six (One Shot)

83 5 0
                                    

 Dedicated to my soul sister. read her stories. maganda swear! :""">

have fun.

----

Number Six

“sama na tayo! Sige na grade din ‘to oh. Anne dali na.” kanina pa ako pinipilit netong mga kaibigan ko. Ayoko nga ee. Kahit grade pa ‘to, no thanks na lang.

“kayo na lang.” walang gana kong sagot kay Ara.

“dali na kasi Anne, alam mo namang ‘di kami mabubuhay ng wala ka.” Sabay kapit sa braso ko. Nagpakyot pa si Berly -___- “pampahatak grade din itu.” Grabe naririndi na ako sa kanila. Kanina pa.

“dalii naa Anne.” Tinignan ko lang sila. Mga grade conscious talaga! Pati sa p.e ayaw paawat.

“okay fine!” sabi ko sabay taas ng dalawa kong kamay. Natuwa naman silang dalawa at tumalon pa. why do I even have this kind of friends?

“lika na! bayad na us.” Hinila na nila ako papunta sa p.e faculty. I really hate this. Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Sayang lang 200. Wala namang kwenta papanuorin namin >____<

“oy! Bayad na. pirma ka dito.” ang sama ng loob kong pumirma doon sa yellow pad. Nakakainis! Ayoko pa namang umalis tuwing sabado. Pahinga ko yun ee. Dapat every Friday din wala na kaming pasok, kaso nasali ako sa quiz bee. Nagtataka nga ako pano ako nasali dun ee.

Actually Friday ngayon. Tapos na review namin. Gusto ko na sana mag-back out kaso sabi nung dalawa experience din daw. Kaya eto pu-push ko na lang ‘to.

“oy! Lutang ka nanaman! Sabi ko bukas ha! Agahan mo kukunin pa natin yung ticket.” Tinignan ko lang yung maliit kong katabi.

“ilang beses mo ba ipapaalala yun?” irritable kong tanong.

“BV nanaman si Anne. Haha! Osige na uwi na kami. Bubye!!” paalam nila at bumeso sakin tsaka umalis.

--

“anong petsa na? sabi niyo agahan?! Anyare?” naiinis ako. Kanina pa ako dito sa school. Napakalufet naman talaga nung dalawa.

“Sorry na Anne. He he he. Si Ara kasi ee, wag kang mag-alala sandali lang naman siguro siya kakain. He he.” I rolled my eyes kahit hindi nila nakikita. Nakakainis naman oh! Anong oras na oh?! Mag two two na! 2 o'clock kaya assembly namin!

“I hate waiting.” Then I hung up. I really hate waiting. Umupo na lang ako dun sa may bench malapit sa hagdanan. Napapatingin ako sa lahat ng taong dadaan at nagbabaka sakaling sila na yun.

Number Six (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon