Day of Exam

48 8 3
                                    


Mae's Point of View

"Ikang!" Tawag ko Sa kaklase ko. Inis naman 'tong humarap saakin. Naistorobo ko kasi siya sa pagre-review niya na sa totoo lang props niya lang yang reviewer niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo 'kong tawagin nyan!" singhal niya saakin at nilapit din naman niya yung upuan niya malapit sa upuan ko. Wala pa naman kasi dito yung adviser namin kaya keri lang magdis-arrange ng upuan na naka one seat apart ngayong exam.

Nakasimangot parin siya saakin.

"Ano ba Mae! Sinabi ko naman sayo na tigil tigilan mo yang pagtatawag mo sakin nyan. Mamaya marinig ka pa ni Lanz, alam mo naman yun alaskador. Paniguradong aasarin ako nun."

Inirapan ko siya. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag na Ikang, ang baho daw kasi ng palayaw niya at nakakasira sa reputasyon sa maganda niyang pangalan- Ericka Mae Lopez. Kung sabagay, kung ako rin, ayokong tinatawag sa palayaw ko mas lalo na sa school. Buti na lang at hindi ganoon kabaho ang palayaw ko. Sapat na ang Mae. Wala naman akong problema kahit yun ang itawag sakin sa room, kesa naman sa pangalan kong kehaba haba.

Inabot sakanya yung libro ko. "Tanungan mo 'ko dali." Sabi ko sakanya.

"Bakit nag review ka ba?" Tanong naman nito na parang himala na ang magreview ako.

Hays. Wala naman talaga akong balak mag-review eh, nung last exam kasi halos bagsak ang mga exam ko.Kaya nasermonan tuloy ako ni mudra, Dapat daw ipasa ko lahat kundi confiscated lahat ng gadgets ko. Ayoko naman nun 'no. Sobrang boring naman na ng buhay ko kung nagkataon.

"Oo kaya, ako pa?" proud kong sabi at saka ako ngumiti ng pamatay. De joke. Ngiti lang.

"Tsk. Sige. What are the components of Statement of Financial Positio-"

Di niya na natapos yung sasabihin niya ng dumating na si Ma'am-ang adviser namin.

"Good Morning."

Tumayo naman kami at binati sila. Agad namang nagsibalikan sa upuan yung mga kaklase ko.

"Sinabi saakin ng President niyo na ang andaming nagkopyahan nung Exam. Hindi dahil wala ako nung araw na yon, Pwede niyo ng gawin ang gusto niyong gawin" sabi ni Ma'am with matching pukpok pa sa lamesa.

Nagsimula namang magsisihan ang mga kaklase ko. Di na lang ako umimik. Isa kasi ako sa mga nagkopayahan.

"Spread your chair. At ia-arrange ko kayo." Agad naman kaming gumalaw at nilayo yung mga upuan sa isa't isa.

"Ms. Agbuya dun ka sa harap ni Mr. Tuazon- Blah blah blah"

Di ko na pinakinggan si ma'am at nagreview na lang. Naks. Tapos kapag mataas ang makukuha ko, mapapadagdag ko kay mama yung allowance ko, shet sarap sa feeling.

"Mr. Curt"

Napantig naman yung tenga ko. Shet, si Jae.

"Jae Curt!" galit na sabi ni ma'am,

"Present Ma'am" napatingin kami sa lalaking kapapasok lang ng room. Halos mabitawan ko naman yung reviewer ko sa nakita ko. Mukhang bagong ligo pa siya, at yung Basa niyang buhok tumutulo sa mukha niya. Binigyan naman niya ng nakakasilaw na ngiti si Ma'am pero kahit kay ma'am niya binigay yun, parang ako ata ang nasilaw!

Sheet. Ang Hottie ni Jae.

Si Jae Ang aking my one and only, Corny. Yaks. Pero seryoso, crush na crush ko na si Jae since nung nagtransfer siya dito sa St. Fatima High. Walang nakakaalam kahit sinong nilalang na nagaaral dito na may gusto ako sa kanya, sekreto ko lamang 'to at baka biglang magtrending once na may mapagsabihan ako. Saka mas okay narin itong patago. Palihim lang akong masasaktan. Chos.

ExamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon