" 'di ba... sa-sabi mo sa akin no-noon na a-ako lang ang ma-mamahalin mo? (sniff) pe-Pero bakit na-nagbago ka?! Bakit kina-kinalimutan m-mo na ang mga (sniff) pin-pinangako mong hindi mo a-ako iiwan?! Ha?!! (sniff)" Sigaw kong habang umiiyak sa lalakeng ngayon ay ni isang tingin ay hindi man lang ako magawang tapunan.
"Please! Please Heila! Tumigil ka na! Oo minahal kita! Pero noon yun at hindi na ngayon! Kaya kung pwede ba! Umalis ka na sa dadaan ko't aalis na ako!" Nangingitngit niyang sabi sa akin habang sa ibang banda lang nakatingin ang mga mata niyang tila umaapoy na sa sobrang galit.
Sa unang pagkakataon, tinawag niya ako sa unang pangalan ko. Hindi ko na maintindihan, tila mababaliw na ako sa mga pinapakita niya. Gusto ko nang matumba sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Gusto ko nang bumalik yung dating Black na nakilala ko. Sana panaginip na lang ang lahat ng 'to dahil gustong-gusto ko na magising at kung bangungot man 'to sana makawala na ako sa isang bangungot na unti-unting pumapatay sa akin.
Tumigil ako sa kakaiyak dahil kahit ilang timba pa ang iiyak ko ay hindi parin mababago nito ang mga sinabi niya.
"Yan na ba talaga ang magpapaligaya sayo?" Mahinahon kong sabi at tanging tango lamang ang isinagot niya.Lumapit ako sa kinaroroonan niya at inilapit ko ang aking mukha sa kaniya kahit na sa iba parin ito nakatingin.
"Tumingin ka sa akin" pero hindi parin siya lumilingon sa akin.
"Kung talagang ayaw mo na sa akin at sa kaniya ka na sasama.." Huminga ako ng malalim at " Sige pinapalaya na kita." Dugtong ko pa. Pumikit siya at aakmang aalis na pero hinigit ko ang kaniyang braso para mapaharap siya sa akin. Nabigla naman siya sa ginawa ko.Alam kong mahal parin niya ako kahit hindi niya man sabihin. Ramdam ko yun sa bawat galaw ng mga labi niya. Pero sobrang nagtataka ako kung bakit niya 'to ginagawa sa akin. Makakaiyak ng sobra!
Tinapos ko na ang paghahalikan namin at kapwa sabay kaming naghahabol ng hininga.
" Sana maging masaya ka sa naging desisiyon mo.." Sa huling pagkakataon hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi, "Paalam na.. Black" Tumalikod na ako at humakbang papaalis ng bahay na minsan naging dahilan ng mga masasayang araw namin nang magkasama.
Ako na ang lalayo, ako na ang magsasakripisiyo. Sana sa pagbalik ko, makakalimutan ko na ang masasakit na nangyari sa bahay na to. Habang pinag mamasdan ko ang bawat sulok ng bahay ay lumabas na ako nang tuluyan at dumeretso sa aking kotse.
"Hello? Yes it's me.. I need to leave.. Yeah.. Tomorrow morning.. Thanks! Bye." Binaba ko na ang cellphone ko at nagdrive na papunta kung saan man ako dadalhin ng sasakyan ko.
Akala ko perfect na ang lahat, Akala ko may perfect na akong love life, akala ko magkakaroon na ako ng perfect "Happy Ending". Pero lahat pala nito ay puro "Akala". Hmmmh.
"Goodbye Chase Black..." Sana ito na ang huling beses na iiyak ako na ikaw ang dahilan.
------------
Hi People!!! This is my first ever story! Kung may mapapansin man kayong magkakatulad na pangalan,lugar,plot or venue ng story. Pwes! Hindi ko ginagawa yung as diba dahil Yung akin ay pure of imaginations! Get it? Kaya kung reklamo kayo itawag niyo sa "Bayan mo ipatrol mo!" Wag dito at magkakalat kayo ng mga comment na puro nega. Kung hindi niyo naman gusto ang story ko edi WAG! May sinabi ba akong puriin niyo? Shut up na lang ah? At magbasa ka na lang. Dapat OPEN MINDED KA KUNG BABASAHIN MO TO! K? And lastly Guys! Don't forget to vote. Okay na? Salamat! Chao!✌
Catleen❤
BINABASA MO ANG
My First Heart Breaker
Teen FictionMasakit isipin na ang mga magagandang memories niyo ay biglang naglaho na parang bula. Ang dating kayo na ni minsan ay hindi kayang mapaghiwalay ng kahit na sino pero sa isang iglap ay nawala na. Matutuloy pa ba ang "Happy Ending" ng buhay ko na kas...