nawawalang piso.

113 2 5
                                    

Sa mundong hinulma ng tagapaglikha, matatagpuan ang iba't ibang uri ng taong naninirahan ditto. Mga iba't ibang tao na tinakdang makasama mo sa tanang buhay. At may nag-iisang tao na siyang magkukumpleto sa iyong pagkatao at imumulat ang iyong mga mata sa realidad ng buhay, na sila ring makapagbabago sa iyo. At ang nag-iisang tanong lamang ay kung siya'y sa ikabubuti o ikasasama mo.  

Parang piso lang. Kung kulang ka nito, 'di makukumpleto ang bayad mo at 'di ka makakapunta sa gusto mong tahakin. 

Gusto mo bang malaman kung sino iyong piso na nagpabago sa buhay ko? 

Ipinikit ko ang aking mata at nag-isip ng malalim. Ang aking mga kamay ay nakapahinga sa aking hita habang isang buntong hininga ang nakatakas sa aking mga labi, mga ala-ala'y pilit na bumabalik at nagmulto sa aking isipan.  

____________________________________________________________

"Hoy ampon. Larga na at unang araw mo ngayon sa iskwela." Tawag ng aking 'ina' habang ako'y lumalabas ng bahay. 

"Tsss... Oho, lalayas na sa pamamahay na'to."  Walang gana kong sagot. 

Di kayo nagkakamali ng dinig. Oo, ampon ako. Masakit para sa akin? Nah, sanay na naman ako. Pa'no ba nama'y kailangan pa talagang ipamukha sa akin na sampit lang ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Teka, may Diyos nga ba naman? 

Agad akong pumara ng jeep at sumakay. Ngunit pagdukot ko sa bulsa ng pambayad, kulang. Kulang ng piso ang barya kong syete dapat. Eh bawal pa naman ang aking isang lingguhang baon na buong limang daan. Diba, 'Barya lang sa umaga'? Naghalungkat ako sa aking maliit na bag ngunit wala ni singkong duling. Tanong ko sa driver, "Manong, pede ho gang sais piso na lang?" 

At alam mo ang sinagot niya? "Naku, tutoy! Kung kulang ka sa pamasahe'y bakit ka pa sumakay? Di yan pede. Layas ka dito, layas!" At itinigil niya ang dyip. Ang bait no? 

Bababa na ako ng may naisip ako. "Teka ho manong! Eto pala ang bayad ko! Binigyan na ako ng piso ng kaibigan ko!" Siniko ko ang aking di kakilalang katabing lalaki na wari'y nasa mid'20s na. Gulat na gulat ang lalaki kaya binulong ko na lang sa kanya na, "Pssst. Makisakay ka na lang bilis!" Nginitian niya na lang ako bilang ganti at kinuha ang bayad ko, kasama ang piso niya. 

Tinapik ko ang balikat niya ng mahina, nakangisi at nagsabing, "Uy pre. Salamat ha. Yaan mo, babayaran din kita." 

Kaysa makatanggap ako ng mga reklamo na istorbo lang ako, ay tumawa na lang siya ng mahina. Nakakahiya na nga manghingi ng piso 'tas tatawanan pa ako. Tsss... Bumaba din siya maya-maya. 

Nakarating ako sa school ngunit di ko pinansin ang mga tao doon ni mga bagong kakalase ko para sa first year high school. Oo, merong isang babae, o sabihin na nating kiti-kiti, na nakapukaw ng aking pansin pagkat pilit siyang nakikipagkaibigan sa'kin. Umubob na lang ako sa armchair ko at nagsoundtrip para tigilan niya ako. Di ko namalayan, tuluyan ng bumagsak ang mga mata ko at ako'y nakaidlip. 

"Ms. Quinn Arcala? Ummm... Is she here? Ms.Arcala?" Ang pagtawag na iyon sa akin ang ikinadilat ng mata ko. Pshhh... MISS daw?! Nakaub-ob pa din, mahina kong itinaas ang kamay ko. "MISTER Quinn Arcala ho! Takte." Pagkasabi ko'y may mga tawanang umalingawngaw sa silid. 

"Ahhhh... Sorry MISTER Arcala. Haha. But would you like to introduce yourself to us?" Tanong noong guro namin. Di pa din tumitigil sa pagtawa at pagtukso ang mga kaklase ko na ikinabugnot ko. Pinalo ko ng pagkalakas ang armchair at tumayo, nagbigay ng tingin na tila tinutusok sila sa talim. "Oo, ako si Quinn Arcala mga kaklase ko.Q-U-I-N-N. Tatandaan niyo yan. Kahit gusto ko kayong murahin ay ayokong sayangin ang oras para doon kaya ito na lang ang sasabihin ko. Subukan niyo pang tumawa at di niyo na masisilayan ang paglubog ng araw." Nanahimik sila. Marunong naman palang makinig 'tong mga 'to eh. Masama ba ako? Masanay na kayo sa aking ugali na maangas, masungit, matapang at suplado.  

nawawalang piso.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon