Chapter 22 (getting what's mine)

3.6K 34 3
                                    

3rd person’s POV

“Mr. Kirby Dhale dela Cruz you’re up” sabi ng babaeng tumatanggap ng mga aplikante para sa kompanya ng mga Rivera, agad namang pumasok si Kirby sa silid kung saan ay iinterviewhin siya

Laking gulat naman ng mga magiinterview ng makita siya, dalawa na doon sina Steve at Edrick na halos hindi maipinta ang muka.

Laking tuwa naman ng isang ginang ng makita niya ang pamilyar na muka sa harap niya ngayon, buong galak niyang inusisa ang binata at walang anu-ano ay sinabi niyang “you’ll start on Monday”

Gustuhin mang magprutesta ni Edrick ay hindi niya magawa, kilala niya ang lalaking iyon at alam niyang may hindi magandang mangyayari oras na makapasok ang binatang iyon sakanilang kompanya

Si Steve naman sa kabilang banda ay hindi mapakali, animo’y nakakita siya ng multo ng Makita si Kirby. Sobrang pamilyar ng muka ni Kiry sakanya. Hindi niya maisip kong saan niya nakita ang ganoong muka na kagaya ng sa binata. Tila isang malaking palaisipan sakanya kung saan ba niya nakita ang mukang yun

Hindi kagaya nila Steve at Edrick na hindi maipinta ang muka, si Travess naman na isang stock holder ng mga Rivera at isang pinagkakatiwalaang partner nila ay sabik ng makatrabaho ang binata. Kilala niya ito dahil kaibigan ito ng mga anak niyang sina Bryan at Tania. Alam niyang matalino ang binata, at alam niyang malaki ang maitutulong ng binata sa kompanya

Sa isang malayong bayan naman ay may dalawang magsyota ang nakakita ng isang lalaking duguan na nakahandusay sa may damuhan

“hon ayoko dito, makati” angal ng babae, pilit naman siyang pinaghahalikan ng nobyo niya at walang pake kung may makakita man sakanilang ginagawa, ang nais niya ay makaraos yun lang

“hon wag ka ng maarte, sandal lang ito” unti-unting inihiga ng lalaki ang babae, ng malapit ng makahiga ang babae ay nakaramdam siya ng malambot na bagay. Kinapa kappa niya iyon, hindi siya mapakali dahil alam niyang hugis ng tao ang nakakapa niya. Nilingon niya ito at

“AHHHHH!!!!” nagsisisgaw ang dalaga, samantalang ang binata naman ay hindi alam ang gagawin. Putlang putla ang magkasintahan, hindi nila alam kung buhay pa ba ang lalaking nakikita nila. Maya-maya pa ay may isang tanod na lumapit sakanila

Agad na inalis ng tanod ang magkasintahan sa lugar na iyon, tumawag din siya kaagad ng ambulansya. Habang dinadala sa ospital ang lalaking natagpuan nila ay may mga midya at pulis namang nagsidatingan sa lugar.

Dinala sa prisinto ang magkasintahan at doon ay inusisa, ngunit wala din silang mapala dalawa. Naghanap sila ng ibedensya at witness sa lugar ngunit wala silang Makita.

Napanood naman ni Aki ang balita tungkol sa lalaking nakitang duguan sa may damuhan. Napangisi nalang siya sa napanood niya, alam niyang walang magtatangkang magsumbong kahit may nakakita man sa paghagis sa lalaki. Dahil ang sino mang magsumbong sa otoridad ay hindi na sisikatan pa ng araw.

Alam niyang mabubuhay pa si Jace matapos ang nangyari kagabi, dahil hindi niya naman ito napuruhan. Yun nga lang malamang sa hindi pagkagising nito ay mawala ito sa sarili niya dahil sa drugs na pilit pinakain ni Aki sakanya.

Sa kabilang dako naman ay hindi maalis ang tawang demoyo ni Nathallie. Alam niyang si Aki ang may pakana ng lahat ng iyon. Lalo tuloy siyang naging sabik sa binata.

“you’re really something Aki” sabi niya sa sarili niya. Agad niyang pinatay ang TV at lumabas na ng hotel room.

Nangingiti siya sa sarili niya kapag naiisip niya ang magiging reaksyon ng mga kapatid niya sa ama oras na malaman na kapatid pala siya ng mga ito. Buong alam ng magkapatid na Bryan at Tania ay kasintahan siya ni Aki at isa sa mga kaibigan nila, ang hindi nila alam ay isa siyang kadugong handing kunin ang dapat sakanya. Isang kadugong handing gawin ang lahat alangalang sa ina. Sa ina na hindi man lang kinilala ng sarili niyang ama.

Kapag naaalala niya ang huling sandal ng ina niya sa mundong ibabaw ay kumukulo ang dugo niya, hindi siya makapaniwalang hanggang sa dulo ay ang ama niya parin ang kakampihan at iintindihin ng ina.

Wala na siyang pakelam kung panong paghihiganti ang gagawin niya sa ama niya, ang mahalaga ay ang hustisya sa kamatayn ng inang pinaka mamahal niya

Lumabas na siya ng hotel at sumakay sakanyang kotse, pinaandar niya na ito at tinungo ang bahay ng mga Reyes.

A/N: masyado po bang  malalim ang tagalog ko? kapag may hindi kayo naintindihan wag po kayo mahihiyang magtanong sakin

Hot Revenge (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon