Unexpected

15 1 0
                                    

~Bahay ni Nicho

Pagka uwi nya humiga sya sa sofa at nag iisip parin sa nangyare kanina. Habang nag iisip sya may naririnig syang kalabog sa taas. Umakyat siya, medyo natatakot dahil sa babae kanina. Bago sya tumingin kumuha muna sya ng panghampas. Pagtingin niya...

Sabay hampas sa babae na naka white na dress at magulo ang buhok. Yun pala ate ng bestfriend nya, Si Lauren. Ayaw ni nicho na mag isa sa bahay nya kaya pinatira nya yung bestfriend na si Xavier at ang ate nya since wala na din silang magulang at binenta na nila ang bahay nila para sa business nila sa pangangalakad ng kanyang Ate at pinsan. Parang pamilya na rin sila.

"Sakit ah" sabay hawak sa mukha.

"Wtf ate lauren, namini heart attack ako ah atsaka bakit muka kang aswang?" Habang natatawa

"Im having a bad day nicho, Btw aalis na ako May pagkain sa refriga.."

"Na ganyan itsura mo?"

"Papuntang salon lang Okay?" naka taas ang kilay

"Wait lang ate lauren hintayin mo muna si Xavier Wala akong kasama dto May nagmumulto sakin"

"Laki mong shokoy tapos takot ka sa multo, stop it nicho Malalate ako sa kalokohan mo Tsaka pauwi na yon si Xavier"

"Sige na Umalis ka na Pogi naman ako eh"

"Pogi ka kaya minumulto ka babye!"

At umalis na ang lola. Si nicho ay nagpatugtog ng na nakakapang relax at tuluyan na nakatulog.

Habang natutulog sya parang may bumubulong sakanya

"Nicho nicho niiiiiicho!" yung boses ay sobrang nipis parang isang hapon.

"Who the hell are you?" sabi ni nicho.

"Bukas mo kaya yang mata mo para makita mo ako Mongoloid to"
Dumilat si Nicho. Sabay nagpanic.

"Sino ka?! Nasan ako?! Sabihin mong panaginip lang to?!!"
Sabay hampas s a mukha nya.

"Sige hampasin mo yang mukha mo hangang mamaga atsaka nandto ka sa bahay mo,  Buhay ka pa tangi"

Tinitigan ni Nicho yung babae

"Crush mo na agad ako ^^ " sabay wave ng buhok.

"Ikaw yung nakita ko sa park, stalker ka no tsaka pano ka nakapasok dto Umalis ka dto tatawag ako ng pulis" sinabi nya yon habang kinakabahan na medyo kalmado.

"Nicho hindi ako makikita ng ibang tao.." sabi ng babae.
Kumuha na lang si Nicho ng panghampas sakanya.

"Multo ka , Umalis ka dto. Shoo shoo" tila pinapalis nya ito ng walis.
Nagulat sya ng binatukan sya ng babae mula sa taas.

"Oo multo ako awoooo Tangi hindi ako multo, Pumasok ako sa katawan mo dahil may...."

"Pumasok ka sa katawan ko?!!!"

"Sasapakin kita makinig ka muna, Ngayon ipapamana ko na sayo ang orasan na to. Alagaan mo kung ayaw mong mabisita ka nila"

Tilang kinakabahan at naguguluhan parin si Nicho. Hindi nya alam kung para saan to at Kung bakit sakanya ito pinamana.

"Why me?"

May kumatok sa pinto.Tumingin sya sa pinto at tumingin siya sa babae pero wala na to.

"Bwiset na multo na to".Tinago ni Nicho ang orasan sa bulsa nya. At binuksan ang pinto.

"Xavier ikaw pala yan" bati nya, Niyaya sya ni Xavier na bumaba at kumin. Madaming pagkain sa lamesa at nagtaka naman si Nicho dahil hindi naman madami kumain si Xavier o sya.

"May fiesta ba? Bakit daming pagkain" tanong nya kay Xavier.
May lumabas na magandang babae mula sa kusina nila na may dalang lasagna.

"Astrid?!" Nagulat si Nicho dahil hindi naman sya nagparamdam simula nung nagkita sila.

"Wait, magkilala kayo?" Tanong ni Xavier.

"Nicho is my childhood friend too, Xavier nung bago ako pumunta ng america. Sya yung bestfriend ko na nahulog sa puno at isang oras umiyak" sagot ni Astrid.

"Ok, let's eat na" sabi ni Xavier.

Magkaibigan sina Xavier at Astrid noong nasa Amerika pa sila. Umuwi lang si Xavier at ang kanyang kapatid sa pinas dahil namatay ang kanilang magulang sa car accident. Family friend nila Xavier ang Family nila Nicho. Nung highschool sila, nagdesisyon sila na magsama sa isang bahay since palagi naman mag isa si Nicho at Xavier.  Sa panahon na yon, nag karon ng madaming problema ang business nila Xavier kaya palagi wala ang ate nya.

Nagtatawanan sila habang kumakain nang naramdaman ni Nicho na may tumabi sakanya at kumain din. Napatayo si Nicho sa upuan dahil ang katabi nya ay yung babaeng kanina na nakausap nya.

"Hello Rory, Its been long time"sabi ni Astrid.

"Ganda mo na Astrid pero mas maganda ako^^" sabi ni Rory.
Naguguluhan si Nicho dahil kilala ito ni Astrid at parang close na close sila. Tumingin si Nicho kay Xavier. Pigil tawa si Xavier kay Nicho.

"Hey Nicho, bakit parang hindi ka pa nakakakita ng bata na kasing pangit nya at napatalon ka pa dyan" sabay tumawa sina Xavier at Astrid.

"Yung totoo, nakikita nyo sya?" Naguguluhan parin si Nicho. Tumawa ng malakas sina Astid at Xavier na tila sumasakit ang kanilang tiyan. Si Rory naman nakasimangot lamang dahil sa sinabi ni Xavier sakanya.

"Sabihin namin sayo mamaya" sagot ni Xavier habang pigil tawa parin sya

  Natapos na sila kumain at nagliligpit narin sila. Pero naguguluhan parin si Nicho. Kaya tinawag nya si Xavier na nagpupunas ng lamesa.

"Bro, sinong ba babaeng yan tsaka naka usap ko yan kanina sa kwarto. Kasama nyo ba yan? Kasi kanina.."

"We will talk later bro, tapusin lang muna natin to" pabulong nya sinabi. Tumingin sya kay Rory na nasa sala na nagbabasa lang ng isang libro na lumulutang. Pagkatapos nilang maglinis, hinawakan ni Astrid ang kamay ni Nicho at hinila papunta sa sala kasama si Xavier. Tila si Nicho kinikilig na parang ewan pero bumalik sya sa katotohan nang makita nya na nakatingin sakanya si Rory. Bigla naman iniwas ni Rory ang tingin nya at isinarado nya ang libro. Nakaupo na silang tatlo sa sofa samantala si Rory nakalutang sa harap nila.

"Magpapakilala na ako sayo Nicho"

Three Arrows In One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon