Hanggang dito nalang ba talaga?

301 8 12
                                    

"Babe, sige na. Payag kana! Please!" Pangungulit niya saakin. Walang hiyang lalaking ito! Nilalandi ako ng mokong. Halik halikan ba naman niya yung leeg ko pa baba ng braso ko? Shit! Na f-feel ko na tuloy yung init ng katawan ko. Gad! Ano bang pinag sasabi ko? Huwag mong sabihing bibigay ka Makenzee? Yung totoo, ano? Gusto mo?

"Ayoko, Tate! Tigil tigilan mo ako kung ayaw mong patayin kita sa halik." Natatawang sabi ko sa kaniya. Eh ang kulit kasi talaga nitong Babe ko eh. Tapos ang cute niya pa. Pouty lips niya. Ang sarap lang halikan.

Tanggi na ako ng tanggi pero nag iinsist parin siya.

Ano bang dapat kong gawin? I mean isagot? Ibibigay koba o hinde? Na babanas na kasi ako sa ka kulitan niya eh. Ilang araw na niya akong kinukulit and yet sa awa ng Diyos, hindi ko panaman naibibigay sa kaniya.

"Sige na, patayin mona ako sa halik at ibigay mo na rin. Two in one Babe! Gusto ko yan! Tara na!" Ngi-ngiti ngiti niyang sabi and he wiggle his brows. Hinila hila niya ako papuntang kwarto namin at humiga na ito sa kama.

Yup, kwarto namin! Mag kasama na kami sa iisang bubong. Mom needs to go visit dad on the hospital. Sa US siya naka admit at kailangan ni mamang mag stay doon hanggang sa gumaling si dad. Yung parents naman ni Tate ay nasa business trip parate kaya mom decided na mag sama na kami.

"Babe! Ano pang itinatayo mo diyan?! Bilisan mo at kumilos kana!" Naiiritang sigaw nito saakin. Problema nito? Atat lang? Ganoon? Hindi ba siya makapag hintay? Hindi pa ako ready oh! Nako! Sarap sarap talagang patayin nitong babe ko sa halik. Hihi. Ang gwapo kasi niya eh. Yung lips niya, ang red tapos soft pa. Yung abs niya, walo kaya solb na ako doon kahit mahawakan ko lang. Ayi! Ok, tama na baka saan pa ito mapunta.

Lumabas ako ng kwarto at nag ready na. This is it! Ibibigay ko na. Hindi na ako mag dadalawang isip pa. Tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya aabusohin.

"Babe! Ano ba!? Bilisan mo!" Hay nako Tate! Kahit kelan talaga.

Pagkatapos kong mag read, bumalik na ako ng kwarto. Tinitigan ako ni Tate at malalagkit ang mga tingin nito saakin.

Nginisian ko siya at tinanong ng "Ready babe?" at tumango naman ito saakin.

Humiga ako sa kabilang side ng kama katabi niya.

"Simulan na natin?" At sabay kaming tumango.

"Ok! Heto na ang limang araw kong pag hihintay! Makakain narin kita! Yes!" Masayang sigaw nito.

Nag simula na kami. Binuksan ko na ito.

"Uh babe! Ang sarap!"

"Yeah! Oh crap! Delicious!"

"Mmmmmmm."

Ilang minuto rin kami sa ganoon ng biglang!

*boooooogs!

"PUTANG INA!"

Mabilis kaming kumilos ni Tate.

"Mga walang hiya! So ganon nalang? Itatago niyong kinakain niyo yung lays ko?

Oops! Here comes the douche bag. "Ang kakapal ng mukha niyong kainin ang LAYS ko! Gago ka Tate!" Sigaw ni Karter pagka kita niya saaming dalawa. Itinago naman ni Tate sa likod niya yung lays at nag pailing-iling ito ng ulo.

"Wala kaming kinakain na lays Karter. Wala hehe." Ang baliw talaga ng babe ko. Na huli na nga kame hindi pa niya aaminin. Denial king ang peg?

Haha. Kaya nga ayaw kong ibigay sa kaniya eh. Pinababantay saakin ni Karter yon. Bawal siya ng mga salty foods kaso nag sneak siya ng isa. Kahit isa lang daw. Mamamatay daw siya pag hindi siya naka kain ng lays with in this week. Isa pang gago ito. Sus!

Mapapansin Kaya? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon