(Xander’s POV)
Nasa classroom kami ngayon at syempre nag-aantay sa aming adviser, ano pa ba bago? Eh sa una lagi naming ganun ang ginagawa ng mga studyante, habang ang iba kong mga kaklase ay busy sa mga kani-kanilang “business”, eh tahimik lng na nag – aantay ako, hindi sa teacher ko kundi sa isang babae, isang babaeng sya lng ang nakapukaw sa akin..aisshh ano ba to sari – sari na ang sinasabi ko, ganito ba pag inlove???talga??
” Bakit wala pa kaya sya? Ano na kaya nangyari dun? Tapos na ang flag ceremony pero wala pa din sya??aissshhhh..” tanong ko sa isip ko.
“Yow Dude! Sino hinahanap mo? Si ano ba? Si….”sabi nya
“Tumigil ka nga jan AJ para kang bano!” sabi ko
“Bakit ba masama na bang maghanap at magtanong ngayon?”
“Ayyy ewan ko sau! Bakit? Ano ba kailangan mo at nandito ka ha?” pagpapalit ko ng topic
“Dota tayo mamaya? Sama ka?”
“Sino mga kasama? Di ko alam baka pass muna ako jan may gagawin pa ako mamaya eh”
“Naman! Dude!”
“Basta bahala na mama---“ naputol ang sasabihin ng biglang
“Nanjan na si Sir!” sabi ng isa kong kaklase
Nang masabi yan ng kaklase ko ay nagsibalikan lahat ng mga wala sa upuan. Nagbukas ang pintuan at….
“Goooood Morning!..Sorry for being late we just had a meeting about the reco, by the way it will be started by this next week, so iready niyo na ang payment niyo” sabi ni sir Castro
“Yes, Sir!” sabi namin
“Treasurer and Asst. Treasurer, please collect the payment, btw because it’s homeroom we will have an activity, be ready because….”
“Because what Sir?!” sabi ng pres. namin
“Because the birthday celebrants in August will perform something!!” tuwang tuwang sabi ni Sir
“What Sir?!” sabi ng isa kong kaklase
“But it’s unfair to others who will not perform today” sabi ng isa ko pang kaklase
Ang iba naman ay nagpalakpakan at ang iba naman ay medyo natuwa pero ako wala lang..bahala nga sila jan..
“Okay class quiet!” the activity will start---“
**tok tok tok**
May kumatok kaya naman di naituloy ni Sir ang sasabihin niya. Sino naman kaya yun?
“Sorry Sir! I’m late may pinagawa po kasi si Ms. Valdez sa guidance eh..Sir may I enter?”sabi nya
Halatang nagmamadali siya papunta dito, medyo gulo kasi ang mahaba at maitim niyang buhok eh.
“Okay, you may enter..oh btw where’s your permit? Kindly give it to the Secretary?. ”
“Okay Sir”
Pagkasabi niya nun at pagkabigay ng permit sa Secretary ay naupo na siya at nagstart na din ang activity.
Halos nakapagperform na ang iba, kami na lang siguro ni Ritxer ang hindi pa. Si Alexa Ritxer Alcazar, sya ang babaeng gusto ko pero di ko masabi sa kanya, nahihiya kasi ako eh pero sana masabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko para di ako maunahan ng iba.
Habang tinititigan ko sya, nagulat nalang ako ng biglang tinawag kame ni Sir Castro
“Xander De Guzman and Alexa Ritxer Alcazar?? Kayo na ang magpeperform.” Sabi ni Sir.