3

60 0 0
                                    

Nakarating na nga sa pupuntahan si Ara.  Saktong ipinark ang sasakyan niya at kuha ng binili niyang cake. Nasa tapat na ng gate si Ara at nagdoorbell na nga siya.

Kim's POV

Paakyat na sana siya ng kwarto niya para makapagayos ng biglang may nagdoorbell.

Shoot!nandyan na ata si Ara di pa ako nakakaligo. Inis niyang sabi sa sarili.

At 'yon ang saktong paglabas niya ng bahay para pagbuksan ang matalik na kaibigan.

Pagbukas ng gate Bumungad lang naman ang kaibigan niyang sobrang makangiti sa kanya, at sabay suntok sa balikat niya.

Aray ko naman Ara! Makasuntok ah? sabay hawak sa brasong nasuntok ng kaibigan.

Ay sorry naman hahaha napalakas pala. Sabay hulma ng kamao aktong magfist bump sila.

Ayos lang sanay na ako. Ikaw ba naman halos kasama ko simula college eh? Sino ba naman di masasanay don? saad nito kay Ara.

Yan gusto ko sa yo eh? sya nga pala ito cake nagdala ako kahiya naman wala akong dala bilang ang layo ng byahe ko noh? at baka di ako pakainin ng isa dyan. Pangiinis ni Ara kay Kim.

Sira ka! Di noh? nasabi ko nga kay nanay na pupunta ka kaya 'yon nagmamadali makapagluto para daw makakain ka ng niluto niya. Saad niya rito.

Wow! Loves talaga ako ni nanay. Mapaparami kain ko nito. Nakatawang sabi ni Ara kay Kim.

At nakarating na nga sila sa loob ng bahay, sinabihan naman ni Kim na maliligo muna para kung aalis man sila ay gwapo pa rin at pinaderetso ito sa hapag para mailagay ang dalang cake.

Saktong nakita ni Ara ang lola ni Kim at saka niya tinungo ito sa kusina.

Ara's POV

Ayon na nga at iniwan naman ako ni Kimpot at nagpaalam na maliligo raw at pag saktong umalis kami ay gwapo pa rin siya. 

Hay ang kaibigan ko nga naman oo. iiling - iling nito habang kausap ang sarili.

Nakarating na nga siya sa hapag at inilapag ang cake na dala niya at nakita niya naman ang lola ni Kim na nagluluto at mukhang masaya.

Nandoon pala si nanay, mapuntahan nga at makapagmano. sabi niya sa isipan niya.

Hi Nay! nakangiting sabi nito sa lola ni Kim.

Uy, Ara nandiyan kana pala di ko man lang namalayan na dumating kana. Nakangiting sabi nito kay Ara.

Eh si Kim na po kasi nakapagbukas ng gate kanina nung dumating ako. habang nagkakamot ng batok at nakangiti sa matanda.

Mukhang busy po kayo kaya di niyo na siguro narinig 'yong pagdoorbell ko kanina. saad niya.

Ay, ganon ba, hehehe busy ako dito sa kusina sa pagluluto nalaman ko kasi kay Kim na pupunta ka kaya nagluto ako bilang bihira ka lang maligaw dito lalo na ang apo ko. nakangiting sabi pero biglang lungkot nung sinabi niya yong huli.

Nakita kong nalungkot si nanay ng sinabi niya tungkol kay Kim. Nag aalala siguro talaga ng lubos ang lola niya sa kanya.

Binalik niya na lang ang isip niya kay nanay at iniba niya na lang 'yong usapan nila ng mawala ang lungkot na nararamdaman nito.

Sya nga pala nay, Ano naman pong niluluto niyo? ngiting saad niya.

Naku, ito at niluluto ko ang pareho nung paborito at ng makakain naman kayo ng maayos mukhang nangangayayat kayo ni Kim eh? At lalo kana pumayat ka lalo nung huli kitang makita medyo mataba ka. Nakatawang sabi nito kay Ara.

Wow, mapaparami ako ng kain nito.

Si nanay naman di naman ako mataba nun may laman lang. :) sabi ni Ara

Natawa bigla si nanay sa sinabi ko.

Hahaha Loko ka talagang bata ka kahit kailan talaga. Tuwang tuwa na pagsasabi ng lola ni Kim.


At 'yon na nga at nagtawanan nalang din sila sa may kusina. At nag usap na tungkol sa buhay ni Ara ngayon at tungkol sa negosyo nito.


======================================================================


Medyo nakaka bagot pala pag wala ka rin makausap..


Sana maenjoy niyo itong gawa ko alam ko medyo boring. Sana mapagtyagaan niyo muna.


Comment lang kayo. Thanks sa mga magbabasa nito.

GV lang lagi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon