Truth behind

14 0 0
                                    

Sammie

"Grabe no?! Silang dalawa pala yung nasa viral na video?"

"Oo! Nakakakilig nga eh! Sobrang effort nung lalaki!"

"Grabe! Ang gwapo't ganda pa nilang dalawa! Perfect couple na!"

"Relationship Goals bakla!"

Tss.

Rinig na rinig ko na naman yung pag-tsitsismisan nung mga taong 'to.

Nakakarindi na.

Palibhasa mga wala silang alam. Basta kung ano lang yung makita, yun na agad pinaniniwalaan.

Akala ba nila masaya talaga kami?

Akala ba nila Santo yung lalaking 'yon?

Shit, hindi. Wala silang alam.

Yung video na yun. Sobrang saya ko nung araw na yun.

Nung araw na sinagot ko sya.

Inaamin ko, sobra akong na-sweetan sa kanya. Sino ba namang hindi?

Kahit sino ata makikita yung effort nya dahil sa surprise na yun.

Roses, teddy bears, notes & letters, balloons, and everything that would make a girl say yes to a guy.

That day was the happiest day of my life.

Nagulat ako kasi kumalat pala yung video nang pag-sagot ko sa kanya. Heck! Hindi ko nga alam na may nag-video 'non!

Lahat ng tao, sobrang napaniwala dahil sa video na yun!

A month right after sinagot ko sya, ang dami ng nag-iba.

Kung dati, masaya...

Ngayon, pinagsisisihan ko na...

Lahat.

Yung araw na sinagot ko sya. Yung araw na nagpaloko ako sa kanya. At yung bawat araw na minahal ko sya.

Yung happiest day of my life ko, turned out to be the most regretful day of my life.

Minumura, sinasaktan, pinapahiya sa mga kaibigan nya, ginagamit at kung ano-ano pa.

Ang alam ng lahat ng tao masaya kami, na ang bait-bait nya, na perfect kami para sa isa't isa.

Lahat sila, mali.

Relationship Goals?

Tang*na!

Relationshit Goals!

-END-






Diba ang waley? Hahaha. Pasensya na, newbie pa lang. Hope you enjoyed it!



#RelationshitGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon