MBB 20.

250K 2.2K 259
                                    

Chapter 20.

 

Kathryn's POV.

After a week.

nagtaka si mama at papa kung bakit dito muna ako titira sa bahay namin, tinatanong pa nito kung nag-away daw ba kami ni daniel. ang sabi ko...

"ma, pa. nililigawan ako ni daniel." naka-ngiting sabi ko.

"kelangan paba niyan nak? masyado ka namang pakipot." mama. natawa pa nga siya eh. haha! 

"Oonga naman princess." dad.

"ma, hindi kasi ako easy to get. atsaka, na-miss ko rin yung feeling na nililigawan ako eh. miss ko maging dalaga." sabi ko habang naka-ngiting pinaglalaruan yung pagkain using the fork and spoon.

natawa naman si mama at papa dun.

"Osige. i have to go napo. Start na ng 2nd semester namin." sabi ko. nag beso ako sakanila at lumabas na ng bahay.

pagka-labas ko ng bahay, nagulat ako nung nakita ko siyang naka-shades, at naka-sandal sakanyang dodge challenger. gwapo.

"hi beb!" masayang bati niya habang lumalapit sakin.

"hello beb." sabi ko naman.

"So.. ito ang ginagawa ng mga manliligaw diba? ihahatid sa school ang kanilang reyna." sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan. napailing ako habang naka-ngiti.

Habang nagda-drive siya, kinakantahan niya ako ng PANALANGIN. Ay jusko, sintunado pero ang gwapo ng boses.

"Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin koooooo!" sigaw niya habang bumibirit pa.

"Atttttttt wala nang ibaaaaaaaa pang maaaaaaas mahalaga. sa tamis na dulot ng pagbig....." he looked at me. "nating dal'wa." and he winked.

Jeezus. hindi ata tatagal ng 1 month ang panliligaw nito dahil baka mapa-amin ako ng di oras.

My Brat BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon