Kasama ko sila Anya, Janina, at Aliyah papunta dun sa manong na nagtitinda ng candy.
"Anya! ano ba ang bagal bagal mo nakakainis ka na! Pag hindi natin naabutan yung nagtitinda ng candy ikaw may kasalanan promise!" sigaw ni Janina. Lagi nyang inaasar si Anya, maliit kasi ito kumpara sa amin.
"Eto na nga! Nag mamadali na nga eh nang aaway ka pa." sagot ni Anya at nagpout pa. Hangcuteeeeeeee.
*Takbooooo takboooo takbooo*
"Manooooong! Hooh! Naabutan din namin kayo. Pabili po ng Candyyyy!" Sigaw ko. Hahaha 12 years old na kami pero mga isip bata pa rin. Hahahahahaha.
"Nakuuu. Kayo talagang mga bata kayo. Siya nga pala, may bago akong candy na tinda. Magiging mga magaganda at malalaki na kayong mga babae agad pag kinain nyo yun." Sabi ni Manong Eddie na syang nagpakislap sa mga mata namin.
"Talaga po???????" Sabi namin ng sabay sabay.
"Oo. Gusto nyo ba?" tanong nya ulit.
"OPO! OPO!" At naging hudyat iyon para pagbilhan kami ni Manong Eddie ng Candy na pangpatanda. Sabay sabay namin iyong kinain at makalipas ang ilang sandali! TADAAAAH!
"Abby?! Ikaw na ba yan? Wahhhhh! ang sexy sexy mo na!!!" sigaw ni Aliyah.
"Hoy Aliyah! Maka-asta ka akala mo hindi ka damulag hahahaha ang ganda ko pala pagtanda." Sabi ni Janina. Ano pa nga ba? Bukod sa Matabil ang dila nyan, mayabang din yan. Pero may maipagmamayabang naman kaya hayaan mo na lang.
"Teka? Asan si Anya?" sabi ni Aliyah. Oo nga. Asan na yun?
"Anya? Anyaaaa?" Hanap namin sa kanya. Excited pa naman akong makita nag itsura nya pag malaki na sya.
"WAHHHHHHH! BAKIT GANUN???? KUMAIN NAMAN AKO NG CANDY NA PAMPATANDA PERO BAKIT GANTO PA RIN AKO??? HUHUHUHU NAKAKAINIS! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS TALAGA! WAHHHHH!" may batang biglang sumigaw kaya tiningnan namin kung anong nangyari sa kanya pero ang nakakagulat...
"Oh, Anya? Anyare sayo? Bakit nagpoflooring ka dyan?" sabi ni Janina na nagtataka habang nagpipigil ng tawa.
"Anya? Bakit hindi ka lumaki? Atsaka, oy Janina ano yung flooring eh wala ngang tiles yan oh?" tanong ko. Nakakapagtaka na hindi lumaki si Anya. Bakit kaya?
"Ang shunga mo naman Abby. Flooring. Diba yung Walling sa 'wall' nada-drama kaya walling yung tawag sya naman sa 'Floor' naglulupasay kaya flooring hayst. Ang slow." Paliwanag ni Janina.
"Ibig sabihin hindi ka na lalaki Anya!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-----
"HOY ATE! GUMISNG KAAAAAAA!!! NABABALIW KA NA BA? NATUTULOG KA TAPOS TAWA KA NG TAWA???"
Ay buseeeet! panaginip lang? laughtrip pa naman. Hay sayang.
"Hoy buset ka talaga Arla ha! nakakainis ka! Pinagtatawanan pa nga namin si Anya sa panaginip ko eh!" Sigaw ko kay Arla. Panira ng panaginip. -,-''
"Tsaka ka na magdrama andyan sila Kuya Jonas sa labas. Tulog kasi ng tulog." sabi nya sabay alis. Ayyyy~ abnormal na bata. Kung magtaray akala mo mine-menopause. pero saglit lang. "WTH????!!! Sila Jonas??? OH EM OH EM OH EM" dali dali akong bumangon. Oh shetams! wala akong bra! Naka white tshirt lang ako OH Em nakakahiya naman this! Wala pa din akong ligo.
Sinilip ko sila sa sala. CONFIRMED! Totoo nga ang sinabi ng kapatid kong emotera!
"U-uy. Hehe. Bakit?" Sabi ko.
"Napadaan lang kami. Punta ka mamaya sa amin ah?" Sabi ni Jonas.
Pilit naman akong ngumiti. "Ah. Sige sige. Anong oras ba? Atsaka gaano katagal?"
"Ngayon sana kaya lang---"
"Huwaaaattt?? Wait lang maliligo lang ako. Wait ka lang dyan" At dali-dali nga akong naligo wohoo! Daig pa si Flash! In less that 15 mins ready na ako.
BINABASA MO ANG
One Shot
Short StoryThis is just a one shot story. Hindi po kasi ako makasulat ng mala-novel. Enjoy! <3 lovelots, Miss S.