Forever?

4 0 0
                                    


Naniniwala ka ba sa forever?
Ako kasi, hindi.
Kasi sa laro nga, may game over
Na eitger win or lose, defeat or victory.

Naniniwala ka ba sa forever?
Yung wagas na pagmamahal?
Yung hindi ka iiwan?
Mga tao kasi ngayo'y para nalamang nagtatanghal.

Naniniwala ka ba sa forever?
Kung sa tagalog nga'y walang hanggan
Pinangakuan kang magtatagal
Ngunit ngayo'y nasaan?

Naniniwala ka ba sa forever?
Na kung hindi nama'y together?
Maglalandian at bibili ng clover,
Kinabukasan, pag gising mo, wala ka nang cover.

Naniniwala ka ba sa forever?
Aba't babe pa ang rawagan.
Kwentomo sakin kung gaano ka kinikilig,
Pero sa huli, wag mo kong iiyakan.

Naniniwala ka ba sa forever?
Mga pangako niyang Made in China
Sabi mo, ayos lang dahil inangkin ka na
Di mo alam, apat pala kayong nasasakupan niya.

Naniniwala ka ba sa forever?
Ako kasi, hindi.
Because you can build shit,
From the word relationship.

Naniniwala ka ba sa forever?
Kung nalaman na ang last digit ng Pi
Pero di parin yung kasiguraduhan
Ng sa kanyang iyong pag aantay ..

Wag mong sabihing may forever
Kung hindi mo kayang gawin at patunayan
Kasi pagod na ako,
Pagod na sa sistemang walang aasahan.

Walang forever, pati ang statement na ito.
Walang forever sa mga tao.
Walang forever! Echos lang yang together!
Mga pakboy na nandadagit ebriweyr.

Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon